KABANATA 22

84 3 0
                                    

KABANATA 22: HEARTBROKEN

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Nanghihina kong binuksan ang pinto ng dorm namin. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin si Ashianna na naka-cross arms. Masamang-masama ang kaniyang tingin sa akin.

"You did the same mistake I did. I thought you are different but I was wrong. You did the same, you let go the person who love you. You just realized that you love him once you let him go," sambit ni Ashianna pagkasara ko sa pinto.

I know my mistake and I'm totally regretting about it. I wished that I realized it earlier. "I know what I did is so stupid. Ashianna, pagod na siya sa akin. Ayaw na niya ako'ng makita, ayaw na niya ako'ng makausap dahil pagod na siya sa akin. Ano na ang gagawin ko?" naiiyak kong sambit at napaupo.

Mas lalong sumakit ang aking dibdib sa sakit. Ang tanga ko kasi, malapit na nga sa akin pero pinakawalan ko pa. Kasalanan ito kaya I deserved it. Deserve ko rin masaktan.

"Dahil tinulak mo na siya palayo. Pero, hindi gano'n na lang mawala ang pagmamahal niya sa'yo kaya may pag-asa pa. Basta ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa kaniya. Ikaw na naman ang maglaban sa pagmamahal mo sa kaniya," payo sa akin ni Ashianna at nilapitan ako para aluin.

I never thought na marinig ni Ashianna ang usapan namin ni Knoxx. Alam ko naman dati na may feelings si Ashianna kay Knoxx dati. "You're right, I should fight my love for him. Ako na naman ang magpapansin o maghahabol sa kaniya kahit magmukha na ako'ng tanga basta mapansin niya lang ako," desepreda kong sambit kay Ashianna.

Mukhang nagulat din siya sa sinabi ko pero tumango rin ito kalaunan. "Basta huwag mong kalimutan mahalin ang sarili mo. Lahat ng bagay ay nagsisimula sa ating mga sarili," sambit ni Ashianna kaya tumango ako saka tumayo.

Nasasaktan pa rin ako pero kaya ko naman ikalma at iayos ang aking sarili. Mas masahol pala ito sa nagdaang pinagdaanan ko. Hindi ko na lang sinagot si Ashianna at bagkus ay humiga na lang sa aking kama. I need to rest because I am so tired. Maraming nangyari ngayong araw na mahirap i-digest.

Bago ko ipikit ang aking mga mata ay rinig ko pa ang huling sinabi ni Ashianna. "You will be find, Penelope. I'm sure of it. You will be happy with him. Just do your best,"

She's right. I will be happy with him.

***

Maaga ako'ng pumunta sa dorm nina Knoxx. May dala pa ako'ng pagkain na ako mismo ang nagluto. Adobong manok at calderata na paborito niya. Nalaman ko ito kay Fryston kaya naman hinanda ko talaga. Nasa pintuan pa lang ay libong-libo na ang boltahe na dumadaloy mula sa aking katawan.

Pinindot ko ang doorbell kaya naman inayos ko ang aking sarili. Bakit ang tagal naman nila? Pipindutin ko sana ulit kaso bumukas at tumambad sa akin si Zaiver na bagong ligo pa.

Nakasout siya ng white semi-fitted button-down polo at black jeans. Nahiya naman ako sa kaniya dahil ang bango-bango pa niya tapos hindi pa ako sanay na siya ang kaharap ko. "What are you doing here?" tanong niya sa akin at nakatitig pa sa akin.

Wagas naman makatitig ng isang 'to. "Dadalhan ko lang ng pagkain si Knoxx," sambit ko at napataas ang kaniyang kilay sa sinabi ko.

Tumango-tango siya at may kinuha sa kaniyang bulsa. "Wala rito si Knoxx, may pinuntahan siya," sambit niya kaya nanlumo ako'ng napayuko.

Kailangan ko na lang umalis dito. Bukas ko na lang siya haharapin since wala naman pala siya rito. "Salamat. Sige, aalis na ako," sambit ko at tatalikuran na sana siya kaso nagsalita ito.

"I will call him through my cellphone, just wait here," sambit nito at narinig ko ang pag-dial niya. 

Humarap na lang ako sa kaniya at nahihiyang tiningnan siya. Nahihiya talaga ako kay Zaiver dahil siya ang leader ng VSG at Versity 4 tapos nakakatakot pa siya kung makatingin.

"Hello, Knoxx. Your girl is here at our dorm," sambit ni Zaiver at hindi ko naririnig ang usapan nila.

"Really? You're lying. Stop lying, it is not good," masungit na sambit ni Zaiver.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Mukhang naiinis na kasi itong si Zaiver.

