KABANATA 2

158 8 0
                                    

KABANATA 2: HOUSEHOLD CHORES

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Hindi nagtagal ay nakarating ako sa bahay at nandoon na naman ang magali kong nanay sa pintuan habang pinapaypayan ang sarili gamit ang paypay na binigay sa amin ng mga give away. Napansin niya agad kahit nasa malayo ako.

Pagbukas ko ng gate ay masama na ang tingin niya sa akin. "Alam mo ba kung anong oras na?" matalim niyang tanong at nakaramdam naman ako ng kaba.

Natatakot ako sa pwede niyang gawin. "It's 12:30 am na po," magalang kong tanong at napayuko.

"12 ang dismissal niyo kaya nasaan ka ng 30 minutes! Nakalimutan mo na ba ang mga trabaho mo?! Huwag kang puro lamon dito at magtrabaho ka rin!" malakas niyang bulyaw sa akin at pina-angat ang aking mukha.

Sumulubong agad sa akin ang malakas niyang sampal na halos mapaluhod ako sa lakas. Nasugatan ang gilid ng aking labi at nakaramdam ako ng hilo. "Pasensya na po, Mama. Hindi na po mauulit," hinging patawad ko sa kanya but alam ko na nagagalit siya lalo.

"Aba't sumasagot ka pa! Hindi na 'yan mauulit dahil humanda ka talaga! Maghanda ka na ng kakainin at maglinis ka na. Bilang punishment mo ay hindi ka kakain ngayong gabi at bukas. Wala ka ring baon," matigas niyang sabi at muntik na akong maiyak pero pinipigilan ko na.

"Mama, gutom na ako. Matagal pa ba 'yan?" tanong ni Selene Arkisha Naval ang nag-iisa kong kapatid na mas bata sa akin ng isang taon.

Spoiled brat, masungit, maarte at walang modo na babae. Lalapitan lang niya ako kung kailangan niya ng pera at ipapabili. Lagi rin niya ako inuutusan na parang katulong ako at hindi nakakatandang kapatid niya.

"Magluluto na siya ng pagkain natin, Anak. Kaya maghintay ka lang," pagkukumbinsi ni Mama kay Selene.

Aminin ko na iba ang trato sa akin ng pamilya ko. They treat as a princess si Selene habang isang basura ako. Walang may gusto sa akin sa pamilya ko.

"Ang daming arte tapos ang tagal pa," huling sambit ni Selene bago pumihit paalis.

"Bilisan mo na, ang bagal," sabi ni Mama at umalis na.

Inayos ko ang aking sarili at pinunasan ang aking luha na muntik na tumulo, mabuti nga lang at napigilan ko. Pumasok ako sa loob at naabutan silang tatlo na nanonood ng palabas habang kumakain ng popcorn.

Masaya silang tatlo habang nanonood at napailing na lang ako na nilagpasan sila. Dumiretso ako sa bodega kung saan doon ang kwarto ko. Wala akong kama at naglalatag lang ako ng banig sa bodega.

Puro rin ng lumang paligid ang bodega at may isang maliit na sira-sirang mesa kung saan doon ako nag-aaral at sa harap nito ay upuan na sirang-sira rin. May maliit na aparador na butas-butas kung saan nandoon ang mga damit ko at gamit.

Mabilis akong nagbihis dahil ayaw nila pinaghihintay sila. Mga luma lahat ng damit ko na pinamili ko lang sa ukay-ukay, may ilan din na may butas na pero tinahi ko lang. May nakukuha naman akong pera dahil sa mga part time job ko pero kinukuha ng mga magulang ko.

Pagkabihis ko ng simpleng t-shirt at pajamas ay pumunta agad ako sa kusina. Nagsaing muna ako ng kanin sa rice cooker bago ko sinimulan linisin ang slice ng manok. Marami ang piraso nito pero alam ko na hindi ako makakain dahil para lamang ito sa kanila.

Narinig ko ang tawanan nila sa sala habang ako ay narito sa kusina na nagluluto ng kakainin nila. Naiingit ako lagi kay Selene dahil halos ay ibibigay nila sa kanya habang ako ni kahit isa ay wala. May pera naman ako pero hinahanda ko lang ito kung sakali man na kailangan ko na ito.

