KABANATA 16

81 7 0
                                    

KABANATA 16: CRAZY THOUGHT

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

May ganito pa lang side si Knoxx? Akala ko kasi may katinuan 'yong pag-iisip niya.

"Baby time? Hindi nga tayo kaya bakit tayo mag-baby time," sambit ko at pasimpleng inirapan siya.

Nababakas ko sa kaniyang mata ang kaunting amusement. "Then, puwede naman tayo if want mo ng may baby talk," suhestyon pa niya na natatawa.

Tama nga si Cedrick. May sayad talaga ang lahat ng member ng VSG. "Hindi nakakatuwa ang sinabi mo. Ano pala ang pag-uusapan natin about sa pagiging part-timer ko?" sambit ko ng seryoso para matigil na ang gano'ng usapan.

I'm not comfortable about that topic lalo na si Knoxx pa ang kausap ko kaya pinutol ko na kung ano 'yong pinag-uusapan namin.

"Gusto ko sana ibigay sa iyo ang restaurant na ito," sambit pa niya na parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya.

What the heck? Seryoso ba siya sa pinagsasabi niya? Kung makapagsalita siya parang laruan lang ang ibibigay niya sa akin.

"Are you kidding me?" hindi ko na napigilan ang aking labi na itanong ito.

"Nope, why would I?" balik niyang tanong.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit? Bakit naman niya ako bibigyan ng ganito? Dahil lang ba sa nararamdaman niya.

"Bakit? Bakit mo sa akin pinapamigay ang mga kayamanan mo?" nagtataka kong tanong.

Mukha na ako'ng matandang babae na naii-stress sa ngayon pero mabuti na ito para malaman ko kung ano nga ba ang dahilan niya. Hindi sapat na rason na gusto niya ako.

"You need it. You badly need it. I see how your parents treat you. Alam ko na may ginagawa sila sa iyo na hindi makatarungan. I know everything what they do to you," sambit pa niya sa kalmadong boses.

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Like, paano niya nalaman? Pinuntahan niya ba ang pamilya ko or what? I don't know kung ano ang gagawin ko sa ngayon.

"So, that's why you helping me through this? But, don't bother. I can help myself. I can handle myself when it comes to this situation. I don't neex everyone's help. It's better to help myself rather than asking help to someone," final kong sabi at tatayo na sana kaso may bumukas sa pinto.

Napaupo ako sa gulat dahil isang lalaki ang pumasok. Naka-all black ito at may nakakabit na headphone sa leeg nito. Ano'ng ginagawa nito rito? Baka kaibigan ito ni Knoxx. Tinapunan niya lang ako ng tingin saka binaling kay Knoxx agad.

"Kanina ka pa tinatawagan ni First pero ayaw mo raw sumagot," pabalang nitong sambit at sinara ang pinto.

Cold ang pagtingin nito at all black pa ang kaniyang attire. Grim reaper ba ang isang 'to? O baka naman kalahi rin ito ni Knoxx dahil sa kaniyang kutis.

"I'm busy. Wilson, you don't know how to knock a door?" cold din na tanong ni Knoxx pero hindi rin natinag ang lalaki.

Hindi naman siguro mag-aaway sa harapan ko 'diba? Kailangan ko makasiguro baka bigla na lang sila mag-away sa harapan ko.

"Of course... No. Kilala mo naman siguro ako 'diba? Alam mo na hindi ako kumakatok kapag papasok ako sa mga pintuan. You should know that," sambit pa niya parang normal lang na pumasok without knocking.

Napailing na lang si Knoxx sa tinuran ng kaniyang kaibigan. "Okay, I get it. Puwede ka nang lumayas. May pag-uusapan pa kami ng kausap ko," sambit ni Knoxx at tiningnan muna ako ng sandaling tingin ng kaibigan ni Knoxx bago nagkibit balikat.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now