KABANATA 56

4.6K 199 10
                                    

Natapos na akong kumain kaya dumiretso ako sa likod ng bahay para makapag isip nang gagawin ko.




Kailangan ko nang mahanap kung sino man ang nag papadala ng liham sa akin dahil hindi talaga ako mapapakali pag hindi ko nalalaman.



Parang may duda na ako kung sino ang nag papadala ng liham.




Posibleng si Hannah iyon.




Kung siya nga iyon ay hindi na ako mahihirapan pang mag hanap, dahil alam ko na rin naman na alam niya na ang panliligaw sa akin ni Ej.




Kaya for sure nagiging dragon na ang babaeng iyon dahil imbis na sakaniya mapunta ang atensyon ay sa akin nalipat.




Kawawang nilalang, kung nakisabay nalang siguro siya agos ng story.




Kung hindi kasi siya pa dalos-dalos sa pag kilos, edi sana na sakaniya na ang atensyon ng lahat at hindi na siya nag papakahirap pa.




Simula nung makapasok ako sa loob ng katawan ni Isabella at makapasok sa mundong ito ay ang gusto ko lang ay ang makalayo, pero mukhang umiiba na talaga ang daloy dahil siguro sa mga nangyayari.




Simula pa lang nang pag pa-plano ko na lumayo sa lahat ay tuluyan nang nag bago.




Dahil si Isabella Montenegro ang tunay na kontrabida sa kwento na ito. Dapat lang bang hinayaan ko nalang ang sarili kong sumunod sa totoong daloy ng story?




But i‘m not Isabella. I‘m Isabelle.




Kaya bakit ko gagawin ang dapat gawin ni Isabella? Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na mag habol sa isang lalaki ‘no.




Kaya pinakawalan ko na rin si David non nung nalaman kong may relasyon pala sila ni Isabelia, ang ugali ko ay ayokong mag i-stay sa relasyong toxic.




Iniisip ko na rin ang sunod na hakbang ko dahil feeling ko ay kumikilos na si Isabelia.




Natigilan ako sa pag iisip nang biglang may tumakip sa mga mata ko, hinawakan ko ang kamay nito.




“Ej?”




“Kilala mo na talaga ako.” saad nito bago tanggalin ang kamay niya, tumingala ako at nakita ko ang mukha niyang nakangiti.




“Ikaw pa ba?” biro ko.




Natawa naman ito bago may inabot sa akin na isang bulaklak. “Para sa iyo.”




“Maraming salamat.” inamoy ko yung inabot niyang bulaklak.




Napakabango.




“Naibigan mo ba?”




“Oo naman.” agaran kong sagot, aba sino hindi mag kakagusto sa bulaklak na bigay ng pogi.




Wag nang choosy, nakakapag hinayang ang ganon.




“Binibini.”




“Hmm?”





“Te amo con todo mi corazón.” napamaang na naman ako dahil sa sinabi niya.




Ang naintindihan ko lang ay yung word na te amo kaya nakaramdam na naman ako nang kilig sa katawan.




Ginayuma siguro ako ni Ej kaya ganito nalang ang pakiramdam ko pag dating sakaniya.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now