KABANATA 12

73 6 0
                                    

KABANATA 12: IGNORANCE

***
(PENELOLE ELISHA POINT OF VIEW)

Ako lang mag-isa ngayon dito sa apartment na nag-iimpake dahil pupunta pa ako sa school. Dapat bago mag 4pm ay nandoon na kami sa school dahil isasara nila 'yong mga gates.

Sayang 'yong binayad ko rito sa apartment na ito pero iiwan ko na lang ang iba kong gamit. Mas mabuti na roon lang ako sa dorm dahil mas ligtas doon. Ayaw ko na rin kasi maulit 'yong nangyari kahapon. Binilisan ko tapusin 'yong dapat ko tapusin saka binitbit ang maliit kong mga maleta.

Lumabas na ako sa aking apartment at pumunta agad sa sakayan ng jeep. Mas mabuti pa na mag-jeep na lang ako para makatipid.

"Kuya, sa Royal Blood Academy po," sambit ko at binigay sa kaniya ang bayad ko.

Kinuha naman ng konduktor ang bayad ko at pinasakay na ako sa jeep. Siksikan masiyado sa loob ng jeep pero kaya ko naman. Nagpasakay pa siya ng ilang pasahero hanggang sa magreklamo na ang ibang pasahero na masiyado nang masikap kaya naman tumigil na rin siya.

Kulang yata ay maipit ako sa aking kinauupuan mabuti na lang babae ang katabi ko kundi hindi ko kayang lumapit ng malapit sa kaniya. Nakatulala lang ako habang bitbit pa rin ang dalawang maleta and ang black micro bag ko.

Napansin ko na nakatitig sa akin 'yong lalaki sa harapan ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Napaka-conscious naman if may nakatitig sa'yo na parang kakainin ka na ng buhay. Tahimik ako'ng nagdasal na sana mabilis kaming makarating sa RBA.

Tinupad ang panalangin ko dahil unang tumigil ang jeep sa RBA. Tumayo agad ako at binitbit ang dalawa kong maleta at saka bumaba. Mabuti na lang din ay pegged pants and jewel dress with black jacket. Mary Jane platform naman ang sout kong heels na may 3 inches ang taas.

Pagkababa ko agad ay doon ako nakahinga ng maluwag. Umalis agad 'yong jeep at ako naman ay pumasok na tuluyan sa RBA. Hindi ako napansin ng guard kasi busy siya sa ibang students. Saka ko lang naalala na naiwan sa apartment na 'yon ang I.D ko. Babalikan ko na lang 'yon bukas.

Pumunta agad ako sa West Wing since roon naka-assign ang dorm namin ni Ashianna. Patuloy ako sa paglalakad at napatigil lamang noong nakita ko si Knoxx na pupunta sa direksiyon ko. Bigla ako'ng kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan. Malapit na siya sa kinatatayuan pero hindi pa rin ako umalis.

I mentally cursed myself for doing this. Tinutulak ko na siya palayo tapos gagawin ko ito. Noong malapit na siya sa akin ay hindi niya man lang ako tiningnan. Diretso ang kaniyang tingin at mas lalo ako'ng naghinayang sa sunod niyang ginawa. Nilagpasan niya ako nang parang hangin lang ako.

Kahit isang beses ay hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nanlumo ako sa kaniyang ginawa pero kasalanan ko naman, tinulak ko 'yong taong nagmamahal sa akin. But, I should be happy dahil wala nang mangugulo sa akin at malaya ako'ng makalapit kay Fryston ng walang sagabal kaso bakit hindi ko magawang maging masaya.

Bumuntong hininga ako at nagsimula na maglakad papunta sa dorm ko. Nag-log in muna ako sa entrance ng dorm bago tuluyan nakapasok. Pumunta agad ako sa second floor baka nandoon ang Room 31. Bawat room sa second floor ay inisa-isa kong tingnan para hanapin ang Room 31.

Napatigil ako sa isang room malapit sa veranda. Nandito lang pala ang Room 31. Since naka-lock ito kaya kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa at binuksan. Mukhang ako ang nauna makarating dito sa room namin ni Ashianna.

Pinihit ko ang doorknob and bumungad sa akin ang malinis na room na may mga gamit na. Una kong napansin ay ang dalawang kama na magkalayo, sa bawat gilid nito ay may maliit na aparador na lalagyan ng gamit. May side table din na malapit sa kama with shoe rock sa tabi ng side table. May trashcan sa gilid ng pinto at sa tabi nito ay lalagyan ng mga tsinelas.

