KABANATA 66

4.6K 166 1
                                    

Maraming nangyari sa loob lang ng isang linggo, hindi ko rin aakalain na kakampi sila sa akin nung nalaman nilang ako si Isabella.



Gulat na gulat sila, paano raw ako nakalabas sa mansyon namin at bakit ganoon ang suot ko.



Pake ba nila, trip ko 'to e. Ilang na ilang tuloy sila sa akin pag kinakausap ko.



Sabi ko sakanila, go with the flow na lang sila sa plano ni Hannah at sinali ko rin ang dalawang ulupong na si Antonio at Luis.



Syempre gulat na naman si Philip kasi paano raw nabuhay yung dalawa, ako naman mayabang siyang sinagot na ako lahat may kagagawan nang pag bintang sakanila dahil tinangka nilang i-frame up si Don Alejandro.



Muntik pa ngang mag back out si tanga, buti na lang talagang nakumbinsi ko ulit. Syempre ginamit ko ang ace card, yun yung blackmail sakaniya.



Nag tapang tapangan pa, kapal talaga ng mukha, kahit ganoon nakumbinsi ko pa rin siya. Malakas karisma ko e.



Syempre hindi mawawala ang actingan ni Samuel na mag drama sa harapan ko, pinag usapan na namin yon at alam kong tanggap na talaga niya.



Ginawa niyang alibi ang ganoong kwento para halata kunwaring galit siya kay Elijah.



Hindi naman ako nag kamali na umaayon sa plano namin, at eto ngayon kita ko ang takot, gulat at hindi makapaniwalang mukha nitong si Hannah.



Napakauto uto naman kasi ng babaeng 'to.



“A-anong ginagawa niyo?! Akala ko ba tayo ang mag kakampi!” sigaw nito kanila Philip nang humarap siya.



“Uto uto ka rin pala.” saad ko.



Marahas naman siyang humarap sa akin. “Ano to?!” galit na sigaw niya.



Itinabingi ko ang ulo ko at kaagad na nag lakad palapit sakaniya na kaagad naman na ikinaatras niya.



Tumigil ako nang malapit na ako sa harap niya bago inilapit ang mukha sakaniya. “Nag pa-plano ka pa lang, nakahanda na ako.” sumilay na naman ang ngisi ko sa labi.



Sabay kaming natigilan nang biglang may sumabog.



Nakatitig pa rin ako kay Hannah kaya kitang kita ko kung paano siya ngumisi. “Opss, may sumabog.” saad nito.



Agad akong lumayo sakaniya at kaagad na lumingon sa dalawang nasa likod ni Hannah. “Puntahan niyo, siguradong nag aabang na sina Antonio at Luis don.” walang emosyon na saad ko.



“Paano ka?” nag aalalang saad ni Samuel.



Nginitian ko 'to. “Ako na ang bahala sa babaeng 'to.” sabay turo kay Hannah. “Magiging ayos lang ako.” saad ko.



Nag katinginan pa silang dalawa bago tumango sa akin, lumapit sa akin si Samuel bago binigay ang baril na hawak niya kanina. “Mag iingat ka.” saad nito na ginantihan ko lang ng ngiti.



Tinignan ko lang si Philip at tinanguan na para bang sinasabi na magiging ayos lang ako at ang lahat at sabay silang tumakbo palabas sa lugar na 'to.



Ang pag sabog na 'yon ay peke lang, totoo 'yon pero pang kasiyahan ang pag sabog na yon na nakita lahat ng mga tao sa San Lazaro, alam kong walang napahamak ngayon dahil sila Antonio at Luis ang nag asikaso ron.



Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now