KABANATA 1

237 11 0
                                    

KABANATA 1: HAVING A HARD TIME

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

No one know that I'm having a hard time with my family even my bestfriend Ashianna. Marami na siyang problema sa pamilya tapos dadagdag pa ako. Mas mabuti na itago ko na lang dahil malalampasan ko rin ito.

Lagi niyang reklamo sa akin na baon sa utang ang pamilya niya dahil sa bisyo ng kanyang ama. I want to help her pero isa rin ako na may problema sa pera. Nagtatrabaho naman ako sa gabi bilang part time job sa 24 hours na restaurant. Gusto rin magtrabaho sa campus kaso malalaman ni Ashianna ang estado ng buhay ko. Malalaman din ng mga kaklase ko na puro kasinungalingan ang buhay ko.

Kwento ko kasi sa kanila na masaya ang buhay ko kasama ang pamilya ko at maayos ang daloy ng buhay namin. Walang nakakaalam na tintrato nila ako na parang basahan o basura. Kahit ang Mama ni Ashianna na si Misha ay hindi alam ang pinangagawa sa akin ng kaibigan niya na si Denise na aking ina. Para sa akin, hindi ko ramdam ang pagiging ina niya sa akin. How I wished that she's not my mother.

"Ang laki na naman ng eyebags mo. Sigurado ako na subsob ka sa studies o di kaya sa mga paborito mong k-drama,"

Hindi alam ni Ashianna na sa school lang ako nakakaramdam ng saya kapag sa bahay na kasi ay kalungkutan. Never akong naging masaya sa bahay dahil pinapahirapan nila ako na parang hayop. Lahat ginagawa ko dahil utos nila.

"Sana may time rin ako sa ganyan. Kaso ang dami kong problema na iniisip. Sana katulad ko ang buhay mo na masaya," masayang sambit ni Ashianna at ngumiti lang ako sa kanya.

Kung alam lang niya ang pinagdaanan ko simula pagkabata but I don't want to be burden at her. "Think about solution not a problem," sagot ko na lang at naglakad na kami ng tahimik.

Papauwi kami ngayon sa bahay namin and ayaw ko umuwi muna pero wala akong magagawa. Ganito ang takbo ng aking buhay at parang cyle na ito ng aking buhay. I am exhausted in this kind of life, but I need to do it in order to survive.

"Paano 'yan, mauuna na ako. See you tomorrow," paalam ni Ashianna at ngumiti na lang ako.

"See you,"

Nagsimula na ako maglakad sa gawi papunta sa bahay namin. Nakikita ko ang mga nanay na over makaalaga sa mga anak nila. Sila pa ang tigpunas sa mga pawis ng mga anak nila. Bagay na never ko pa na-experience dahil bata pa lang ako ay kailangan ko na magtrabaho para sa aming pamilya.

May nakasalubong akong lalaki na kilala ko dahil kaibigan ko siya.

"Hoy, kumusta ang buhay natin?" bati niya sa akin at tumigil sa harapan ko.

"Ayos lang, ikaw? Still rejected again?" asar kong tanong sa kanya at natawa naman siya sa naging tanong ko.

Lagi kasi siyang nire-reject ng mga taong natitipuhan niya dahil sa estado ng buhay niya. Gwapo naman itong si Lester at tisoy kaso ayaw sa kanya ng mga babae dahil sa buhay niya. Mahirap siya at isang kahig isang tuka ang buhay niya. Isa siyang kargador sa palengke.

Aksidente lang din ang pagkakilala naming dalawa. "Bahala na sila. Wala naman akong magagawa kung ayaw nila sa akin. 4M yata ang gusto nila," natatawang sabi ni Lester na halatang hindi galing sa rejection.

4M stands for matandang mayaman madaling mamatay o MMMM. Mga sugar daddy sa mga salita ng mga bagets.

"Mas mabuti pa na mag-ipon ka ng pera. Lalapit din sa iyo ang taong nakatadhana sa iyo. Malay mo malapit na siya," payo ko sa kanya at napangiti naman siya.

Palangiti kasi ang isang 'to. "Malay mo ikaw pala 'yon, joke lang," pagbibiro niya pero natahimik ako.

