KABANATA 46

4.8K 206 12
                                    

Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang dalawang engot! Si Antonio at Louis! Para silang ewan na nag mamartsa papunta sa akin, as usual mga Gwardiya Civil sila.




“Ayos na ba?” seryoso kong tanong, nag katinginan muna sila bago umabante sa akin si Antonio.




“N-nailagay na po namin.” mahina nitong saad.




Bahagya akong napangisi sa isiping ‘yon, nailagay na nila ano kaya magiging reaksyon ng dalawang Soriano? Ang tatay ni Philip at si Philip mismo.




Naiisip ko palang ay natutuwa na kaagad ako. Tumingin ako sakanilang dalawa at bahagyang tinapik ang balikat ni Antonio na ikinagulat niya.




“B-binibini.” gulat na usal nito, mukhang hindi niya inaasahan na basta basta nalang siya hahawakan ng isang babae.




Medyo namula ang tenga niya, awit nahihiya ba siya? Sa kasalukuyan ay wala lang ‘yon eh.




“Hinatid niyo ba yung mensahe ko?” tanong ko.




Aba kailangan nilang ihatid ‘yon, sweet message ko ‘yon sa Soriano lalo na kay Philip.




“Pag sinabi po namin iyon ay malalaman nila na nakita niyo kami.” ani ni Louis.




Oo nga naman? Dapat pala minura ko na kanina pa si Philip kung hindi rin pala maiihatid ang mensahe ko! Ano ba ‘yan!




Nag buntong hininga nalang ako bago sinenyasan na silang umalis. “Mabuti at nagawa niyong ilagay at hindi ko na iisipin pa kayong dalawa.” saad ko sabay irap.




Napayuko kaagad sila. “M-mapapahamak kami pag nalaman ng mga Soriano na imbis sa mansyon ng Montenegro ilagay, sakanila inilagay. Kami ang pupuntiryahin.” ramdam ko ang alinlangan at pag aalala sa boses ni Louis.




Muli ko silang tinignan. “Ako na ang bahala sa inyo.” saad ko.




“M-maraming salamat, binibini. Pero hindi na namin kaya ang ginawa naming pag ta-traidor sa iyong ama.” biglang saad ni Antonio.




“Napakabait ni Don Alejandro ngunit siya ay trinaidor namin, sapat lang sa amin na kami ay parusahan.” dugtong ni Louis.




Napailing iling ako. “Hindi na ‘yon kailangan, nagawa niyo naman na ang pinapagawa ko.” saad ko.




Nakita ko sa mga mata nila ang pag-sisise na ikinailing ko. “Ayos lang, wag kayong mag alala. Ako na ang bahala sa inyo.” pag papanatag ko sakanila.




“Sige na at papasok na ako, salamat sa ginawa niyo at sigurado akong matutuwa si Ginoong Philip sa ginawa niyo.” ngumisi ako sa harap nila.




Muli na naman silang napakurap, kaya tinalikuran ko nalang sila at tuluyan nang pumasok sa loob ng mansyon.




Dumiretso ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Isabella, nag linis muna ako ng katawan bago humiga sa kama, napatitig ako sa kisame at nag buntong hininga.




Bukas na dadating ang mang-sisiyasat... Napangisi ako.




Ano kaya ang gagawin ni Philip sa sitwasyon na ‘yon? Lalong-lalo na ang kaniyang ama.




Ang lakas ng loob nilang ilagay pa talaga sa mansyon ng Montenegro, buti nalang talaga at nakita ko, hindi ko rin naman aakalain na takot sa akin ang dalawang ‘yon.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now