"Okay, just wait and you will see. I hope you're not regretting it. You don't want to be happy, but you're doing it. Your heart is so hard like rock. Bahala ka na sa buhay mo," sambit ni Zaiver at binaba ang tawag.

Humarap siya sa akin. Ang nakikita ko sa mga mata niya ay galit, lungkot at awa. Hindi ko alam kung bakit ito ang nakikita ko sa mga mata niya gayong masaya naman siya sa lovelife niya.

"Stop wasting your time on him. He doesn't want to see you again so I hope you understand it," sambit sa akin ni Zaiver na parang wala lang sa kaniya ang kaniyang sinabi.

Ang cold talaga ng lalaking 'to kahit may lovelife na. Masakit para sa akin ang sinabi ni Knoxx pero hindi ko pinahalata kay Zaiver. Hindi pa ako susuko kasi hindi pa ako nagsisimula.

"I will not give up on him. Mark my words, pakisabi 'yan sa kaibigan mo," sambit ko at tuluyan na umalis doon.

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Zaiver sa sinabi ko. Masakit para sa akin, siguro kabayaran ko na ito sa masasakit na salita na sinabi ko sa kaniya. Mas masakit ang mga sinabi ko kaysa sa sinabi niya sa akin. Bumalik ako sa dorm na bagsak ang balikat, I think kailangan ko na lang ito kainin.

Dapat pala sure ako kung nandiyan talaga siya. Halata namang ayaw niya ako'ng makita kaya naman naiinis na ako sa kaniya. Pero pilit ko kinakalma ang aking sarili. Pagpasok ko sa dorm namin ni Ashianna ay humiga agad ako. Wala rito si Ashianna, hindi ko alam kung saan 'yon pumunta.

Kahit sa aking paghiga ay si Knoxx pa rin ang iniisip ko. Hindi naman siguro siya gumaganti sa mga pinagsasabi ko sa kaniya? Kung hindi lang ako tanga edi sana noon ko pa na-realize na siya ang mahal ko. Pinangunahan kasi ako ng katangahan ko. Kung noon ko pa na-realize na mahal ko siya edi sana kami na ngayon. Hindi na ako mahirapan pa.

Doon ko lang napagtanto ang kahalagahan ng pagising sa katotohanan. Hindi ko rin namamalayan na umiiyak na pala ako. It's hurts me a lot more than what I'm expecting. Nakatitig lang ako sa ceiling habang patuloy umaagos ang luha mula sa aking mga mata.

May narinig ako'ng kumakatok sa pinto kaya naman nagtaka ako. Kung si Ashianna naman 'yan ay hindi na 'yan kakatok sa pinto. Nagpunas muna ako ng luha at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang pagmumukha ni Knoxx.

Nakatayo lang siya na nakaharap sa akin. Magsasalita sana ako kaso naunahan niya ako. "What do you want?" diretso niyang tanong.

Nakaramdam na ako ng ilang boltahe sa aking katawan. "May ibibigay sana ako," sambit ko sa kaniya.

Tumaas ang kaniyang kilay. "Ano 'yon?"

Kukunin ko ba 'yong ibibigay ko? Pero kinuha ko ito ng mabilis at inabot sa kaniya.

"Pagkain," nakangiti kong sambit.

Sandaling umiwas ang kaniyang tingin pero binalik din sa akin. "I don't need that. Busog ako at wala ako'ng panahon para makipag-usap sa'yo at tanggapin ang binibigay mo. You should get that to Fryston baka sakaling matuwa pa 'yon sa'yo," sambit niya pa na kinadagdag ng aking nararamdamang masakit.

"P-pero sa'yo ko naman 'yan ibibigay at hindi sa kaniya," sambit ko habang patuloy na inaabot sa kaniya.

Kinuha niya ito at napahinga ako ng maluwag. "Ako na lang magbibigay sa kaniya. May pahiya-hiya ka pang nalalaman, hindi naman bagay sa'yo. Mabuti nga at tatanggapin niya ang basurang ibibigay mo," sambit nito at tiningnan ako disgustong tingin. "Lastly, I already told you last time that I don't want to talk with you. You're wasting my time to this nonsense. Stop coming from me, I already move on and I'm happy about it. You're nothing but a stranger to me," malamig nitong sambit at tuluyan nang umalis.

Doon ko na hindi napigilan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Masyadong masasakit 'yong mga sinabi niya at 'yong tingin niya na nakakainsulto sa akin.

Kaya ko pa naman, lalaban pa rin ako para sa kaniya. Simula pa lang ito at hindi pa  susuko.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now