KABANATA 30

5.6K 209 7
                                    

Napangiwi kaagad ako sa sinabi niya. “Hindi kami mag kasintahan, nag kwe-kwentuhan lang kami. Masiyadong ma-issue.” saad ko sabay irap.




“Ah, ganon ba binibini? Hehe patawad.” minsan talaga napaka-siraulo nitong si Rafael!




Bakit ganito ang character na ginawa sakaniya ng Author?! Jusme!




“Tama si Binibining Isabella,  hindi kami mag kasintahan.” saad ni Renren.




Tumango-tango naman ako. “Ano lang?” tanong naman ni Miguel.




“Mag kaibigan lang kami.” saad ko.




“Pwede rin pala kami maging kaibigan mo?” tanong ni Rafael na nakapag pataas ng kilay sa akin.




Kaibigan daw?! Ayoko sa maingay at madaldal! Stress ang aabutin ko sa dalawang ‘to.




“Ayos lang, tanggap na naming ayaw mo sa amin.”



Loh?




“Kinalimutan mo pa nga ang pangalan namin, halatang hindi kami mahalaga sa buhay mo.”




Narinig ko ang tawa ni Ren sa gilid ko! Puta, bakit biglang nag drama ang dalawang ‘to sa harap ko?!




At saka hindi ba sila nababahala na puro lalaki sila tapos ako lang ang babae rito?!



Sa akin walang malisya ‘yon, pero sa mga tao rito may malisya ‘yon!




“Oliver, ayaw sa amin ni Binibining Isabella.” mangiyak-ngiyak na sumbong ni Rafael na ikina-ngiwi ko.




“Ayaw niya rin kami maging kaibigan.” dagdag ding saad ni Miguel.




Napailing-iling nalang si Ren at tumingin sa akin. “Kaibiganin mo na, binibini. Hindi ka titigilan ng mga ‘yan.”




He‘s right! Makulit ang dalawang ‘to! “Uy ano ‘yan ah?!” biglang puna ni Miguel sa bracelet naming dalawa ni Ren.




“Naka bracelet pa kayong dalawa at nag.papatunay iyan na kayo ay magkaibigan habang buhay!” dugtong ni Rafael.




“Si Binibining Isabella ang nag bigay sa akin nito.” saad ni Ren.




Napatingin sa akin ang dalawa, oh tingin-tingin nila riyan?! “Si Renren lang ang binigyan ko, wag kayong assuming.” saad ko.




“Renren?” sabay nilang usal na dalawa, oo sabay talaga sila! Naks naman oh. Duo talaga ang mag kupal.




“Si Renz Oliver.” saad ko.




“Binibini, huwag mo namang banggitin ang buo kong pangalan.” natawa naman ako sa sinabi ni Ren.




“Bakit? Ang ganda kaya ng pangalan mo.” napaiwas naman ito nang tingin.




Napatingin ako sa gawi ng dalawa na nag sasalit-salit nang tingin sa aming dalawa. “Sige na Binibining Isabella, gawin mo kaming kaibigan mo tapos regaluhan mo rin kami at bigyan ng pangalan.”




Wow ah! Wow talaga! Gaya-gaya lang ang peg?! Una kong binigyan si Ej tapos nag sunod sunod na? Angas naman nito.




“Sige na, binibini.” naiirita na ako sa ingay nila, at saka hindi naman siguro masama kung gawin ko na talaga silang kaibigan.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now