KABANATA 34

5.5K 241 15
                                    

Kaya ba siya sobrang nagalit kanina? Because she didn‘t continue na sagutin si Ej?



Baka doon din siya nagalit tapos nadagdagan pa ‘yon nang makita niya ang ginawa kong regalo sakaniya, pfft! Kung sineswerte nga naman!



Doble doble ang dumadating sa akin. That‘s her karma.



“So... Titigilan mo na?” i don‘t know why pero gusto kong sagutin niya na titigilan niya na ang panliligaw kay Hannah.



“Ang sabi niya sa akin ay mangako raw ako sakaniya kaya tinupad ko na iyon dahil parang sigurado na siyang sasagutin ako.” gusto kong tumawa dahil sa sinabi niya.



Dapat kasi wag muna mag assume pag hindi pa sigurado! Sa sobrang excited niya tuloy hindi niya na sagot si Ej.



And guess what? i didn‘t expect na may makakakita sa gawa ko dahil tulad nga nang sabi ko walang makakakita non kung walang titingala.



At sa mismong birthday pa talaga ni Hannah saka lang may tumingala! Don‘t touch me, i‘m lucky.



“Titigilan ko na rin ang panliligaw sakaniya, dahil ang pangako ay pangako kahit labag man sa aking kalooban.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.



Wow ah! Labag sa kalooban? Weh? Wehteng. Di wow! Edi wow talaga.



Napatahimik ako sa sinabi niya. “M-mahal mo pa rin ba si H-hannah?” napatikhim ako dahil nautal ako.



Napatingin ito sa akin, ilang minuto pa kaming nag titigan, walang nag tangkang pumutol sa tinginan naming dalawa.



Sa hindi malamang dahilan parang may kung ano akong nararamdaman sa tyan ko. Ano ‘to?! Kusang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya.



Wahh! Hindi ‘to pwede! Ayoko! No!



Napaiwas ako nang tingin sakaniya. “W-wag mo nalang s-sagutin.” muli kong saad.



Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag iwas din niya. “Hindi ko alam.” sagot niya na ikina ngunot ng noo ko.



Anong hindi niya alam? Hindi niya alam kung mahal pa ba niya si Hannah?! Huh?



“Ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong ko.



Duh?! Di na kaagad siya sure sa nararamdaman niya? ‘no kaya ‘yon?!



“Nag bago na si Hannah.” mahinang bulong niya pero narinig ko. “Hindi na siya yung Hannah na nakilala kong mabait at hindi mansisise ng iba.” napatahimik ako sa sinabi niya.



Hindi naman na talaga si Hannah ‘yon, Ej.



“Lahat naman ng tao ay nag babago, hindi tayo ang didikta sa mga magiging ugali nila.” seryoso kong saad.



Rinig ko ang buntong hininga niya. “Sa tingin mo binibini, sino ang gumawa non?” biglang tanong niya saakin.




Napalingon naman ako sakaniya at bahagyang ngumiti. “Hindi ko alam, lahat tayo ay nasa loob ng mansyon, sa tingin mo malalaman ko ‘yon?” sabi ko sabay irap sakaniya.



Ako talaga ang may gawa non, Ej. Para takutin ang bruha kong kapatid.



Rinig ko ang tawa niya. Ayan! Ayan! Parang hindi nalungkot ah?! Makatawa ‘to.



“Hinay hinayan mo lang ang pag tawa mo.” saad ko.



Napahinto naman ito at napatingin sa akin. “Bakit naman?”



“Baka maging happy pill mo na ako niyan.”



Nag tataka naman itong nakatingin sa akin, napangiwi ako. Hindi niya nga pala alam ‘yon, ang naalala ko ay kay Renren ko sinabi ang ibig sabihin non.



“Parehas kayong dalawa ni Ren, happy pill niyo akong dalawa.” nakangising saad ko.



Mas lalong nag taka ang mukha nito na ikina irap ko sa kawalan. “Ano ba ang happy pill na iyong tinuturan? At bakit nasali ang aking kapatid sa ating usapan?”



Napataas ang kilay ko dahil sa mga tanong niya. “Ang happy pill, ang ibig sabihin non ay taong nag papasaya sayo at ang pangalawa mong tanong, dahil trip ko lang isali ang kapatid mo! Ba‘t ba?” mahaba kong usal.



Ngumiti ito. “Wala lang.” napa cross arm nalang ako sa sagot niya. “Bakit hindi mo suot ang kwintas na binili mo?” biglang tanong niya.



“Anong hindi suot? Suot ko kaya.” saad ko bago hilain pataas ang kwintas na nakatago lang sa loob ng damit ko. “Eto oh.” pinakita ko sakaniya.



Napatitig naman siya ron bago ngumiti. “Hindi ko aakalain na ginawa mo rin ang ginawa ko para lang maikabit ang kwintas.” nakangiti nitong ani.



Naks, smiley boy talaga!



“Hindi ko naman ‘yon alam ‘no! At salamat pala sa ipit na ibinigay mo sa akin.” hinawakan ko ang buhok ko kung na saan ang ipit.



Napatingin siya sa buhok ko bago ngumiti. “Ang ganda mo ay sumasalungat sa liwanag ng buwan, Binibining Ysa.” napatigil ako sa pag hawak at napatingin sakaniya.



Ano raw?! Na-bingi ata ako eh! Kailangan ko na sigurong mag patutuli at ipalinis ang tyan ko pati ipa check up na rin ang puso ko!



Hindi na ‘to tama!



Naramdaman kong uminit ang mag kabilang pisnge ko, lord help me to this hot yummy fo─ este ilayo niyo ako sa tukso!



“Ang ganda mo, binibini.”



AYAN! AYAN NA NAMAN! ULOKKKKK EJJJJJ!



Hindi pwede ‘to! Dapat lumaban ako.



Ngumiti ako sakaniya. “Alam ko na ‘yan, matagal na.” saad ko na ikinangiti niya pa lalo.



Dapat may irerebat tayo sakaniya, feeling ko pinag lalaruan ako nitong si Ej eh!



“Ej...” tawag ko sakaniya, tumingin naman siya sa akin. “Para yatang may kulang sa pangalan ko.” saad ko.



Nag taka naman ito. “Ano ‘yon? Mukhang wala naman?”



Ngumiti ako nang malapad sakaniya. “Gusto mong malaman?” napatango naman siya.






“Ang apelyido mo.”






***
yrioosterical.

Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now