KABANATA 17

6.4K 214 3
                                    

Tangina anong oras na ba?! Agad akong umayos nang tayo dahil baka late na ako sa simbahan.





Napatingin sa gawi ko si Renz. “Ayos kalang?” taka nitong tanong.





“Ren, anong oras na?” tanong ko.





“Hindi ko alam.” he said na nakapag pairap sa akin.





Akmang aalis na ako ng biglang may humawak sa kamay ko. “Saan ka pupunta?” tanong ni Ren.




Tss, akala ko ba bawal humawak sa kamay ng babae pag hindi pa kayo magkasintahan? Lakas din nitong si Ren e.




“Sa impyerno, sama ka?” inis na tanong ko bago hinila ang kamay ko sakaniya, sinuot ko ang belo sa ulo ko.





Naririnig ko na naman ang tawa niya! “Saan nga?”





“Sa simbahan!” singhal ko.





“Baka masunog ka ron, binibini.”





Aba‘t─ Put a tang in a glass.





Sinamaan ko ito nang tingin na ikina-halakhak niya! Siraulo!





“Sasabay na ako sa iyo dahil doon din naman ang aking punta.”





“K.” maikli kong sagot bago nauna nang mag lakad, tinignan ko ang paligid at napakarami pa ring tao.





Sobrang tagal ko bang nakipag usap kay Renren?




Yawa baka late na ako sa simbahan baka pagalitan ako nila ina at ama!





“Saglit lang binibini, napakabilis mong mag lakad.” hindi ko pinansin si Ren at patuloy pa rin sa pag lakad.





Malaki ang simbahan kaya kitang kita ko kung saan ako pupunta, tumitingin din ako sa paligid baka sakaling makakita ako ng orasan diba.





Hindi pa naman tumutunog ang kampana ng simbahan kaya nasisiguro kong hindi pa nag uumpisa ang misa.





“Psst, sungit.” napatigil ako sa paglalakad para lang samaan ng tingin si Ren.





Bakit ba ayaw ako nitong tantanan?! Parehas lang silang dalawa ni Ej! Ako ang lumalayo sila naman ang lapit nang lapit.





Sarap kumanta ng ‘Kahit Ayaw Mo Na by This Band.’





Naiirita na ako sakanila! “Hintayin mo ‘ko, binibining Sungit.”






Tang─






Hindi ko nga pinayagan tawagin ako nang ganiyan ni Ej tapos siya naman ang tawag nang tawag sa akin nang ganiyan?!





“Wag mo nga akong tawagin nang ganiyan!”




Si Ej lang pwede.





Charot!





Parehas talaga silang dalawa, lakas mang asar! Sakit sa ulo jusme, di ko na ‘to keri, sainyo na yung dalawa ako na bahala kay Hannah.





“Bagay sa iyo ang ganoong tawag.” saad niya.





“Bahala ka nga riyan.” saad ko bago nag patuloy sa lakad, kita ko na rin na malapit na kami sa simbahan.





Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now