KABANATA 61

4.8K 199 28
                                    

Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa kaarawan ni Ginoong Philip.




Nanatili pa rin sa mukha ni Isabelle ang pag tataka kung sino iyon, naguguluhan siya at hindi niya mawari kung ano ang gagawin niya.




Pero sa isang linggo pag iisip niya at pinag tugma-tugma ang pangyayari ay may conclusion nang pumapasok sakaniyang isipan na mukhang kasagutan na sa mga tanong niya.




“Paano kung namatay rin siya nung araw na iyon?” tanong ni Isabelle sakaniyang isipan.




Bigla itong napatayo sa kinauupuan niya. “Posible rin kayang ganoon din ang nangyari?” gulat na gulat na usal nito.




Unti-unti siyang napaupo at napahawak sakaniyang buhok at ginulo-gulo ito.




“Nakakabaliw naman ‘to!” inis na singhal nito.




Ang daming gumugulo sa isip niya na hindi niya mabigyan nang kasagutan man lang...











Isang lalaki ang nag paabot ng isang liham sa matandang taga hatid ng mga mensahe. “Alam mo na kung para kanino ito.” saad nito.




Napatango ang matanda bago lumakad ito palayo. Tumingala ang lalaki at tinitigan ng maigi ang kalangitan.




Makikita sa mata nito ang kasabikan, kalungkutan at galit. “Magiging akin ka rin Isabella, gagawin ko ang lahat para lang mapasa akin ka.” usal nito bago ikuyom ang kamao.




“Handa akong pumatay kahit si...






Joaquin pa ‘yan...”
























Napatitig ako sa sulat na nasa kamay ko, kakarating lang nito, inabot sa akin ni Carla kani-kanina lang.




Sa isang linggo ay marami ang nangyari, marami akong ginawa para lang masagot ang mga katanungan na bumabagabag sa isipan ko.




Feeling ko si Philip ang nag papadala sa akin ng sulat, parang mag kasabwat silang dalawa ni Hannah.




May kakaiba sa dalawa sa totoo lang, minsan tumatama pa naman ang hinala ko pero gusto ko pang linawin nang maigi kung tama nga ba.




Muli akong napatitig sa sulat na nabasa ko.





Isabella Montenegro...


Magiging akin ka rin.


Someone...





Magiging akin ka rin? Posible bang si Philip ang mag susulat nito? Ahh! Bakit ba napakagulo?! Kasalanan ko ba lahat nang 'to kaya nag gulo-gulo na yung buong kwento?




Mukhang kasalanan ko ata...




Napakamot nalang ako sa ulo ko at akmang tatayo na nang biglang may sumulpot sa harapan ko.




“Nagkita ulit tayo, binibini.”




Yung matanda! Yung matandang nag sabi sa akin na puwede pa akong makabalik sa totoo kong katawan.

Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now