Sa ulunan ng kama dahil nakadikit ito sa pader ay may hindi kalakihan na bintana. Sa pinakagilid na bahagi ng dorm ay nandoon ang malaking table na sa tingin ko ay 'yon ang dinning table namin. Since hindi natatakpan 'yong ilalim ng table ay may dalawang malalaking balde, palanggana at tabo.

Since dapat kapag gagamit ka ng cr ay sa weekend mo lang dapat gamitin ang paliguan kaya naman sa public bathroom ng dorm ka dapat maligo every weekdays. Sa left side ako pumunta kaharap ng pinto. Inayos ko ang aking mga gamit. Pagkatapos ko mag-ayos ay naisip ko bigla na kulang 'yong dala kong grocery.

Hindi naman puwede na araw-araw ako bibili ng rice and ulam kaya bibili na lang ako ng gamit pangluto para makatipid ako. Hindi ko na ni-lock ang pinto dahil baka dumating si Ashianna kahit may duplicate siyang susi. Lumabas agad ako at pumunta sa malapit na grocery store rito.

Nilakad ko lang ito since malapit ito sa campus. Pumasok agad ako rito at bumili ng grocery at heater. Dalawang heater ang binili ko. Isa for coffee and isa for noodles and frying. Since may rice cooker na ako at bigas kaya hindi na ako bumili. Nag-isip pa ako ng needs ko pero wala ako'ng maisip.

Sana sinulat ko na lang bago ako umalis.

Binayaran ko lahat ng pinamili ko at nagsimula na maglakad pabalik sa RBA. Pinapasok ako ng guard at hindi na nagtanong sa I.D ko. Naglalakad ako papasok sa campus pero may nakita ako'ng hindi ko akalain na makikita ko.

May nakita ako'ng kinakausap si Knoxx na babae. Nakangiti ng malawak 'yong babae pero hindi ko makita ang expression ni Knoxx dahil nakatalikod siya sa akin. May pahawak-hawak pa 'yong babae sa braso ni Knoxx at hinahayaan naman ito ni Knoxx.

Parang may nagbara sa lalamunan ko at nanikip ang aking dibdib habang nakatingin sa kanila. Mas lalo ako'ng nagulat dahil bigla niyang inakbayan ito. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka masaktan lang ako. Parang hindi ako makahinga dahil sa nararamdaman ko.

Are they dating?

Lumingon ako sa huling pagkakataon sa kanila na pinagsisihan ko na tiningnan ko pa, nakita ko kung paano yakapin ni Knoxx 'yong babae. Siya pa ang gumawa ng yakap.

"Nasasaktan ka na nga, tinitingnan mo pa," sambit ng isang malalim na boses.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at una kong napansin ang buhok niyang blue at intimidating niyang tingin. Normal lang ngayon ang tingin niya while wearing black pants, white t-shirt and black leather jacket. May earrings pa siyang sout sa makabilang tainga niya.

Actually bagay sa kaniya ang mga earrings niya unlike sa iba na ang duming tingnan. "Hindi ako nasasaktan," matapang kong sagot sa kaniya.

He let out a sarcastic laugh. "Liar. I don't believe it," suplado niyang sabi.

Hindi na lang ako sumagot at tiningnan ulit ang gawi nina Knoxx. Nakangiti na sa kaniya ngayon 'yong babae. "Kahit sino naman ay magkakagusto sa ganiyang kaganda na babae. Mas maganda nga siya sa'yo," sambit ni Thesier kaya agad kong binalik ang tingin sa kaniya.

"Excuse me," mataray kong sabi.

I know na maganda ang babaeng iyon dahil ang kinis niya at bagay sa kaniya 'yong kagandahan niya. "Pero nabawi mo naman sa tangkad. Ang tangkad mo nga. Kung talagang mahal ka ni Knoxx, ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin niya. Ganiyan ang nagagawa ng in love," natatawang turan ni Thesier.

Tumango na lang ako dahil wala ako'ng masabi sa kaniya. Bigla niyang ginulo ang buhok ko at tinapik ang balikat ko. "Don't worry, boto ako sa inyo ni Knoxx. Rooting for the both of you," sambit niya at bahagyang ngumiti sa akin. "You kinda reminded me of someone," nakangisi niyang sambit at saka ako nilagpasan.

Guwapo pala niya sobra kapag nakangiti siya. Marami kasing natatakot sa kaniya dahil sa intimidating niyang aura. Nilingon ko ulit sila Knoxx at masaya silang ulit na nag-uusap. Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula na maglakad paalis.

Tinulak ko na ba siya? So why would I act this way? Dapat mag-focus na ako kay Fryston dahil siya ang gusto ko. Right, hindi dapat ako nakikialam.

I don't care if Knoxx talked and laugh with other girl. I really not care. Do whatever he want.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now