KABANATA 21

6.1K 236 14
                                    

Napatigil ako sa akmang pagsubo ko nang marinig ko ang tinig na 'yon. Hindi! Wag mo siyang lingunin at mag patuloy kalang.






Ano pang ginagawa niya ripto? Dapat hindi na siya umuwi pa!






Bakit naman Isabelle? Sakanila naman ang mansyon na 'to?






Oo nga 'no? Ok pahiya unti.






"Joaquin anak, narito ka na pala, halika at saluhan mo kaming kumain. Narito na rin ang pamilya Montenegro." yaya sakaniya ni Donya Elena.






Hindi ko pa rin siya nililingon dahil nakayuko lang ako sa pagkain ko. Ayoko nga siyang lingunin!






Ikaw na nga ang 'di namansin, ikaw pa walang balak lumingon?






Palihim akong napalunok dahil sa isiping iyon, nakalimutan ko nga palang mag so-sorry ako sakaniya.






"Anak, batiin mo naman si Ginoong Joaquin."






"P-po?" napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi ni ina na nasa gilid ko, napatingin ako kung nasaan si Joaquin na nakatingin na sa akin!






"Magandang gabi sa 'yo..." nag alinlangan pa akong tawagin siya sa nickname, pero sige na nga. "E-ej."






Natahimik naman ang hapagkainan, loh?! Mas pinapalala nila yung ilang ko sa ginagawa nila! Nananadya ba sila?! Kasi kung oo hindi na ako natutuwa!






"Magandang gabi din sa 'yo, Binibining Ysa." nakangiti nitong saad.






Kita ko sa gilid ng mata ko ang palipat-lipat nilang tingin saamin! Oy wag ma-issue mga ka-marites, tropa tropa lang ho.






Yumuko na ulit ako para kumain din, kasi why not coconut. Nilalamon na rin ako nang kahihiyan!






Nakita ko pang umupo na si Ej at nag simula na rin siyang sumandok nang makakain niya, pansin ko rin na ang unti lang nang sinandok niya.






Hindi niya ba titikman ang adobong niluto ko?! Napatingin ako sa bawat sandok na ginagawa niya, lumakas ang tibok ng puso ko dahil kumuha siya ng adobo.






Pero ang unti nang kinuha niya. Haha sakit. Ayaw niya bang damihan? I don't mind hehe.






Siguro ay kumain na siya sa mansyon ng Guivarez? Naks naman oh, nanliligaw palang pero parang may chemistry na sa magulang.






Nililigawan palang ni Ej si Hannah, kaya alam kong pakipot pa si Hannah na ngayon ay si Isabelia na!






Muli na naman akong natigilan nang may naalala ako. Gago! Kaya siguro hindi pa sinasagot ni Isabelia si Ej dahil sa birthday niya ito sasagutin!






Mukhang pinaplano na nga niya ang mangyayari dahil bukod sa daming inimbita, alam ko ring ipapamukha niya sa mukha ko na sila ang mag kakatuluyan!






Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit madaming inimbita ang mga Guivarez! Naalala ko na nung birthday ni Hannah doon niya sinagot si Joaquin.






Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now