KABANATA 44

4.8K 219 4
                                    

Sabay-sabay silang dalawang lumingon at sa pag harap nila sa akin, gulat kaagad ang bumalatay sa mukha nila.




“B-binibining Isabella.” hindi makapaniwalang ani nila.




Ngumiti naman ako bago nag lakad papalapit sakanila, kita ko bigla ang pag pawis at bakas na takot sa mukha nila.




Natatakot ba sila dahil nakita at nabuking sila or natatakot sila sa boss nila na nag utos sakanila?




Feeling ko sa dalawang choices na iyon ay doon sila natatakot at hindi mismo sa akin dahil ang alam nila lahat ng babae ay hindi marunong makipaglaban, inshort.... mahina.




Pero ibahin nila ako, dahil kahit babae ako kaya ko silang patayin sa isang iglap lang.




Nang makalapit na ako sa pwesto nila bahagya akong sumilip sa hinukay nila na bahagya nang natatabunan ng lupa.




Tinignan ko ang dalawa bago tumingin sa uniporme nila. Umangat ang gilid ng labi ko dahil sa nakita.




They‘re the traitors in our mansion.




Tinabingi ko ang ulo ko at tinignan sila nang inosente. “Ano ‘yan?” i asked them while pointing the ground kung saan naroon ang hukay.




Kita ko na pinag papawisan sila. “N-nag tatanim po k-kami.” utal na sagot sa akin ng isa.




Nag tatanim? Tanginang dahilan ‘yan.




Mas ngumiti ako nang malapad sakanila. “Diba dapat ang hardinero ang gumagawa niyan at kayo dapat ay nag babantay sa mansyon?”




Nag lilikot na rin ang mga mata nila na parang hindi na sila mapakali, nawala ang ngiti sa labi ko bago walang emosyon na tumingin sakanila.




“Sino ang nag utos sa inyo?” malamig na ani ko bago mas lumapit pa sakanila.




Napaatras sila nang wala sa oras, sabay talaga sila. “B-binibini.”




Mabilis kong hinila ang isang Gwardiya Sibil at kaagad na tinutok sakaniya ang dagger na hawak ko, naalerto naman ang isa at kaagad na napatayo.




“Sino ang bangkay na ‘yan?” tanong ko na ikinatulos ng isa. “Anong karapatan niyo para diyan ilibing iyan? At sa mansyon pa talaga ng Montenegro?!” singhal ko.




“Kunin niyo.” i said in cold voice.




“P-po?” gulat na usal nang hawak ko, bnitawan ko siya.




“Kunin niyo ‘yan, bingi ba kayo?! O baka gusto niyong putulin ko nalang ang mga tenga niyo tutal mukhang wala namang silbi ‘yan.” i said and a smirk appeared on my lips.




Sabay pa silang napahawak sa tenga nila. “Kunin niyo!” sigaw ko kaya bigla silang nataranta at kaagad na hinukay ulit iyon.




I looked at them with my emotionless face. “Who‘s your boss?” hindi sila umimik, kita ko ang pangamba sa mga mata nila at takot na rin.




“Yan ba ang tagahawak ng pera?” agad silang napatigil sa pag huhukay. “At yung bag na isinama niyo, ‘yan ba ang pera? Ang perang ninakaw ng boss niyo?!” muli kong sigaw.



Sabay-sabay silang napayuko. “Hindi ko aakalain na napaka tanga niyo mamili ng lugar para pag taguan?” nakangisi kong ani.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now