Napansin naman niya ang pananahimik ko kaya napatigil siya sa pagtawa. Hindi kasi nakakatuwa ang biro niya dahil parang totoo. "Joke nga lang, ayaw mo talaga mabiro. Kumusta na kayo noong lalaking patay na patay ka," asar sa akin ni Lester pero napasimangot ako.

Alam niya kasi na may gusto ako sa isang tao. Sinabi ko sa kanya kung sino at nagulat siya pero mas lalo siyang nagulat kung ano ang ginagawa nito.

"As usual, hindi niya alam na nage-exist ang isang katulad ko. Gusto ko talaga mapalapit sa kanya," nakanguso kong sabi habang iniisip kung paano mapalapit sa taong gusto ko.

"Edi lapitan mo. Gamitin mo ang charms mo. Huwag mong hintayin na siya ang lumapit sa iyo kung ayaw mo maging matandang dalaga," pampalakas sa akin ni Lester.

Kaso natatakot ako sa maging reaksyon ni Fryston. What if iba ang mahal niya edi ako ang kawawa.

"Hindi ko kaya, nahihiya ako. Baka rin ma-busted ako," mahina kong tugon na tinawanan ni Lester.

Gago 'to. Tinatawanan na lang niya ako kahit ma-busted na ako. Masakit kaya ma-busted tapos mawawalan ka ng confident sa sarili mo.

"Normal lang ma-busted dahil parte na 'yan ng buhay ng isang tao. Ako nga nakailang ulit ma-busted pero kinakaya pa rin. Ikaw na, one time lang if gagawin mo ay parang baliw na nago-over think," payo sa akin ni Lester at may punto naman siya.

Kakayanin kasi niya i-handle habang ako naman ay hindi ko kayang i-handle dahil kunting bagay lang ay nasasaktan na ako. Boung buhay ko ay puro sakit ang dinanas ko dahil sa aking pamilya.

"Sige. Susubukan ko," tanging sagot ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa naging sagot ko. "Sige, aalis na ako. May pupuntahan pa ako sa palengke. Basta kaya mo 'yan, maganda ka at mabait. Kaya alam ko na magugustuhan ka niya," paalam ni Lester at nakipag-high five sa akin.

Umalis na siya at naiwan ako rito. Napangiti na lang ako dahil kahit papaano ay may taong nagtitiwala at nagpapalakas loob sa akin maliban kay Ashianna.

"Sounds interesting," sabi ng isang tao sa aking likod.

Nilingon ko ito at tumambad sa akin si Knoxx. Isa sa miyembro ng Versity 4 sa RBA. Hindi ito nakangiti at nakapamulsa lang.

"Ha?"

Lumapit siya sa akin at huminto rin agad. "Do you know him?" mahina niyang tanong.

Anong klaseng tanong 'yan? Parang ang weird. "Oo naman, kakausapin ko ba ng matagal kung hindi," nakangusong kong sagot.

"Paano kung masama siyang tao? Kakausapin mo ba?" tanong pa rin ni Knoxx.

Bakit niya ito tinatanong sa akin? Pakialam niya ba kung kakausapin ko si Lester o kahit sino man. Kilala ko lang naman siya sa school.

"I trust him because he is my friend," tugon ko na lang sa kanya.

Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ko.

"How can you explicity trust someone else then at the same time you never give the same amount of trust to yourself?" tanong niya na nagpahinto sa aking pag-iisip.

How can he asked this kind of question? Tinamaan ako sa sinabi niya dahil mabilis ako magbigay ng tiwala sa mga taong naging kaibigan ko pero maliit lang ang tiwala ko sa aking sarili.

"Wala ka na roon, pakialam mo ba," matabang kong sagot at tumingin sa ibang direksyon.

"Nagtanong lang ako, hindi ko sinabi may pakialam ako," tanging sambit niya at nilagpasan ako.

Ang rude naman niyang lalaki. Hindi ko alam kung bakit may nagkakagusto sa kanyang mga babae. Maliban sa histura niya ay arrogant siya.

Edi wala siyang pakialam. Sana hindi na magkrus ulit ang mga landas namin baka masampal ko siya.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon