KABANATA 16

6.4K 257 37
                                    

I sighed because of disbelief, hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko and hindi ko pa pala alam ang itsura ni Hannah.




Maganda kaya siya? Malamang maganda talaga ‘yon! Female Lead eh. Pero mas maganda pa rin si Isabella, dapat puriin din natin ang ating sarili.




Wala namang masama ron.




“Pake ko kung nakangiti siya habang kumakain?” irita kong saad.




Natawa naman ito bago tumayo nang maayos. “About your question, how did you know that i have a feelings for Hannah?” bahagya akong natigilan sa tanong niya.




Syempre alam ko talaga! Nabasa ko na ang kwento niyo eh. “Did you forget?! Sinabi mo iyon sa akin!” omg ang aking heart ay tumitibok nang mabilis.




Buti nalang talaga at malaking tulong ang kwento na nabasa ko.




“You keep advicing me na tumigil nalang dahil wala tayong magagawa sa taong nag mamahalan.” palusot ko kahit ‘yon naman ang totoo.




Buti nalang talaga at nabasa ko nang buo ‘yon!




Tumango tango naman siya. “Yeah, i remember that.” para naman akong nabunutan ng tinik.




Shit, medyo kinabahan ako ron ah.




“May nararamdaman pa rin ako kay binibining Hannah, pero pilit ko nang itinitigil dahil tulad nga nang sinabi ko sa ‘yo, wala na tayong magagawa.”




Loh? Ipamukha ba naman sa akin na wala talagang pag asa si Isabella kay Elijah, ganon ba ‘yon?




Sakit mo sa atay, Ren.




“Ayos lang naman sa akin, dahil wala na akong gusto kay Ej.” saad ko.




Totoo naman! Hindi ako si Isabella, bakit kasi nag papahalatang may gusto ka kay Ej, Isabella?!




Ngumisi ito. “Sa akin ka umibig, binibini, sasaluhin kita.”




Ulol gago! Ayoko ngang mag kashota rito eh dahil babalik pa ako sa totoo kong katawan!




Tapos may pasalo salo pa siyang nalalaman diyan.




Lakas din bumanat nito. Pero aminin ko medyo kinilig ako ron, medyo lang naman.




“Dati ka bang takas sa mental? Kung ano anong pinagsasabi mo.” iritado kong saad.




Aaminin ko na medyo natatakot ako, ayoko magkagusto sa akin si Oliver, bwesit na ‘yan!



Dapat kay Hannah lang ang attention niya diba para si Hannah lang ang kulit-kulitin niya.




Bahala na si Hannah, kaya na niya ‘yan. Malaki na siya eh.




“I‘m just kidding.” saad nito na ikina-irap ko lang. “But you know what.” napalingon ako sakaniya.




Kita kong nakatingin siya sa malayo. “Iniisip ko kasi si Hannah.” seryoso niyang saad.




“Bakit anong meron sakaniya?” takang tanong ko.




Tumingin ito sa akin. “Tulad mo.”




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now