KABANATA 55

5K 231 14
                                    

Nakatulala lang ako ngayon sa kisame ng kwarto ko, halos mahimatay ulit ako kanina dahil parang nag black out talaga ang utak ko.




Hindi ko nga alam kung sumagot ba ako sa tanong niya o hindi eh! Basta natauhan nalang ako na nasa tapat na ng mansyon namin!




Hinatid ako ni Ej gamit ang kalesa nila lalo na't malapit lang ang mansyon nila sa tinatambayan namin kanina.




Napasabunot ako sa buhok ko at pilit na inaalala kung sumagot ba ako sa tanong niya.




Kung um-oo ba ako o hindi! Wahh! Bakit ba kasi ganon kabilis siya mag confess ng feelings niya?!




Literal na straight to the point siya! At hindi ako natutuwa ron dahil baka mahimatay ako nang wala sa oras dahil sa mga salitang lumalabas mula sa bibig niya.




Nag buntong hininga nalang ako bago na pag pasyahan na bumaba muna para makapag pahangin.




Gabi na at wala pa rin sila ina at ama, hindi ko talaga alam kung saan sila pumunta, baka sa trabaho or hindi kaya nag solo yung dalawa?




Alam niyo na... Chukchukan.




Bahagya akong natawa sa naisip, ang tatanda na tapos naiisip pa nila ang ganoong bagay? Nahihiya pa silang mag sabi sa akin kung saan talaga sila pupunta.




Nang tuluyan na akong makababa ay dumiretso ako sa hapagkainan at doon kumain dahil napakasarap kumain tapos solong-solo ko pa yung buong lamesa.




Habang kumakain ako ay biglang lumapit sa pwesto ko si Carla. "Binibini, may bisita po kayo."




Sino naman?! Gabing gabi na tapos saka pa sila bibisita?! Mga istorbo sa pag lamon ko.




"Sino?" tanong ko habang nilalantakan ang pag kain.




"Sila Claria at Olivia po."




Ano─ Bakit sila nandito?!




"Papasukin mo." utos ko na ikina tango nito bago umalis sa gilid ko, bahagya akong napahilot sa sintido ko.




Siguro mga bampira tong mga 'to dahil laging gabi sila kung bumisita sa akin, hindi nalang nila gawin sa umaga, tanghali at hapon!




Ang dami daming oras sa umaga hindi man lang nila naisipang ganoon ang gawin!




"ISABELLA!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang sumigaw ang dalawang bruha!




Kingina! Gabing-gabi tapos ganoon sila sumigaw?! Parang mga hindi binibini! O baka naman nahahawa na rin sila sa ugali ng dalawang ulupong na si Rafael at Miguel.




"Magandang gabi, binibining Isabella." maligayang bati ni Claria.




"Ano ang ginagawa niyo rito?!" inis kong saad.




Nag katinginan silang dalawa bago sabay na humagikhik na ikinataka ko, mga takas mental hospital ata tong mga 'to.




"Halika dali!" hinila ako ni Olivia papunta sa may bintana.




"T-teka! Ano ang ginagawa niyo?!" saad ko at pilit na tinatanggal ang pag ka-kahawak sa akin ni Olivia.




Napatigil silang dalawa sa pag lalakad, buti nalang talaga at tapos na akong kumain kasi kung hindi pa baka nakalimutan kong nasa sinaunang panahon ako at nasapok ko 'tong dalawa.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now