KABANATA 6

7.9K 323 22
                                    

Kita ko ang gulat sa mukha nilang lahat. Sino ba ang hindi magugulat kung bigla nalang mag babago ang isip ng isang Isabella Montenegro?





Si Isabella Montenegro na halos ipilit na ang sarili na ipakasal siya kay Elijah?!




Alam ko na desisyon ‘to ni Isabella para sakaniya na si Elijah at hindi na ito muling mapunta kay Hannah.





“A-anak, bakit ka tumututol? Diba ito nga ang iyong gusto?” hindi makapaniwalang saad ni ina.






“Nag bago na po ang isip ko.” saad ko.





“Pero anak...” ngumiti lang ako kay ina at muling tumingin sa dalawang matanda.





“Bakit ayaw mo nang ituloy ang kasalan na ‘to?” my father suddenly asked.





“Simula kanina na nauntog ako sa puno ay bigla akong natauhan, ama.” sagot ko.





Tanga-tanga kasi ‘tong si Isabella eh! Nauntog lang siya pero namatay na siya ron?! Gosh ang clumsy teh.





“Natauhan ako na bakit ko pa po ipipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal?” gusto kong sumuka nang sumuka dahil sa sinasabi ko.





Gagawa nalang ako ng mga dahilan dito wag lang talaga matuloy ang kasal! Buti nalang talaga at wala rito si Elijah.





“Alam ko naman po sa umpisa na talo talaga ako. Mahal niya si Hannah at mahal din siya ni Hannah samantalang ako ay mahal lang siya pero hindi ganon ang nararamdaman niya sa akin.” mahabang saad ko.





Bawal ba ako mag english?! Ang hirap hirap mag salita nang purong tagalog ah! Baka kasi mag taka sila kung bigla nalang ako mag salita nang ganoon e ang alam nila hindi talaga si Isabella marunong non.





“Siguro ay tatanggapin ko nalang ito, hahayaan ko nalang sila mag mahalan at hindi ko na sila muling guguluhin. Alam ko rin na may mag mamahal din sa akin balang araw at ganoon din ako.” duh ganda ganda ni Isabella ‘no!





Imposibleng walang mag kakagusto sa akin dito. “Kaya didiretsuhin ko na po kayo.” tumitig ako sa dalawang matanda.





I sighed. “Ayokong matali sa taong hindi ako mahal. Kaya tumututol ako sa kasalan na ‘to at alam kong ganoon din ang desisyon ng anak niyo.”





Please lang, pumayag kayo jusme!





Haba haba nang sinabi ko roon ah. Mag wawala talaga ako pag hindi sila pumayag!





“Wow! I‘m impress of her behavior and braveness. You‘re so lucky to have a kind and understanding daughter, Don Alejandro.” Elijah's father said.





“Aww, she so honest! I like her already but so sad, ayaw niyang maikasal sa anak natin dahil may mahal ng iba ang anak natin.” saad naman ng ina ni Elijah.





Naramdaman kong may yumakap sa mga braso ko kaya tinignan ko ito at si ina lang pala ‘yon, nakatingin ito sa akin na ani mo‘y proud siya sa sinabi ko.





Napadako naman ang tingin ko kay ama na nakatingin din sa akin at nakangiti.





Mukhang masaya naman sila para saakin.





Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now