KABANATA 47

4.8K 211 9
                                    

Lumakad na ako para pumasok na sa mansyon dahil may gagawin pa ako, nang makarating ako roon ay nakita ko ang pag aalala ni ama.




“Ama, ayos lang po ba kayo?” tanong ko kaagad.




“Ayos lang ako, ang pinoproblema ko lang ay malapit na rin dumating ang mga nag sisiyasat.” ngumiti nalang ako.




“Ayos lang ‘yan, ama. Walang namang mangyayari, dahil hindi naman ikaw ang kumuha kaya wag kanang mabahala.” pag papanatag ko sa loob niya.




“Maraming salamat, anak.” saad nito sabay upo.




“Ama, pwede ba akong lumabas? May pupuntahan lang po ako.” pag papaalam ko.




“Sige, basta‘t mag iingat ka.” napangiti nalang ako sa pag payag nito bago umakyat sa kwarto upang may kunin.




Nang makapasok ako roon ay kinuha ko ang isang tela na naka pulupot at kaagad na dinala iyon pababa. Nag paalam ako kay ama at lumabas na sa mansyon.




Dumiretso ako sa mga kalesa at kaagad na sinabi sa kutsero ang pupuntahan ko. Sumakay na ako at tumingin sa labas ng bintana.




Nang makarating ako sa pupuntahan ko ay saka ako bumaba. “Binibining Isabella, ano po ang gagawin niyo rito sa morge?” takang tanong ng kustero.




Ngumiti ako sakaniya. “Gusto ko lang pong tignan ang dalawang Gwardiya Civil sa mansyon ng Montenegro dahil hindi tama ang ginawa nang pumatay sakanila.” malungkot kong ani.




Mukhang nalungkot din si manong. “Kaya nga po, binibini. Mabait ang dalawang iyon napakabata pa nila para paslangin ang kanilang sarili.” saad nito.




Napatango ako. “Oo nga po eh.” mahihimigan ang lungkot sa boses ko. “Sige na po manong, pakihintay nalang po ako.” saad ko. “Medyo matatagalan po ako.” dugtong ko pa.




Nag taka naman ang mukha nito pero kalaunan ay ngumiti rin sa akin. “Hihintayin ko nalang po kayo, doon nalang ako sa sulok na iyon.” saad niya sabay turo ron sa gilid.




“Sige po, salamat po.” i said bago talikuran siya at dumiretso sa loob.




Nang makapasok ako sa loob ay walang katao tao, tahimik siya. Nakita ko ang lalaki kanina na kumuha sakanila Antonio at Louis.




Lumapit ako sakaniya, nakita naman kaagad niya ako kaya lumapit na rin siya sa akin. “Ayos lang ba sila?” i said using my cold voice.




“Oo, binibini. Ayos na ayos lang sila.” saad nito na ikinangisi ko.




Agad kong inihagis sakaniya ang bag na puro pera ang laman, gulat naman itong sinalo niya. “Salamat sa tulong.” saad ko. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”




“Ako po si Franco.” tumango tango ako bago ini-sway ang kamay ko. Tumango lang ito bago dali-daling umalis.




Buti nalang talaga at kakilala nila Antonio at Louis ang taong ‘yon at natulungan kami sa ginawa naming plano...




Nakangisi ako habang papalapit sa dalawang nakahiga at nakatakip ang puting tela sa katawan nila.




Umupo ako sa bangko at paharap sa hinihigaan nila. Pinag-cross ko ang mga binti ko at pati na rin ang mga braso ko.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now