KABANATA 13

73 4 0
                                    

KABANATA 13: SECRETS

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Binuksan ko ang doorknob at bumungad sa akin si Ashianna na kakatapos lang mag-ayos ng kaniyang mga damit. I should act normal, mabilis pa naman makapansin ang babaeng 'to. Napansin ko ang nabili niyang grocery na nakalagay sa side table.

Tumaas ang aking kilay dahil sa iba't ibang brand ng napkin. Napakunot ang aking noo dahil naweweirduhan ako kay Ashianna. Bakit ganiyan siya mamili ng napkin? Did someone buy that thing for her?

What a nice thought.

"Nakarating ka na pala. Huwag kang mag-aalala dahil may dala ako'ng maliit na rice cooker at bigas," sabi ko habang binalik sa kaniya ang tingin.

Nagbaba agad siya ng tingin sa akin na parang may nasabi sa kaniyang nakakahiya. "Nakakahiya naman," mahina niyang bulong na sakto naman na narinig ko.

Nilapitan ko ang aking table at nilagay roon ang pinamili ko. What? Bakit naman siya mahihiya? Wala siyang dapat ikahiya sa akin dahil bestfriend niya ako. "Ngayon ka pa nahiya gayong sanay na tayo sa ganito. Saka mas maganda rito sa dorm kaysa sa bahay na laging nagpapagawa ng assignments 'yong tamad kong kapatid. Mas maganda ito kasi mas focus sa pag-aaral," nakangiti kong sambit habang inaayos na 'yong table ko.

Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa mabanggit ko sa kaniya 'yong nakalap kong chismis kanina. Gulat na gulat siya na halos hindi makapaniwala. Parang kinakabahan na nga ang mukha niya pero agad din napalitan ng kaseryosohan.

"May sasabihin ako sa'yo at sekreto lang natin 'to. Maliwanag?" seryoso niyang sambit at nagulat naman ako.

Ano naman kaya ito? Kami lang ba dapat ang may alam nito?

"Oo naman. Ano naman 'yon?"

Bumuntong hininga siya na parang hindi alam kung itutuloy ba ang sasabihin.

"Hindi bakla si Zavier," seryoso niyang sambit kaya naman natawa ako.

I know. Pero, gusto ko i-tease si Ashianna dahil first time niya itong gawin. First time na ipagtatanggol niya si Zaiver.

"Himala, ipagtatanggol mo siya. Bakit naman siya bibili ng napkin kung wala siyang babae sa buhay niya. In short, bakla siya," depensa kong sambit sa sinabi niya.

Feeling ko kasi ay may tinatago siyang sekreto, lalo na sa kanila ni Zaiver. I just want to know it. "Hindi siya bakla dahil para sa akin 'yong bili niyang napkin," sabi niya at umakto naman ako na parang nalaglag ang aking panga sa gulat.

Tama nga ang hula ko. Kaya pala iba-iba ang brand na binili niyang napkin. Typical kind of man as a buyer in girl necessity.

"What? I mean, bakit? Bakit ka niya bibigyan ng napkin? Naglilihim ka sa akin?" sunod-sunod kong tanong dahil sa curious.

Alam ko na mahal siya ni Zaiver pero gusto ko malaman kung ano ang meron sa kanila. Pinanlakihan ko siya ng mata para madala siya. "No, actually... Basta secret lang natin 'to," sabi niya kaya mabilis ako'ng tumango.

Sasabihin na rin niya sa wakas sa akin. "Husband ko siya," dagdag niyang sambit at ako naman ang hindi makapaniwala.

Akala ko kasi ay sila na pero mas sobra pala roon. Patuloy pa rin na nanlaki ang aking mata dahil sa sobrang gulat.
"Seryoso? Paano?" nalilito kong tanong.

Kasi kung kasal na sila, bakit hindi man lang ako invited sa kasal nila? And paano hindi nalaman ng mga stalker ni Zaiver.

"Nakipagkasundo ang pamilya niya sa pamilya ko," simple lang ang pagkakasabi niya.

Marami pa ako'ng sinabi sa kaniya dahil sa sobrang gulat. Ang suwerte niya kay Zaiver dahil loyal ito sa kaniya tapos may-ari pa ng RBA and sikat at mayaman ang pamilya. Pero nagulat ako sa sagot niya sa sinabi ko about Knoxx.

"Hindi na niya dapat malaman dahil sa papel lang kami mag-asawa," balewala niyang sambit kaya nakaramdam ako ng awa for Zaiver.

