KABANATA 15

85 6 0
                                    

KABANATA 15: SHY

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Alam mo 'yong feeling na may pinagtataguan ka? Ganiyan ang nararamdaman ko ngayon. Parang nasisiraan ako ng bait dahil pinagtataguan ko si Knoxx. I mentally cursed myself with this. I don't how I ended up doing this.

Dapat wala ako'ng pakialam sa kaniya lalo na roon sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at ginagawa ko ito. Ako lang ang gumagawang tanga sa aking sarili. Binuksan ko ang pinto ng aking dorm at pasimpleng sumilip sa hallway.

Malay ko ba kung tatambad dito bigla si Knoxx. Pero nabatukan ko ang aking sarili dahil girls dormitory ito, hindi naman puwedeng pumasok siya agad dahil territory ito ng mga babae. Binuksan ko na tuluyan ang pinto saka lumabas.

Nakasout ako ng black illusion dress with light brown pegged pants. I partnered it with light brown kitten heel. Sinout ko rin ang white caramel micro bag ko na may kalumaan na. Ang laman nito ay cellphone, ballpen, maliit na notepad and lastly my wallet.

Kaunti lang ang dala ko dahil pupunta ako ngayon sa pinagtatrabahuan ko. May ica-clarify lang ako sa kanila. Paglabas ko sa may guard ng entrance ay napatingin silang lahat sa akin, specifically sa damit ko. I know na halos lumuwa na ang kaluluwa ko sa aking dress pero pakialam naman nila.

Kasalanan na nila if napapatingin sila sa akin. Patuloy ako sa paglalakad and luckily hindi maraming tao ang lumalabas since walang pasok ngayon, inaayos pa kasi nila ang nangyari sa RBA. Hindi ko na rin kailangan na sumakay sa mga pampublikong sasakyan dahil malapit lamang ito rito.

I smiled because of the weather right now. Ganito ang gusto kong weather, hindi masiyado maaraw at hindi masiyado malamig. Tamang-tama lamang kaya maganda kapag mag-commute ka lang. Nakalimutan ko pala dalhin 'yong white jacket ko pero hinayaan ko na lang.

Tumigil ako sa may traffic light dahil naka-go signal 'yong traffic light. "Most road signs are divided by color and function," paliwanag ng isang female police officer sa mga bata.

Mukhang tinuturuan niya ng mga signs ang mga batang ito. Sumang-ayon naman 'yong mga bata na sa tingin ko ay mga Grade 5 or 6. "Ma'am, para saan po ba 'yon?" tanong ng isang cute na babae sa police officer.

Since matagal pa ang traffic light na mag-go signal para tumawid ay nakinig muna ako sa kanila. Nakakatuwa kasi silang tingnan lalo na 'yong mga bata. "Ang sign na 'yan ay babala para sa mga driver na mag-ingat sa pagpapatakbo dahil may mga paaralan na malapit na kung saan ang mga students nito ay kindergarten or nursery," paliwanag pa niya kaya napatango naman 'yong mga bata.

"Kaya dapat kayo'ng mga bata ay kapag tatawid kayo ay dapat nakataas ang mga kamay n'yo na kanan para ma-aware 'yong mga driver na nagmamaneho na may mga batang tumatawid since hindi nila kayo nakikita dahil maliliit pa lang kayo," dagdag niyang paliwanag.

Binalik ko ang aking tingin doon sa traffic light and nag-go signal na pala 'yong tatawiran kaya tumawid na rin ako roon. Pagkatapos ko makatawid ay naglakad na ako sa pupuntahan ko. Napatigil ako dahil may ingay na nangyayari sa loob.

Nagsisigawan sila sa loob kaya mabilis ako'ng lumapit sa pinto at pumasok na sa loob. Napansin ako ng security guard pero hinayaan niya lang ako. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng customer na namumula ang kaniyang mukha sa galit.

Nasa tabi nito ang isang lalaki na mukhang asawa niya, pinipigilan niya ang babae kaso ayaw magpatinag ng babae. "Ma'am, pinaliwanag na namin sa iyo ito ng maayos. Sana maintindihan n'yo dahil ayaw rin namin ng misunderstanding lalo na sa mga customer namin," paliwanag ng aming manager na si Emma na nasa 30's.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon