KABANATA 24

5.6K 245 7
                                    

Pumasok ako sa isang bilihan ata ng mga accessories, pag pasok na pag pasok ko palang ay namangha kaagad ako, ang daming mga alahas!






Tapos si ate mukhang ahas. Charot.






Medyo may kalakihan ang store na ‘to pero puno ng mga nag gagandahang alahas! Tulad ng mga kwintas, bracelet, singsing, pang-ipit sa buhok, hairpin at iba pa.






Nag tingin-tingin ako, siguro eto nalang ang ipang re-regalo ko sa lokaret na ‘yon, wala bang ahas ang design dito, tutal kalahi niya ‘yon kaya sigurado akong matutuwa iyon.






“Magandang umaga sa iyo, binibini.” napalingon ako sa bumati at isang hindi katandaang babae ang bumungad sa akin.






I smile at her. “Magandang umaga rin po.” pagbati ko pabalik.






“Mamili ka riyan, marilag." nangunot naman ang noo ko sa pag tawag nito sa akin ng marilag.





Ano ibig sabihin non?






"Maaari mong libutin ang aking mga paninda para makapili ka pa.” saad nito.






“Sige po, salamat po.” magalang kong sabi ngumiti nalang siya sa akin kaya tumalikod na ako para mag libot pa sa dulo ng store niya.






Ang sarap bilhin lahat! Ang daming magaganda! Sa dinami raming pwedeng piliin, wala akong mapili!






May pumukaw sa pansin ko, isang kwintas. Dalawang kwintas iyon na parang couple necklace.






Lumapit ako roon at kinuha iyon, napakaganda... Isa siyang ibon na kulay puti, pag pinagdikit mo sila ay para silang mag kasama.






Ewan ko pero biglang pumasok sa isip ko si Ej, bilhin ko kaya ‘to at ibigay sakaniya? “Ang mag susuot niyan ay mag mamahalan habang buhay.” napalingon ako at yun na naman ang Ale.






Ngumiti ito sa akin. “Bilhin mo iyan, binibini. Ibigay mo sa taong mahalaga sa iyo.” ay naks naman, mahalaga rin?






Napatingin ako sa bracelet na suot ko, psh! Bibilhin ko ‘tong dalawa na ‘to nagagandahan kasi ako eh, isusuot ko ‘to sa sarili ko.






Oo, isusuot ko ‘yang dalawa! Aba love your self ‘no! “Kukunin ko po ‘to.” sagot ko habang kinukuha na iyon.






Biglang tumunog ang pintuan, senyales iyon na may pumasok na tao or customer. “Maiwan muna kita rito, binibini.” umalis na ang Ale at ako naman ay nag patuloy lang sa pagpili.






Masiyadong malayo ang counter counteran dito, kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok, nag patuloy lang ako sa pagpili para matapos na ‘to.






Mahilig naman mag bun ang mga tao rito, bilhan ko kaya siya ng ipit nalang, yung ipit na maganda. Para naman hindi mag reklamo ang animal na iyon!






May napansin akong hairpin na ang design ay black rose, napakaganda naman nito. Kinuha ko iyon at sinuri, napangiti ako.






Mahilig talaga ako sa itim at puti... Pero hindi bagay ‘to kay Hannah! Binalik ko ito at kaagad na namili pa.






Kinuha ko ang dalawang tali sa buhok na butterfly ang design! Maganda kung titignan parang bagay lahat sa mga babae.






Nakakaakit din kaya alam kong magugustuhan niya ‘to! Wag na siyang mag reklamo pa, buti nga niregaluhan ko pa siya!






Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now