KABANATA 60

4.2K 191 10
                                    

Napatigil ako at napatitig nang wala sa oras sakaniya. Lah! Kinilig ako ron ah, palibhasa kasi Ej alam na alam mo kung paano ako kunin, sa isang salita mo lang nahuhulog na ulit ako.




Pero tandaan natin ang sabi-sabi na...




Sa una lang masaya.




Pero matagal pa naman ‘yon kaya why not?




“Sa iyo lamang ako.” mahina nitong saad sa akin, ewan ko pero nag kusang ngumiti ang mga labi ko.




Ewan ko pero para sa akin malakas ang impact pag purong tagalog ang sinasabi, pero minsan nakakakilig din naman yung...




You're mine! Mine only tapos umiigting yung panga pero mas bet ko pala yung maginoo hehehe.




Kidding, cringe pala.




“Mag hihintay ako.” muli na naman niyang saad at alam ko ang tinutukoy niya.




Ngumiti ako bago tumango. “Maraming salamat.” salamat sa pag hihintay sadyang may hinihintay lang akong matapos bago kita sagutin Ej, pag katapos nitong lahat sayong sayo na ako.




Isinayaw niya ako na parang kami lang ang dalawang tao sa lugar na ito, sa isa‘t-isa lang kami nakatutok parehas at hindi pinapansin ang paligid.




Ang pakiramdam na ito ay never kong naramdaman kay David.




Ako pa yata ang nag papakilig sa lokong iyon imbis na siya, feeling ko tuloy ang corny ko non, pero pag siya bumabanat parang natatae ang pag mu-mukha ko.




Nakaka-ewan kasi ang banat niya like...




"Babe, lugaw ka ba?"


"Bakit?"


"Bagay ka kasi sa itlog ko."




Diba! Mapapaisip nalang ako minsan kung bakit ko nga ba naging shota yung lalaking iyon e, nakaka-cringe pala siya kasama, bakit hindi ko napansin ‘yon una palang?




“Mi vida, bakit ka tumatawa?” napaangat ang tingin ko kay Ej at bahagya na namang natawa.




“Wala may naalala lang akong nakakatawang bagay.” nakangiti kong sagot.




Sino ba namang hindi matatawa sa banat ni David na halatang hindi pinag isipan.




“Ano ba ang naalala mo?” mukhang curious si loko.




“Naalala mo yung lalaking kwinento ko sa iyo na nasa malayo?”




Nangunot ang noo nito at bahagyang nag salubong ang kilay. “Ano namang meron sakaniya?” takang tanong nito.




“May naalala lang akong nakakatawang bagay sakaniya.” paliwanag ko.




Selos siya oh! Hindi kasi ako nito pinapansin habang sumasayaw, nakatingin lang siya sa gilid. Bahagya kong sinilip ang mukha niya pero pilit niyang hindi pinapakita.




“Mahal ko, nag seselos ka ba? Huwag kang mag alala sa iyo pa rin naman ako.” gaya ko sa sinabi niya kanina.




Nakita ko kung paano ito natigilan bago napatingin sa akin. “H-huwag ka kasing mag iisip nang kung sino-sino habang kasayaw kita.” saad nito at bahagya na namang iniwas ang tingin.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now