KABANATA 42

5.2K 214 0
                                    

Nagising ako sa liwanag na nang gagaling sa bintana, napaupo ako at napaunat din. Pipikit-pikit akong tumayo at dumiretso sa banyo.




Nag sipilyo at nag hilamos ako bago nag palit ng damit at bumaba na rin.




Nang na sa hagdan palang ako ay nakita ko na ang mga magulang kong nag kakape habang nag uusap.




“Magandang umaga sainyong lahat!” medyo sigaw na saad ko.




Nagulat pa ang dalawang matanda, kaya medyo napatalon pa sila, buti nalang talaga at nailapag nila yung tasa nila bago ako sumigaw.




Nang makababa ako ay nakangiti ko silang niyakap at hinalikan sa mga pisnge nila. “Anak! Ginulat mo kami!” saad ni ina.




“Pasensya na ina.” natatawang ani ko.




“Ikaw talagang bata ka! Aatakihin ako sa puso dahil sa ginawa mo.” sabat naman ni ama.




“Pasensya na rin po ama.” pag hingi ko rin ng sorry kay Don Alejandro.




“O siya, ikaw ay mag umagahan na dahil alam kong wala ka pang hapunan kagabi.” napatango ako sa sinabi ama.




“Tama ang tinuran ng iyong ama, ang sabi sa akin ni Carla na maaga ka raw nag pahinga dahil sa pagod.” sabat din ni Donya Ilaura.




“Opo, nakakapagod nga po ang pag lilibot namin.”




“Namin?” taka nitong tanong. “Ngunit ang akala ko ay ikaw lang ang mag-isa?”




“Kasama ko po ang dalawang anak ng Hernandez pati na rin po si Binibining Hannah at kasama rin po sila Rafael, Miguel, Claria, Olivia at Samuel.”




“Samuel?”




“Si Samuel Fuentes po.”




“Si Samuel? Nakabalik na siya?”




“Opo, ina. Nakasalubong ko siya nung ako ay nag lilibot sa San Lazaro.”




“Hindi man lang dumalaw ang batang iyon dito.” natawa ako sa sinabi ni ina.




“Baka ay abala.” sagot ni ama na busy sa pag babasa ng dyaryo habang sumisimsim ng kape.




Actually si Samuel ay nakakabata ni Isabella, childhood friend kumbaga, kaya don din na obsessed si Samuel kay Isabella.




Pero nag bago ang lahat nung nakita ni Samuel si Hannah sa mismong party ni Samuel.




Party dahil sa muling pagbalik ni Samuel, doon siya nag kagusto kay Hannah dahil bukod sa maganda, mahinhin pang babae.




Teka, party?!




Bigla akong natigilan nang maalala ko ‘yon, sa party pa ni Samuel mag kikita sila Hannah, pero kahapon nag kita na sila!




Atsaka yung party na ‘yon ay imbitado lahat. Pero bakit hindi na love at first sight si Samuel kay Hannah kahapon? Kakaiba...




Imbis na si Samuel ang tumingin kay Hannah, si Hannah ang tumingin sakaniya. Eww lantod!




At saka bakit ko ba ‘yon nakalimutan?! May party palang gaganapin! Umalis kasi ng bansa si Samuel para mag aral at eto na nga nakabalik na siya kaya nag pa welcome party ang magulang niya.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now