KABANATA 28

111 5 0
                                    

KABANATA 28: FORGIVENESS

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Inaya niya ako'ng umupo sa sofa pero mas nauna siyang umupo sa single sofa at umupo rin ako sa single sofa na kaharap nang sa kaniya. "Napatawad mo na ba ako?" he sofly asked while sitting on the single sofa.

I know na may natitira pang kaunting tampo o galit sa aking puso sa kaniya dahil nasira ang tiwala ko sa kaniya. Pero kapag naiisip ko kung bakit niya ito ginagawa ay nawawalan ng galit ang aking puso. Napatitig lang ako sa mata niyang hazel brown ang kulay.

"I know it. Hindi mo pa rin ako napatawad. Pero maghihintay pa rin ako kahit  gaano katagal. A real man can wait any longer," sabi niya sa madamdaming boses.

I just nodded at him. At least diba ay naitindihan niya ako. Hindi rin siya 'yong tipo ng tao na mamimilit. "Alam ko na maiintindihan mo ako. Sadyang nagpadala ako sa aking emosyon noong mga nakaraang araw kaya kita nasabihan ng mga masasamang salita. Nagtiwala ako sa iyo pero nagulat ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung ano ang rason mo para gawin mo 'yon pero alam ko na para ito sa kaligtasan. I think kailangan kitang pasalamatan sa ginawa mo. Iniisip mo lagi ang kapakanan ko. I should be thankful rather than hating you," tanging sambit ko habang nakangiti sa kaniya na kinagulat niya.

Napansin ko ang paglikot ng kaniyang mga mata at hindi na siya makatingin sa akin ng diretso. This is the first time na maging ganito si Knoxx. Knowing him na kalmado, cold at seryoso.
"Hindi ka na galit?" tanong niya sa akin sa malumanay na tono.

Napayuko pa siya habang tinitingnan ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa kaniyang mga hita. "Walang mapapala ang galit ko kung ginagawa mo ito para sa akin. Pero, hindi pa kita mapapatawad kahit wala nang galit sa puso ko," sambit ko at iniisip ko kung wala na ba ako'ng nararamdamang galit sa kaniya.

Napansin ko ang mahina niyang pagtango at pag-angat niya ng tingin sa akin. Napagmasdan ko ang kaniyang mga mata na parang nagpupuyat. Wala na itong gana at napakamalumanay ng kaniyang mukha ngayon. Ano ba ang ginawa niya at naging ganito siya?

Namumutla na rin ang kaniyang mukha na nahahalata ko dahil sa maputi na nga siya at nadagdagan pa. "Are you okay? Napakaputla mo kasi," nag-aalala kong tanong.

He give me a small smile. What is the meaning of that smile?

"Okay lang ako. Sadyang kulang lang ako ng tulog kakaisip kung mapapatawad mo ako. Pero okay lang talaga ako," sambit pa niya na parang pinapahiwatig niya na wala ako'ng kasalanan.

Nakaramdam tuloy ako ng guilty dahil sa sitwasyon niya ngayon. Kung kinausap ko lang sana siya ng maaga edi sana hindi niya ito mararamdaman.

"Wala kang kasalanan, Penelope. So don't be sad or guilty. Kasalanan ko talaga ito. Sinira ko kasi ang pagtitiwala mo kaya I deserved this," nakangiti niyang sambit.

Kahit gaano niya pa ipilit na wala ako'ng kasalanan pero naiisip ko pa rin na kasalanan ko. Bakit nga ba hindi rin ako nagtiwala sa kaniya? Mahal ko siya pero wala ako'ng tiwala sa kaniya. How ridiculous. Wala rin silbi ang pagmamahal kung walang pagtitiwala.

"May kasalanan din ako. Mahal kita pero wala ako'ng tiwala sa iyo. I should trusted you. You know that I really love you. Ngayon ko lang naramdaman ito dahil 'yong kay Fryston ay paghanga lang 'yon. Sana nagtiwala talaga ako sa iyo," malungkot kong sambit.

Naiisip ko kasi na ako talaga ang may kasalanan ng lahat.

"Penelope, wala kang kasalanan dahil-" naputol ang sinasabi ni Knoxx dahil nagsalita na ako.

"Stop it, Knoxx. Ako ang may kasalanan. Magsalita ka pa or else," pagbabanta ko sa kaniya.

"Or else?" nagaabang niyang sabi.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now