KABANATA 13

6.9K 310 31
                                    

Napalingon ako kung sino ang tumawag sa akin pero nanlaki ang mata ko nang makita si Elijah.




What the hell?! Ano ang ginagawa niya rito?!




"Elijah..." mahina kong saad.




Ngumiti ito sa akin. "Magandang umaga sa 'yo, binibini." tinanggal nito ang sumbrero at inilagay sa dibdib bago ito yumuko sa akin.





"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko.




Siya ba?! Siya ba yung tinutukoy ng matanda?! Hindi 'yon pwede! Scammer yung matanda!




Napaka-laking scammer ng matanda na 'yon.




"Bawal bang bisitahin ang aking kaibigan?" napangiwi ako sa narinig.




Kaibigan? Kailan pa ako pumayag?!




Kung siya nga ang tinutukoy ng matandang babae.



Gulo 'to.




May idea na rin ako kung sino 'yung may galit sa akin at kaiinggitan ako, tsk!



Kaya nga lalayo na ako eh! Eto naman kasing si Elijah lapit nang lapit!




"Kaibigan?" natawa ako. "Wala akong natatandaan na pumayag ako maging iyong kaibigan." seryoso kong saad.




"Kasi mas gusto mo ako maging iyong kasintahan? Tama ba ako binibini?"




Paano niya nagagawang sabihin 'yan nang nakangiti?!




At saka ano raw?! Kasintahan na naman?!




Naiirita na ako kay Elijah ah, one dot papatikimin ko 'to ng ultra batok mula kay Isabelle!




"Bakit ba gusto mo ako maging kaibigan mo?!" singhal ko.




"Masama ba maging kaibigan mo?" tanong nito, napabuga ako ng hangin dahil sa irita.




"Oo na! Papayag na ako!" naging mas malawak naman ang ngiti nito na ikinairap ko.




Naawa ako sa pagmumukha niya eh! Desperado siya maging KAIBIGAN ko, pucha wala ka na talagang pag asa Isabella, hanggang kaibigan lang talaga kayo.




"Sasama ka ba mamaya sa San Lazaro? Ang iyong pamilya ay mag sisimba."




"Hindi." kahit ang totoo ay sasama pa rin ako kahit nag pakita na sa akin ang matanda, mag gagala nalang siguro ako ron.




"Ngunit ang sabi ng iyong ina ay sasama ka raw?"




Salubong ang kilay na tumingin ako sakaniya. "Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nag tanong kanina?!"




"Hinaan mo lang ang boses mo, binibini, baka pag kamalan nilang inaaway kita."




"Tsk!" singhal ko at umiwas ng tingin bago umupo ulit.




Hindi ako maka-get over sa sinabi ng matanda eh.




Si Elijah?! The heck?! Scam 'yon!




Dapat si Elijah at Hannah lang ang para sa isa't isa.




Naiimagine ko palang na nag sasalita kami ng mga corny, kinikilabutan na ako.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now