KABANATA 51

4.8K 202 2
                                    

Nasa gitna nila ako ni ama at ina kaya ngumiti nalang ako kesa naman sa mag wacky ako baka sabihin ng mga tao ay ang weird ko!




Halos pumikit ako nang biglang nag flash yung camera, puta! Sobrang lakas ng flash buti nakayanan kong hindi pumikit.




Natapos ‘yon kaya umalis na kami at sumunod ang pamilyang Hernandez, napatingin ako sakanila nang pumwesto na sila.




Umupo yung dalawang matanda sa upuan na kinuha ng photographer tapos sa likod naman sila ni Ren at Ej.




Ang po-pogi! Parang gusto ko tuloy mag pa-picture isa-isa sakanila! Kaso baka naman magalit yung photographer, nakakahiya.




Tinaas ng photographer ang kamay niya at parang doon nag bibilang, kasabay nang pag three niya ay pag flash ng camera.




Natapos yon hanggang sa mag sunod-sunod na sila. Naks mga gaya-gaya oh! Pa-picture lang kami nag sunuran na sila hmp!




“Tayo na raw lahat ang susunod.” saad ni Don Felipe ang tatay ni Miguel.




Nang sabihin niya iyon ay nag puntahan na kami sa unahan, napag desisyunan na ang mga matatanda ay nakaupo.




Ang mga matatandang lalaki ay nasa kanan silang upuan, sunod-sunod at sa kaliwa naman ay matatandang babae.




Ganon din ang naging arrangement sa likuran, katabi ko si Ej at sa gilid ko naman ay si Hannah.




Yawa, bakit ko ‘to katabi?!




Hindi ko tinapunan nang tingin si Hannah kahit katabi ko lang siya, nasa kanan ko si Ej at kaliwa naman si Hannah.




Bakit ba ako pinag-gigitnaan nitong dalawang bida?


Yung katabi naman ni Ej ay si Renren katabi ni Ren ay si Miguel at katabi naman ni Miguel ay si Rafael.




Katabi ko si Hannah at ang katabi naman ni Hannah ay si Olivia at katabi naman ni Olivia ay si Claria.




Kumbaga sa likuran, kami ang pinaka gitna ni Ej.




Nakaayos na kaming lahat! Nakaka tense kasi lahat ng tao ay nakatingin sa amin!




Ngayon lang ba sila nakakita ng buong pamilya mag pi-picture




Inggit lang sila eh, tss!




Tinaas na ng photographer ang kamay niya kaya nag handa na ako, hindi ko alam kung mag fi-fierce ba ako o smile eh!




“Ngumiti tayong lahat.” rinig kong saad ni ama kaya napangiti ako nang malapad.




Ngiti raw!




Pero natigilan ako nang may kumulbit sa akin, tinignan ko si Ej dahil siya yung kumulbit.




“Te extraño, Mi vida.” (I miss you, My life.) saad nito na ikinataka ko na na naman.




Nag spa-spanish na naman siya! Ngumiti siya sa akin kaya sa hindi malamang dahilan ay napangiti na rin ako sakaniya.




Pero natigilan ako nang biglang nag flash ng malakas, sabay kaming napalingon ni Ej don.




Loh?!




BAKIT NAG PICTURE AGAD?! HINDI PA AKO READY!




Nag senyas ang photographer na okay na raw! Hindi pa ako nakakapag pose! Punyeta!




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now