KABANATA 29

5.6K 221 0
                                    

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya, na turn-off siguro sa akin si Oliver, naalala ko pa man din yung sinabi ni Ej sa akin!







"At higit sa lahat.... Hindi kilos lalaki."


"At higit sa lahat.... Hindi kilos lalaki."


"At higit sa lahat.... Hindi kilos lalaki."







Pake ko kung kilos lalaki ako?! Ok lang gwapo naman ako, hindi naman masakit masabihan nang kilos lalaki.





Kaso naalala ko narito pala ako sa kapanahunan pa ng kalolo-lolohan natin, jusme.





Kailangan mahinhin, kagalang-galang at respetado kang babae! Jusme bakit ko ba nakalimitan ‘yon?






Pero sa nakikita kong tao rito para namang hindi sila kilos mga maginoo at binibini eh! Gumagaya lang ako kasi nga gaya-gaya ako.





Narinig ko ang tawa ni Ren. “Biro lang, binibini.” parehas silang dalawa ni Ej, mapagbiro pero minsan naiirita ako sa biro nila!





Pansin ko ah! Pansin ko talaga! Pagkasama ko isa sa mag kapatid walang oras na hindi nila ako inaasar or kaya namemersonal! Sakit nila sa buto!





“Kung kilos lalaki pala ako, pwede na ba kita ligawan?” i smirked and i look at him.





I saw his eyes widened. Napatingin siya sa pwesto ko. “Biro lang din!” bawi ko.





Yung mukha niya hindi pa rin makapaniwala! Sorry naman Renren hehe, sadya ‘yon.





“Uy, joke joke lang ‘yon.” sabay tapik sakaniya kasi kanina pa siya tulala.





Nakakakaba si Renren gago! “Uy, j-joke lang iyon.” bakit ba ayaw niya mag salita?! Nakakatakot.





Narinig ko ang tawa niya na ikinahinga ko nang maluwag. Shemayy! Akala ko kung ano na nangyari sakaniya! Pinakaba niya ako nang matindi!





“Pinakaba mo ‘ko!” inis na wika ko na ikinatawa niya lalo.





“Nakakatawa ang iyong mukha nung kinakabahan kana, binibini.”





“Pwes ako! Hindi ako natutuwa.” inis na singhal ko sakaniya.





Tawa niya lang ang narinig ko na ikinairap ko at nakasimangot na ulit akong napatingin sa bintana. “Nasaan si Ej?” i asked.





“Naroon na sa lamesa kung saan katabi lang ng lamesa ng Montenegro.” napatango ako bago umayos nang tayo.





“Tara na, punta na tayo ron.” saad ko bago kami nag umpisang lumakad.





Nakarating kami sa table namin at tama nga siya na katabi lang namin ang table nila.





Ang tagal lumabas ng birthday girl! Parang kanina pa ala-sais ah! Nakarating ako sa table namin bago umupo.





“Anak, narito ka na pala, malapit na mag umpisa.” ngumiti lang ako kay ina.





Napatingin ako sa table ng Hernandez at doon nakita ko si Ej na nakatingin na rin pala sa akin.





Umangat ang tingin niya sa buhok ko bago bumaba iyon at ngumiti sa akin, bumaba rin ang tingin ko sa dibdib niya kung suot ba niya yung kwintas na ibinigay ko.





Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now