KABANATA 20

86 2 0
                                    

KABANATA 20: THE DATE

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Mabuti na lang at natigil na 'yong pagluha ko. Mabuti rin ay walang nakatingin sa akin kundi nakakahiya na. Baka akalain nila na broken hearted ako. Yes, broken ako because of my family. Hindi man lang sila nag-worried sa akin but I guess I accept it. Acceptance is the only thing I can do.

Natigil ako sa pagmuni-muni noong makita si Fryston na parang may tinataguan. Pormadong-pormado ito sa kaniyang sout. Nagtaka ako sa kaniyang ginagawa kaya naisipan ko siyang lapitan. Patingin-tingin siya kung saan.

Kinalabit ko siya sa kaniyang likuran at napatalon pa ito bago humarap sa akin. Natawa ako sa kaniyang ginawa. Hindi ko akalain na magugulatin pala siya. "Ikaw pala 'yan, Penelope," nakangiti niyang sambit pero 'yong mata niya ay gumagala sa paligid.

"May pinagtataguan ka ba?" nagtataka kong tanong.

Kaya naman napatingin siya sa akin. Umayos pa siya ng tayo dahil sa tanong ko. Todo iling siya sa akin at ngumiti ng inosente. "No, actually kaya ako narito dahil sa'yo," sambit niya at biglang kumindat sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisnge ko. I never thought na malakas talaga ang impact niya sa akin. "Talaga? Bakit naman?" nahihiya kong tanong habang nakayuko.

Ang tahimik naming dalawa dahil hindi siya nagsalita pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang chin ko at inangat. Sumalubong sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Fryston. Parang babae siya at kung pagtabihin kami kung sakali man na babae siya ay mas maganda siya sa akin.

"I want to date you. Can I?" nakangiti niyang tanong kaya halos magmala ang mga paro-paro sa aking tiyan.

Ngumiti ako ng malapad sa naging tanong niya. "Sure, it's my pleasure to have a date with you," sambit ko kaya lalo siyang napangiti.

"So, let's go?" sambit niya na tumitingin-tingin pa sa paligid bago binalik sa akin ang tingin.

"Okay,"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito kasama ang kamay niya. Holding hands while walking ang peg namin ngayon. Kinikilig ako pero ba't hindi ako nakaramdam ng lubos na saya. Ito naman ang gusto ko noon pa, ang mapansin at maka-date ang isang Fryston Jansen Callisto.

Patuloy kami sa paglalakad palabas sa enchanted kingdom hanggang sa tuluyan na nga kami nakalabas. Paglabas namin ay pinagtitingnan ng mga tao 'yong kasama ko. I know kung gaano kasikat at kaguwapo si Fryston kaya pinagtitingnan siya.

Mapababae, mapalalaki, bata, matanda and byuda. Pero, nasa akin ang bou niyang atensyon. "Saan pala tayo pupunta?"

Muntik ko na kasing makalimutan itanong. "Let's go to my favorite restaurant. Let's eat first, kanina pa kasi ako nagugutom," sambit niya kaya tiningnan ko ang magkahawak naming kamay.

I never thought na ganito siya kaputi, walang-wala ako sa kaputian niya at kutis. Ganito ba talaga ang mga Vampire? Vampire ba talaga siya? Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng takot sa kaniya at maging kay Knoxx kahit alam ko kung ano sila.

It's because I trust them so much?

Napailing na lang ako sa aking naiisip pero napansin naman ito ni Fryston. "May problema ba?" nagtataka niyang tanong.

"No, I am fine," palusot ko dahil nakakahiya naman if sabihin ko ang aking naiisip.

"Okay,"

Mabuti na lang at nadala siya sa palusot ko. Hindi nagtagal ay tumigil sa isang fancy restaurant. Labas pa lang nito ay alam ko na mamahalin ang mga pagkain mo.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now