KABANATA 35

5.4K 217 17
                                    

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya natigilan, oh! Di niya inaasahan ‘yon ‘no? Wag kasi siyang rerebat nang ganon!




Palaban pa man din ako, duh.




“Hindi sana makukulangan ‘yan, Binibini, kung hindi ka tumutol sa kasal sana ngayon ay dala mo na ang apelyido ko.”




Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, parang nag flashback lahat nang nangyari sa akin nung na reincarnate ako bilang si Isabella.




Oo nga pala! Ako pala yung tumutol sa kasal tapos ang lakas ko bumanat na kulang yung apelyido niya sa pangalan ko?!




Ok, pahiya unti bukas bawi! Piste. Pero hindi ako makakapayag na siya ang manalo!




Ngumisi ako sakaniya. “Edi sabihin na natin sa magulang natin na ituloy ang kasalanan.” saad ko at nginitian siya ng matamis.




Siya na naman ngayon ang natigilan, oh oh! Ano ‘kala mo ah! ‘Di ako mag papatalo sa ‘yo boy.




“Para madala ko na ang apelyido mo.” saad kong muli bago humarap sa harapan at inilagay ang kamay ko sa baba na tila ba nag iisip.




“Isabella Montenegro-Hernandez.” agad akong napangiti nang malawak. “Bagay diba?” nakangisi kong tanong.




Napalingon ako sakaniya na ngayon ay tulala na. “Hindi ko aakalain na makaka kilala ako nang walang preno ang bibig na babae.” mahinang saad niya.




Loh?! Sorry siya, eto ako eh! Ako ‘to oh!




“Ano na Ej! Mag pakasal na tayo.” pangungulit ko pa sakaniya.




Pigil na pigil ang tawa ko dahil sa ginagawa ko sakaniya, duh! Nakakatawa ang reaksiyon ng mukha niya!




“Tapos pag nag pakasal na tayo, bibili tayo ng sarili nating bahay at doon tayo titira!” saad kong muli habang nag iimagine pa.




“Doon na rin tayo gagawa ng sarili nating pamilya!” tuloy ko pa.




Muli na naman akong lumingon sakaniya, kita kong pumula ang mga tenga, bigla rin siyang napaubo at umiwas ng tingin.




Pfft, his facial expression is interesting.




“Tapos ang ipapangalan natin sa magiging anak natin ay...” muli na naman akong nag aktong nag iisip.




“Elysa at Ejay.” saad ko sabay tingin sakaniya. “Pinaghalo ang name natin, maganda ba?” tanong ko.




Tulala pa rin siya, awittt! Shock na shock beh? Kasalanan mo ‘yan! Inumpisahan mo eh.




“Ayaw mo ba?” umakto pa akong nalungkot. “Sige, si Ren nalang ang papakasalan ko.” mahinang saad ko.




Napalingon ito sa akin. “Halika na sa simbahan.”




Loh gago?! Siraulo!




At dahil nag bibiro lang naman ako, nginitian ko siya. “Halika na.” saad ko bago tumawa nang malakas.




“Biro lang!” bawi ko sa lahat nang sinabi ko pero siya ay tahimik lang.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now