Sigurado ako na masasaktan siya kapag narinig niya mismo ito kay Ashianna. Mas masahol ito sa mga pinagsasabi ko kay Knoxx. Talaga bang si Knoxx pa rin ang gusto ni Ashianna? Pero hindi ko makikita sa mata ni Ashianna ang spark kapag nakikita niya si Knoxx. Nakikita ko lang ito kapag si Zaiver ang nakita niya.

Hindi na lang ako sumagot at pumunta na lang sa aking kama. Mas mabuti na makapagpahinga na ako. Mamaya na lang ako magluluto ng kakainin namin.

***

Boses ang nagpagising sa akin ngayong umaga. Boses ng babae at lalaki na nag-uusap. Pinakinggan ko maayos ang pinag-uusapan nila.

"Take it back, I don't need it. Tama na 'yong isa," blanko na sambit ng boses ni Ashianna.

Si Zaiver ba ang kausap niya? Ano kaya pinag-uusapan nila?

"Tanggapin mo na ito, wala namang itong bayad," sambit ng isang malalim na boses.

Wait, ito na ba ang boses ni Zaiver? Si Zaiver na ba ang kausap ni Ashianna? Si Zaiver lang naman ang ganito pakitunguhan ni Ashianna. Nagpanggap ako'ng tulog para naman marinig ko ang usapan nila.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Hindi naman kita  inutusan para gawin ito. Tell me your plan, I know this is your plan," matigas na sambit ni  Ashianna na naiinis na sa kausap.

Ang dami pang sinabi si Ashianna na masasakit marinig kay Zaiver. Ito talaga ang tumatak sa isipan ko.
"Mag-asawa lang tayo sa papel at nothing more nothing less. Wala ako'ng gusto sa iyo or hindi kita mahal. Sana maintindihan mo ito. Wala ako'ng katiting nararamdaman na pagmamahal sa iyo. Tandaan mo, we are just married because of this contract. After this, I will file divorce," diretso at malamig na sambit ni Ashianna.

Parang sampal na 'yon kay Zaiver. Pero, hindi ko masiyado narinig ang boses ni Zaiver hanggang sa pagsara na ng pintuan ang narinig ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nakita ko pa kung paano ilagay ni Zaiver ang mga pinamili nito sa kamay ni Ashianna.

Umalis din kaagad ito pagkatapos. Humarap sa akin si Ashianna na bahagya pang nagulat. "You pushed him away," kalmado kong sambit.

Biglang bumalik sa isipan ko kung paano ko itulak papalayo si Knoxx. Patama rin sa akin ang sinabi ko. "You pushed the person who loves you so much," sambit ko at bahagyang napailing.

Natamaan din kasi ako sa sinabi ko. Malaking impact din ito sa akin. "I know, but I don't regret it," walang pagalinpangan niyang sabi at pumunta sa kaniyang mga gamit.

Naging pusong bato na itong kaibigan ko. Ganiyan niya ba kagusto si Knoxx na halos ipagtabuyan na niya si Zaiver. Paano kung malaman ni Ashianna na ako pala ang gusto ni Knoxx at hindi siya? Hindi ko yata kayang harapin siya once na malaman niya lalo na alam ko.

"Kapag ba nalaman kang nagtatago ako ng sekreto sa iyo, magagalit ka ba?" bigla kong tanong at agad naman siya natigilan.

Humarap siya sa akin bigla na napakunot ang noo sa aking sinabi. "Bakit? May tinatago ka bang sekreto sa akin?" nag-aakusa niyang tanong.

Umiling ako agad dahil sa gulat sa sinabi niya. "No, bakit naman ako maglilihim sa iyo. Nagtatanong lang naman ako," nakanguso kong sambit.

I lied. Nagsisinungaling na ako sa kaniya.

"Gago ka kasi, akala ko nagtatago ka ng sekreto," sambit niya pa na natatawa kaya nakitawa na rin ako sa kaniya. "Depende kasi 'yan sa situation o sa tinago mong sekreto sa akin pero magagalit talaga ako kasi nagtago ka kahit na alam mo ang promise natin sa isa't isa," dagdag niyang sambit kaya natahimik ako.

Hindi ko kasi alam kung paano sabihin sa kaniya. Bakit ba kasi sa akin nagkagusto si Knoxx na alam naman niyang kaibigan ko si Ashianna.

"Okay, I get it,"

Sana hindi na lang ako ang nagustuhan ni Knoxx. Masisira ang pagkakaibigan namin ni Ashianna dahil sa lalaki.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon