KABANATA 14

79 5 0
                                    

KABANATA 14: WORRIED

***
(PENELOLE ELISHA POINT OF VIEW)

Gabi na at panay hintay ko kay Ashianna. Marami ako'ng naririnig na chismis tungkol kay Ashianna at Zaiver pero hindi ko na lang pinansin. Maraming negative feedbacks kay Ashianna pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko kaya ang naririnig ko na mga komento pero nagpipigil lang ako.

Nasa labas kasi ako ng pintuan ng dorm namin at lumabas din ang ibang babae na naka-dorm. May ilan sa kanila na nakatingin sa aking gawi, or I should I say sa dorm namin nakatingin.

I acted like I didn't hear what they are gossiping. Gawin ko na lang ito para mas lalo silang mainis at kusa silang tumigil. Hindi ko kasi sila mga kaklase pero may ilan din na mga kaklase ko. Nagagalit sila kay Ashianna dahil malapit naman pala siya kay Zaiver pero hindi niya sinabi ang situation ng section namin.

Kung alam lang nila kung paano sabihin at humiling si Ashianna kay Zaiver para tulungan kami. First move nga nila itong mag-dorm kami para mabantayan nila kami ng maayos. Sadly, hindi gumana. May natagpuang patay na tatlong babae sa tambakan ng basura sa dorm.

May ideya na ako kung sino ang gumawa pero mas pinili kong manahimik. I know na gawa ito ng vampire serial killer kaya mas pinili kong manahimik. Natatakot ako sa puwede niyang gawin sa akin lalo na malalakas silang nilalang. Kailangan ko mahanap si Ashianna, natatakot ako sa mga naiisip ko na baka nangyari sa kaniya.

Mahina pa naman sa direksyon ang babaeng 'yon kaya baka naligaw siya or may napuntahan siyang hindi pamilyar sa kaniya. Nakapag-desisyon na ako na hahanapin si Ashianna kahit pinagbabawal ng mga guard ng RBA.

Nagsimula na ako maglakad paalis. Ni-lock ko muna ng maayos ang pinto ng dorm saka naglakad na. Ramdam ko ang titig ng aking mga nadadaanan pero hindi ko na lang pinansin. Nakababa na ako sa hagdan at tiningnan ko muna ang entrance kung nandoon ang mga guard.

Napansin ko na tumayo sila paalis kaya ito na ang chance ko na makalabas. Mabilis ako'ng tumakbo palabas nang hindi lumilingon sa aking likod kundi sa harap lang nakatutok ang aking paningin. I smiled a little noong nakalabas na ako tuluyan.

Nagsimula na ako maghanap muna sa boung campus. Mabuti na lang din at walang mga nagra-round na mga guards kundi nahuli na nila ako. But, may napansin ako. Akala ko ba highly ang security ng school pero bakit wala ako'ng nakikitang mga guards.

Hindi ko na lang ito inisip at kahit saan-saan na ako pumupunta para hanapin si Ashianna. Hindi ko alam kung bakit biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mga maliliit na ingay na naririnig ko.

Tiningnan ko isa-isa ang bawat classroom pero napatigil ako sa isang classroom. Sumilip kasi ako sa bintana at may nakita ako'ng tao na nakatayo. Nakatingin ito sa kabilang bintana na nakatalikod sa akin.

Matangkad itong lalaki na nakasout ng ito ng puting polo with black pants. Malinis ang gupit ng kaniyang buhok at maputi siyang tao. Tao ba talaga siya or katulad din siya ng iba? Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa nakita.

Kailangan ko na bang umalis?

Gusto ko umalis sa aking kinatatayuan kaso hindi ako makagalaw. Nagsitayuan ang balahibo sa aking batok at naginginig ang aking hita sa takot. Gusto ko rin sumigaw ng tulong kaso hindi ko maibukas ang aking labi. Lumingon sa akin ang taong iyon at napansin ko na nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Nanlaki ang aking mata dahil nakalabas pa ang kaniyang mga pangil. Kakagatin ba niya ako? Ako na ba ang kakainin niya? Mahina ako'ng napahikbi dahil sa takot. Mas lalo ako'ng natakot noong bigla siyang nawala sa aking harap.

SPREADING MY INTENTIONSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin