KABANATA 48

4.9K 222 3
                                    

Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil gusto talaga nilang dito nalang at babantayan ako.




“Tama si Antonio, binibini. Mag tatago nalang kami dahil hindi naman nila masiyadong alam ang aming mukha.” sagot ni Louis.




Nag buntong hininga nalang ako dahil sa pamimilit nilang dalawa. “Oo na, papayag na ako.” sagot ko.




Mukhang natuwa naman ang dalawa. “Babantayan ka namin, binibini. Kami ay mag mamasid lang sa paligid at saka lang mag papakita kung ikaw ay mapapahamak.” napatango-tango nalang ako.




“Kung ‘yan ang kagustuhan niyo, pero kunin niyo pa rin ang perang binigay ko sa inyo at umpisahan niyo nang kumuha nang matitirhan at mag umpisa sa panibago niyong buhay.” mahaba kong saad.




Napangiti naman kaagad sila. “Maraming salamat talaga, binibini.” sabay pa talaga sila, naks nag practice ba sila?




“Walang anuman.” nakangiti kong ani. “Kailangan niyo nang umalis dahil baka dumating na ang mga tauhan ng mga Soriano upang kompirmahin ang totoong nangyari sa inyo.” saad ko.




Pero kaagad din akong napaisip, mukhang hindi pa naman nag uumpisa ang siyasat kaya siguro ay matatagalan pang pumunta ang tauhan dito ni Philip.




Baka saka lang nila papupuntahin ang kanilang tauhan pag nalaman nilang sakanila napunta yung ipinag utos nila.




At least hindi na nila tatambangan ang dalawa dahil alam nilang namatay na ito, tsk napaka big brain ko talaga. Iba talaga pag galing ka sa kasalukuyan tapos mapupunta ka sa sinaunang panahon.




“Baka hanapin ang aming bangkay?” biglang tanong ni Louis.




Napangiti naman ako. “Yung mga tauhan dito ay kasabwat natin, kaya sasabihin nilang naging abo na ang mga bangkay niyo bago pa sila dumating, wala na silang magagawa kung sasabihin iyon.”




Nag katinginan naman ang dalawa. “Napakatalino mo mag isip sa ganitong bagay, binibini.” puri sa akin ni Antonio.




Natawa naman kaagad ako. “Maliit na bagay.” mayabang ko pang saad bago tumayo sa kinauupuan ko. “Doon kayo dumaan sa likod upang walang makakita sa inyo.” saad ko sabay turo sa parte ng kanilang likuran.




Napalingon sila doon at mukhang nakita na nila ang tinuturo ko. “Aalis na ako, mag iingat kayo.” saad ko bago sila talikuran.




“Maraming salamat ulit binibini!” sigaw nilang dalawa kaya kinawayan ko lang sila nang patalikod.




“Kakaibang binibini.” napangisi nalang ako nang sabihin nila ng sabay yon dahil narinig ko pa bago tuluyan nang makalabas sa morgue.




Sana ay hindi sila mapahamak sa gagawin nilang paglalakbay. saad ko sa aking isipan bago pumunta sa gawi ni Manong Kutsero.




“Oh binibining Isabella, narito kana pala.” bungad sa akin ni manong.




“Opo, halika na at umuwi na po tayo sa mansyon.” saad ko, ngumiti ito bago tumango kaya sumakay na ako sa kalesa at umupo.




Muli kong sinilip ang morgue at kitang-kita ko ang dalawa na medyo nakasilip pa sa gawi ng kalesa ko.




Kita ko lang bahagya silang kumaway kaya kumaway rin ako na sapat na para makita nila, sinandal ko nalang ang likod ko pag katapos nang pag kaway ko sakanila.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now