KABANATA 19

87 4 0
                                    

KABANATA 19: FRIEND

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Nilubos ko na 'yong pag-iiwas ko kay Knoxx. Mas mabuti na 'yon dahil ayaw ko na talagang makita ang pagmumukha niya. Hindi rito umuwi sa dorm si Ashianna at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Baka naman nagpalipas 'yon ng gabi sa iba.

Kasalanan talaga ito ni Knoxx. Kung hindi niya lang sinabi kay Ashianna na ako ang mahal niya baka hindi nasasaktan ngayon ang kaibigan ko. Damn him. Since hindi naman maayos ang klase namin ay gagala na lang ako kung saan. I wore my favorite light blue leather shirt dress that above the knee and paired with my light blue kitten heel peep-toe D'Orsay.

Ito 'yong pinag-ipunan ko bilhan noon kaya nabili ko na siya. Sinout ko na rin ang black micro bag ko kung saan nandoon ang cellphone ko, wallet, I.D at iba pang gamit. Binuksan ko ang pinto ng aking room at sinara agad. Napabuntong hininga ako at nagsimula na maglakad papunta sa gusto kong puntahan.

Paglabas ko sa entrance ng dorm ay nakikita ko na ang mga students na nakakasalubong ko. May ilan na naghahabulan, naglalaro and nagtutuksuan sa mga crush nila. Hindi ko na lang pinansin at patuloy pa rin sa paglabas. Nagtaka pa nga ang guard sa main entrance kung saan ako pupunta.

Pero pinagtataka ko ay hindi nila ako hinarangan or what. Hinayaan lang nila ako'ng makalabas. Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa paborito kong lugar.

Ang enchanted kingdom. Dito ako minsan tumatambay dahil sa magagandang tanawin nito at design. Ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit tumatambay ako rito dahil malakas ang signal nila. Malakas naman ang signal sa RBA kaso maraming naka-connect sa free wifi nila kaya humihina rin ito.

Kailangan mo pa gumising ng maaga para lamang maabutan mo 'yong pinakamalakas na signal sa RBA. Umupo ako sa mga bench nila at tiningnan ang tanawin na painting sa harapan ko. Isa itong painting na tungkol sa masayang pamilya na kumakain ng masagana.

The feeling that I never felt.

Ang pakiramdam na gusto kong maramdaman pero hindi pinaramdam sa akin. Bata pa lang ako ay ito na ang pangarap ko, ang makasabay ko ang aking pamilya sa pagkain pero kahit kailan hindi nangyari. Mag-isa ako'ng kumakain sa bodega and tirang-tira pang pagkain kahit ako ang naghirap na bumili at magluto.

Kahit kailan hindi ako nagreklamo dahil wala ako'ng karapatan na magreklamo. Naiingit nga ako kay Selene dahil halos lahat ay ibigay sa kaniya kahit na mas matalino ako sa kaniya. Kailangan ko na lang siguro tanggapin ang kapalaran ko na hindi ako mahal ng pamilya ko, in fact they despise me.

Gusto nga nila na mawala ako sa landas nila.

Seeing this picture make me realize the way I treated before. I realized na umiiyak na pala ako dahil sa pagkatulala rito sa picture. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang aking luha. Pagpunas ko ay tiningnan ko ang panyo na nagamit ko.

Doon ko lang napagtanto na kay Knoxx pala ito. I never thought na sa kaniya pala ito. Ito 'yong binigay niya na panyo sa akin noong iligtas niya ako mula sa mga manyak. Kinuha niya kasi ang binigay sa akin ni Fryston dahil pag-aari raw 'yon ng isa sa mga babae niya.

Binulsa ko na lang ito dahil iiwasan ko na siya dahil galit ako sa kaniya. I can never forgive him for what he did. I wish that I will never cross on his path again.

***

(CLAYX KNOXX POINT OF VIEW)

I just stayed at my place here at the dorm of Versity 4. Nandito lahat ng member ng VSG to have meetings. Pero wala ako'ng balak makinig sa usapan nila. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Nakahiga ako sa aking kama habang nakatingin sa ceiling.

SPREADING MY INTENTIONSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora