EPILOGUE

142 6 2
                                    

(CLAYX KNOXX POINT OF VIEW)

As a Grade 9 student, hindi naman ako nahihirapan sa lahat ng subject. Saka hindi rin ako tulad ni Zaiver na pumapasok lang pag-exam. Ano'ng klaseng pag-iisip 'yan? As usual naglalakad na naman kaming tatlo sa hallway.

Usapan ni Thesier at Fryston ay kung ilang babae ang nakuha nila at napaiyak. What a asshole topic. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa. For entertaining perhaps? Pero para sa akin ay nakakaawa 'yong mga babae na nabibiktima nila.

Ayaw ko talagang may nakita ako'ng nasasaktan na tao kahit na walang emosyon ang aking mga mata at mukha. Siguro dahil sa nanay ko na laging nasasaktan sa tatay ko. May mahal si tatay at 'yon ay ang first girlfriend niya na mahal na mahal niya pa rin.

Arrange marriage lamang ang nangyari sa kanila ni mama at timing na aksidente lamang na nabuo nila ako dahil pareho silang lasing noong ginawa nila ako. Dahil nabuo ako ay laging galit si tatay kay nanay.

Minsan na iniisip ko rin na iwan namin si tatay pero ayaw ni nanay dahil mahal niya ito kahit na nasasaktan na siya. Naputol ang iniisip ko nang may nahagilap ang aking mga mata.

"Ang ganda talaga ng mga Grade 7," sambit bigla ni Thesier.

"Sinabi mo pa. Time na siguro na mag-hunting tayo ng Grade 7 girls," sambit ni Fryston na nakangisi.

Sabay nila ako'ng nilingon ni Thesier kaya tinaasan ko sila ng kilay. "What?" cold kong tanong.

Ngumisi silang dalawa. "Ayaw mo ba makisali?" sabay nilang tanong at umiling ako sa kanila.

"Not interested," bored kong sabi hangga't sa may mahagilap ako'ng babae.

I mean, dalawa silang babae at parehas silang magaganda. I think nasa Grade 7 sila. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay 'yong may black straight na buhok. Halatang kikay siya umarte pero sa kaniya natuon ang aking atensyon.

Nag-uusap sila sa kaniyang kaibigan habang nakaupo sa bench. Nakaharap sila sa gawi namin at nagtatawan pa sila. Ang ganda niya. Ito na siguro ang sinasabi ng iba na love at first sight. Pero naputol ang aking fantasya noong nakita ko kung paano siya ngumiti at mamula kay Fryston.

Habang 'yong kaibigan niya ay napapangiwi na napatingin kay Fryston. Tumingin ako kay Fryston at nakita ko kung paano niya kindatan 'yong mga babae na dumadaan sa gawi nila.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam ako ng insecurity.

Tapos sa kaibigan ko pa. I didn't know na ganito ang impact sa akin ng babaeng iyon. Napagtanto ko sa aking sarili na bakit ang daming nagkalagusto kay Fryston kung paglalaruan at sasaktan lamang sila? Bakit wala lamang nagkakagusto sa akin?

Ang taong gusto ko ay may gusto sa kaibigan ko na playboy. Ang daming katanungan sa aking isipan at lahat nang iyon ay walang kasagutan. Nakita ko na tumayo na sila paalis. I can't help but to smile secretly.

Finally found the one for me.

***

Dahil sa sobrang curious ko sa kaniya ay nalaman ko ang pangalan niya. Her name is Penelope Elisha Naval. Lahat nang tungkol sa kaniya ay alam ko.

Kapag dumadaan siya sa aking tabi or gilid ay hindi ako ang tinitingnan niya kundi si Fryston. Okay lang naman sa akin pero masakit.

Dumating sa punto na Senior High na siya at College na ako. Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kaniya at kinaibigan ko pa ang babaeng mahal na mahal ng leader ng VSG na si Zaiver. Hindi ko akalain na nagmamahal na pala 'yong leader namin at soon-to-be wife niya pala.

Masakit sa akin kapag naririnig ko na sinasabi ni Penelope kung gaano niya kagusto si Fryston. Ano'ng nakita niya kay Fryston na wala sa akin? Kapag ba naging playboy ako, papansinin niya ako.

I did my best para mapansin niya ako at makilala at nagtagumpay nga ako. Pero, nakailang ulit niya sa akin sinabi na hindi ako ang taong gusto niya at dapat sumuko na lang ako pero I didn't do what she wished for. Instead patuloy ako nagpapansin sa kaniya.

I did my intention for her. But, in the end. She fall for me and I am so happy about it. Natupad nga ang matagal ko nang hinihiling. Sa tagal na panahon ko siyang minahal na patago ay napansin na nga niya ako tuluyan.

Spreading my intention for her is my goal. Finally, I reached my goal. Nasaktan at naghirap man ako pero alam ko na worth it ang ginawa ko. Worth it ang paghihintay ko nang ilang years na mapansin niya ako at mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko.

This is Clayx Knoxx Ursula, Penelope Elisha Celestrio one and only king. Wala na ako'ng mahihiling pang iba. Masaya na ako na nagmamahalan kaming dalawa.

And this is our intention in life.

-END-

SECOND INSTALLMENT OF VSG SERIES #2 IS NOW COMPLETED

SPREADING MY INTENTIONSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora