KABANATA 28

5.5K 235 1
                                    

Another characters na naman ang nag pakita sa harap ko! Si Boy Bangga si Miguel at si Boy Dating naman ay si Rafael.




Ang kaibigan ni Ej! Bakit ngayon ko lang sila nakita? At sa mismo birthday pa talaga ni Hannah! Kung minamalas ka nga naman!




Kung narito ang dalawa, nandito rin kaya ang iba pang characters sa kwento? I can‘t wait na makilala pa silang lahat.




“Naalala mo na ba kami, Binibining Isabella?” tanong ni Boy Dating inshort si Rafael.




“Oo.” maikli kong sagot.




“Naalala na niya tayo!” kita ko ang excitement sa mukha ni Rafael at inalog na naman si Miguel.




“Bro...” kita ko ang pigil na inis nito. “Just... Just stop it!” iritang singhal nito. “God! Lumayo ka nga muna sa akin Raf! Nandidilim ang paningin ko sa iyo.”




Ang dalawang ‘to ay napaka-close talaga sa isa‘t isa. Ang ugali ng dalawang ‘to ay medyo parehas na medyo hindi.




Inshort partner in crime ‘tong dalawa! Makulit, maingay at iba pang nakakairitang ugali ay nasalo nila! Mapang-asar din ang mga ‘to.




Pero mas makulit si Rafael, kaya hangga‘t maaga pa ay kailangan ko nang umalis sa puder nila, napaka-ingay!




Ang sakit nila sa brain cells mga beh, jusko.




Hindi ko na sila pinansin pa at lumayas sa harapan nila, busy naman silang dalawa kaya alam kong hindi nila ako napansin, psh!




Nakatagpo na naman ako ng character, sino pa kaya ang susunod? Nahihilo ako! Dumiretso ako sa bintana kung saan kitang-kita ang maliwanag na buwan.




Walang masiyadong tao sa pwesto na ito at eto ang gusto ko, nasa sulok ito ng mansyon.




Hindi pa nag sisimula ang party pero stress kaagad ako!




Lumanghap ako ng hangin na tumatama sa balat ko, ang ganitong katahimikan ang gusto ko.




Nakatitig lang ako sa buwan na ang liwa-liwanag! Napakaganda, i love moons talaga! Ang ganda niya pag masdan.




Napapikit ako nang biglang lumakas ang ihip ng hangin, ano kaya ang mangyayari mamaya? Paano ko mapipigilan yung sagutan mamaya.




Alam kong ganitong araw sasagutin ni Isabelia si Ej kung si Isabelia nga ang nasa katawan ni Hannah, dahil ganito rin ang nangyari sa kwento.




Pag na-kompirma ko nga talagang si Ate ‘yon, kailangan kong gumawa nang paraan para wag lang matuloy.




Hindi pwedeng si Isabelia at Ej ang magkatuluyan, puta gulo talaga ‘to! Masasapak ko si Isabelia nang wala sa oras!




Gigil ako eh.




Inimbita lahat ng pamilya Guivarez, so ibig-sabihin talaga ay narito ang iba pang tauhan sa kwento.




Lahat sila ay extra lang or kaya napadaan lang sa kwento pero alam kong mga mababait sila. Si Isabella lang talaga ang kontrabida rito at ang papatay rin sa sarili niya.




I sighed, naiistress ako beh! Tapos mag kikita pa kami ng impakta kong kapatid.




What if hindi talaga siya na reincarnate?




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now