KABANATA 62

4.2K 181 3
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas at lahat ay nag hahanda na para sa gaganaping pyesta mamayang hapon sa San Lazaro.




Kahit ang mga tao sa mansyon ng Montenegro ay busy sa pag hahanda, tapos ako ay nakatingin sakanilang lahat na busy sa pag lilinis, pag luluto at iba pang gawain ng mga tao rito.




Napangiti na lang ako habang pinag mamasdan silang lahat na magpaka busy sa kaniya kaniya nilang gawain, pero nawala yon nang may naalala ako neto lang nakaraang linggo.




Napangisi na lang ako...




What a nice collaboration.




Excited na tuloy ako mamaya sa pyesta, dahil hindi ko pa nararanasan ang makipag pyesta sa maraming tao dahil nga mas busy ako kung paano ko po-protektahan ang sarili ko pag na sa labas na ako dahil sa mga kaaway ng mga magulang ko tapos ako pa gagawin nilang pain.




Sa mata ng mga tao ako yung mahal at pinapahalagahan ng magulang ko pero ang totoo ay hindi.




Ano pa bang pakealam ko sakanila? Wala na rin naman ako ron dahil sa magaling kong kapatid na namatay rin at ang mas nakakatawa pa ay parehas pa kaming na reincarnated sa katawan ng dalawang characters sa kwento.




Napahawak ako sa noo ko bago ito marahang masahiin dahil sa kirot na naramdaman ko.





Stress lang talaga ang binibigay sa akin ni Isabelia, hindi na talaga mag babago ang babaeng 'yon.




"Binibining Isabella." tinignan ko si Carla na ngayon ay lumalapit na sa akin, tinignan ko naman siya nang nag tataka.




"Bakit?"




"Pupunta ka po ba sa San Lazaro?"




Tumango ako. "Oo, ngunit mamaya pa, bakit?" nakita ko ang alinlangan sa mga mata niya kaya nag taka ako.




"M-maaari po ba akong sumama sa inyo mamaya?" napayuko kaagad ito. "Ayos lang po sa akin kung hindi po pwede."




"Pwede naman." pag payag ko, kita ko naman ang gulat sa mga mata niya nang walang pag dadalawang isip na pumayag ako.




"Talaga po?" paninigurado nito kaya nginitian ko siya at tinanguan.




Naramdam ko ang saya niya, napangiti na lang ako habang nakatingin sakaniya.




Alam kong sabik siya dahil eto na lang ulit ang pagkakataon niya na makasama sa gaganaping pyesta sa labas.




Ang alam ko kasi ay hindi lumalabas ang mga katulong dahil nga mga busy sila sa pag aasikaso ng mga gawain sa loob ng mansyon na pinag ta-trabahuan nila.




Kaya gusto kong makasama si Carla mamaya kahit ramdam kong may mangyayaring masama mamaya, hindi ko naman hahayaang masaktan si Carla at kahit sino man sa mga tao na narito at malapit sa loob ko.




Alam ko namang papayagan ako nina ama at ina na makasama si Carla mamaya, hindi pwedeng hindi nila ako payagan, mag dadabog talaga ako nang malala.




"Maraming salamat, binibini! Ako'y nasasabik sa gaganaping pyesta mamaya!" tuwang tuwa nitong saad.




Nakatitig lang ako sakaniya na may ngiti sa labi, lahat talaga sila ay napalapit na ang loob sa akin, parang hindi ko na kayang iwan sila rito.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now