Hindi nagtagal ay natapos ko na ito lutuin at hinanda na sa hapag kainan. Kumpleto lahat ang paghahanda ko kahit tubig sa pitsel mga plato at kutsara't tinidor. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at masaya silang tatlo sa panonood.

Tumihim ako. "Handa na po ang kakainin niyo," mahina kong tawag sa kanila.

Tiningnan naman nila akong tatlo. "Sige, bumalik ka na sa kwarto mo," nakangising sabi ni Mama at nainsulto naman ako lalo na tumawa pa si Selene.

Tumango ako at nagsimula na maglakad papunta sa aking kwarto. Maganda ang kwarto ni Selene na parang isa siyang prinsesa habang ang kwarto ko ay bodega. Malaki naman ang pera nina Mama dahil may savings sila pero mas pinili na gamitin ang pera na nakukuha ko.

Isa rin sa nakakasakit sa aking damdamin ay never nila ako sinabay sa pagkain nila. Lagi akong kumakain sa aking kwarto na mag-isa. Bago ako tinuluyan makarating sa bodega malapit sa cr ay nilingon ko sila na sarap na sarap sa kanilang kinakain.

Ngumiti ako ng mapait at pumasok na tuluyan sa aking kwarto. Mas mabuti nga ang buhay ni Ashianna dahil kahit na naghihirap sila ay mahal siya ng mga magulang niya samantalang ako na naghihirap pero hindi mahal ng mga magulang.

Kada weekends ang trabaho ko sa restaurant as a waitress. Mabuti na lang at hindi naliligaw ang mga kaklase ko roon kundi nakakahiya na. Mas pinili ko magbasa ng aklat sa aking kwarto.

Binuklat ko ang paborito kong aklat at sinimulan basahin. Matagal na akong nangangarap na mahalin din ako ng mga magulang ko kahit hindi ako katalinuhan. Hindi naman ako sing talino ni Ashianna. Gusto ko rin maging scholar sa school kaso natatakot din ako sa batas ng school.

Siraulo kasi ang nagpakana ng bagay na 'yon. Pero, sa kabila na nangyayari sa akin ay natuto pa rin ako magka-crush o magkagusto. May gusto akong tao na miyembro ng sikat na grupo sa school namin. Sila ang namamahala sa school namin dahil sa kanila naman 'yon.

Ang leader nilang si Theodore Zaiver Valeir ay kada exam lang pumapasok at wala pang nakatuklas sa pagmumukha niya dahil kapag pumapasok siya ay naka-mask at hoodie. Ayon sa chismis ay siya ang pinakakatakutan sa kanilang apat dahil naununtok daw siya ng babae o nanakit.

Pumapangalawa sa kanila si Clayx Knoxx Ursula na ubod ng sungit. Siya 'yong kumausap sa akin bigla na ang pangit magsalita. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinausap ng isang 'yon.

Pangatlo sa kanila ang taong pinakagusto ko sa kanila at gusto ko mula noong Grade 7 pa. Siya ay si Fryston Jansen Callisto na isang playboy at lagi siyang may babae. Nagseselos nga ako pero wala naman akong karapatan magselos dahil hindi kami. Hindi niya rin ako kilala kaya wala akong karapatan. Desperate na yata ako na gusto ko mapabilang sa mga babae niya kahit doon man lang ay masaya ako.

Panghuli sa kanila ang badboy na si Thesier Vaniry Landleigh. Miyembro ng assasin ang pamilya niya at maraming takot sa kanya. Bihira nga lang ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya dahil tingin pa lang niya ay takot na sila.

Sana mapansin naman ako ni Fryston kahit sa panandalian lamang. Bigla tuloy pumasok sa isipan ko 'yong mayabang na si Knoxx. Akala ko matino ang isang
'yon dahil tahimik at walang bad record pero mas masahol pala siya roon sa tatlo.

Kapag nagkita kami ay siya na naman ang ipapahiya ko. Damn him. He's getting on my nerves.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon