Pano

362 11 0
                                    

Pano (Haesoo)
INILIPAT ni Jisoo sa sunod na pahina ang librong binabasa habang nginunguya ang sandwich na siyang tanghalian niya.
Hindi siya natinag sa binabasa kahit nakarinig siya ng kaguluhan mula sa ibang estudyante na kasalukuyang kumakain din ng tanghalian sa cafeteria ng university nila.
"Ah, grabe. Every freaking damn time," reklamo ni Jennie na katabi niya.
"Hindi na ba masasanay ang mga tao dito sa itsura ng mga basketball team ng university?" Rosé rolled her eyes.
"Toxic talaga sa school na ito yang pag-iidolize nila sa mga 'yan." Humalumbaba si Lisa saka nakitingin din sa bagong dating na grupo. "Look at them, they all look so nasty with their sweats and their jerseys."
Hini natinag si Jisoo mula sa pagbabasa. Pero natigilan siya nang mag-vibrate ang phone na nasa mesa.
GILIW calling...
She cleared her throat and slide to reject he screen.
"Bakit hindi mo sinagot? Sino ba 'yon?" tanong ni Jennie sa kanya.
"No one," she murmured.
"Aanhin ang kaguwpuhan kung hindi naman sinasagot ang tawag?" malakas na alaska ng isa sa mga basketball player na naupo na sa bakanteng mesa di kalayuan sa kanila.
This time she looked up and saw Haein looking at his phone with a knotted forehead. He pressed on it again and her phone vibrated again.
Mabilis na tumayo siya na ikinagulat ng mga kaibigan.
"Ang ingay dito, sa library muna ako. Mamaya pa naman ang klase natin."
Jennie gave her a suspicious look, and the other two just nodded. Nagmamadali niyang kinuha ang bag at ang phone na nagba-vibrate pa rin.
Her steps faltered when she was about to pass by his table. Parang may himala naman na nag-angat din ito ng tingin at bago pa man magtama ang mga mata nila ay umiwas na siya. Dere-deretso siyang lumabas ng cafeteria.
****
"Pano naman ako... Nahulog na sa 'yo, binitawn mo lang ba ako..."
Jisoo hummed at the tune of the song on her earphone as she continued reading the book. Nakaupo siya sa isang sulok ng library na bihira lang puntahan ng mga estudyante. May space doon na puwedeng tambayan na hindi nahuhuli ng studet library. Only two people knew this spot.
Siya at si--
"Hey..."
Naramdaman niya ng pag-upo ni Haein sa tabi niya. He's now wearing his nursing uniform.
"Whatcha doing?" he whispered on her ear.
His breath tickling the sensitive part under he ear. His lips grazing lightly her earlobe. Siniko niya ito sa sikmura.
"Aray naman, giliw. Love language mo talaga ay cariño brutal," reklamo nito.
Inirapan niya si Haein. "Ang kulit mo, eh."
Malakas na bumuntong-hininga ito. "Anong makulit sa akin? Gusto ko lang tawagan nag girlfriend ko pagkatapos ng nakakapagod na training."
She shushed him. Looking behind him if anyone was lurking around. Sinamaan niya ng tingin ito.
"Sinabi na 'wag na 'wag mong sasabihin ang word na 'yan kapag nandito tayo sa school."
"What word? The girlfried?" Kunot na kunot ang noo nito. "Girlfriend naman talaga kita, ah."
She slapped her palm on his mouth. Nanlalaki ang mga mata niya. Samantalang seryoso naman si Haein na nakatitig sa mga mata niya.
Unti-unting nawala ang panic na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang mga mata nito. Shit. She's starting to lose her focus because of his puppy eyes.
"You know, we can't..." mahinang bulong niya. "I don't want people to think that you're weird."
"Bakit? Anong weird na malaman ng lahat ang tungkol sa atin, Jisoo?"
Eto na naman sa mahabang paliwagan. "Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na ako ang girlfriend mo? They would think that you dropped your head or ginayuma kita."
Umasim ang mukha ni Haein. "Kung may nanggayuma man sa ating dalawa, ako 'yon. Pero, Jisoo...kailan darating 'yong time na hindi mo na iisipin ang sasabihin ng ibang tao?"
"Kapag naging fair na lahat ng bagay sa mundo." She closed the book she's reading and put it back to her bag. "May klase pa ako, Haein."
"I know." Malungkot na ngumiti ito saka tumayo.
Iniabot nito ang kamay sa kanya na agad rin naman niyang tinanggap. He did not let go of her hand and pulled her closer to him, ther bodies inches away. She can feel the warmth from his body and the soap he used probably after his shower.
"Haein..." Natatakluban nito ang daan palabas ng hallway ng library, alam niyang hindi siya makikita kung sakaling may sumilip sa hidde nook na 'yon.
"Mahal na mahal kita, giliw," he said under his breath, barely enough for her to hear. Sabay no'n ay ang paglapat ng mga labi nito sa noo niya. His lips on her temple. "Mahal kita kahit ano pa ang sabihin nila, tandaan mo 'yan."
She closed her eyes, nodded, and pushed him away.
***
"Narinig n'yo na ba ang latest na chika varsity team natin?"
"Ay, oo. Totoo ba 'yon?"
"Girl, they saw them leaving the gym yesteday. Totoo nga!"
Malalim ang iniisip ni Jisoo pero naririnig niya ang usapan ng mga kaklase nila sa pyschology. Besides her, Lisa sighed and shook her head.
"Puwede kaya nating gawing study 'yong pagiging Marites ng mga estudyante ngayon? Like, all they do is chismis every day."
"Hayaan mo na. Diyan sila masaya, eh," wika ni Rosé.
"Ano latest?" tanong ni Jennie na kauupo lang.
"Nagde-date daw yong volleyball girls captain at yong point guard ng basketball team," sagot ni Lisa.
Jennie looked at her. "Totoo?"
Kumunot lang noo niya.
"Bakit si Jisoo tinatanong mo?" tanong ni Lisa. "At bakit may paki ka? Kala ko ba wala ka interes sa ganyan?"
Nagkibit-balikat si Jennie. "Wala lang..."
"Haein is Jisoo's childhood friend," sagot ni Rosé. "'Di ba?"
The three girls looked at her. Sumilip siya sa cell phone niyang tahimik. Kinuha na lang niya ang notebook.
"Let's finalize our booth for the Foundation Day next week," pagbabago niya na lang sa usapan.
***
Isang malapad na ngiti ang isinalubong ni Haein kay Jisoo nang makapasok siya sa loob ng kuwarto niya. For the first time that tiring day, ngumiti siya. Ibinagsak niya sa pintuan ng kuwarto niya nag backpack saka tumakbo papunta dito at tinalon ito sa kama niya.
Haein catched her and laughed when she gave lots of kisses on his face. Hinalikan na niya lahat ng maabot niya.
"Na-miss mo ako?" tanong nito na may halong pagbibiro.
"Palagi naman kitang namimiss, eh," sagot niya.
"You miss me extra today?"
Sininghot niya ito sa leeg. The baby powdery smell he always have tickled her nose. "I missed you extra today."
"Kung pumayag ka na kasi na sabay tayong kumain tuwing lunch, eh..." he pouted.
"Alam mo namang hindi puwede, eh..."
"Sino'ng maysabi?" Nang hindi siya sumagot ay bumuntong-hininga ng malakas si Haein. "I know, I know. I'm sorry."
Itinuon niya nag siko sa dibdib nito at hindi siya umalis sa ibabaw nito. Haein can take her weight. "Maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon, Haein."
Ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata. "No, you will understand me someday that I won't leave you no matter what they will say, giliw. Humakbang ka lang patungo sa akin sa harap nila, ako lang ang maririnig at makikita mo, pangako."
Ang sarap sa pandinig, pero hindi niya kaya.
"Saka, ang mahalaga sa akin, legal tayo sa mama mo." He cheekily smiled at her. "Puwedeng-puwede mag-babe time dito sa kuwarto mo."
Napangiti siya. "Loko ka. Laki ng tiwala ni mama sa 'yo."
"Ako lang daw ang pinagkakatiwalaan niyang lalaki... sana pati 'yong anak, eh ganoon din."
***
"Ano 'yan, giliw?" tanong ni Haein kay Jisoo nang makita nito ang piniprint niya pagkatapos ng hapunan.
"Para sa marriage booth namin sa Foundation."
"Oy!" He sat down on her study chair, kumuha ng isa sa printed copies.
"Hoy, bilang 'yan. Anong ginagawa mo?"
"Magpi-fill up. May gusto akong pakasalan sa Foundation Day, eh."
"Sino? 'Yong volleyball girls captain?"
Nakataas ang dalawang kilay na tumingin sa kanya si Haein. "Selos ka?"
"Totoo ba?"
"Hindi! Syempre hindi, giliw. Para namang tanga nito. Ikaw nga lang sabi sa mga mata ko, eh. Eto nga magpi-fill up na ng marriage contract."
"Para kang tanga," sagot niya. "Bakit ako magseselos kung hindi totoo? Kung gusto mo siya, sabihin mo lang. Maiintindihan ko."
"Aray, ah..." Haein put down the pen. "Ganoon ba kabilis nag bumitaw sa akin, Jisoo?"
Napatigil siya. The hurt on his eyes is evident. Parang nahiwa rin ang puso niya dahil kitang-kita na nagtampo ito sa sinabi niya.
"Hindi naman..."
"Okay lang, sanay na ako."
He stood up. Napatayo rin siya. Humawak sa braso nito. May gusto siyang sabihin pero hindi mailabas iyon. Haein felt her hesitation.
"Okay lang, giliw." He kissed the top of her head. "Tatlong taon na tayong patago-tago, nasanay na siguro ako. I'll see you tomorrow? Good night. Mahal kita."
Hindi siya kumibo at nagsalita hanggang sa makalabas ito ng kuwarto niya. Napatingin siya sa ibabaw ng dresser kung saan nandoon ang picture frame nila noong araw na naging sila, noong 18th birthday niya. The day her father left her mother because of gossips from her father's family side.
***
"Jisoo, paubos na yata ang mga rings natin. Bakit kasi ang daming gustong magpakasal ngayong araw!" reklamo ni Jennie habang sinasalansan ang mga marriage contracts na pirmado na.
Kinuha niya sa ilalim ng mesa ng extra box.
"Kanino bang idea ito?" asar na tanong ni Lisa.
"Sa 'yo, loka ka," sagot ni Rosé.
"Pasabi sa mga coordinator, cut off na tayo ng 3pm," sabi niya sa kasamahan sa Psych.
Ang mga coordinators ang nag-iikot sa buong univesity para kumuha ng mga couples o sumundo sa mga summon na gustong ikasal, puwede rin kasi na mag-request.
"Last request!" wika ni Lisa. Inilapag ang request ng bride. "Oh, si ano pala 'to. Si Soobin Chae, 'yong volleball captain."
"Sino ang groom?" Nakiusyoso na ang mga nasa booth.
"Eh, sino pa? Eh 'di yong rumored boyfriend."
Hindi siya nakahuma lalo pa at kinakaladkad na ng mga taga-Basketball team si Haein. Kasunod sina Soobin.
"Process mo na," sabi ni Jennie sa kanya. May paghamon sa mga mata. "Ano? Kaya mo?"
Tinanggap niya ang papel. Hindi si Haein ang nag-fill up ng groom. Wala pa ring pirma sa ibabaw ng pangalan nito. Pero mayroon na sa bride.
"Ay, kulang. Kailangan ng signature ng groom." Inagaw ulit ni Jennie ang papel sa kanya.
"Mga gago kayo, bitawan n'yo ako!" Nagwawala na si Haein nang makarating sa harap ng booth ito.
"Haen, pirma ka raw do'n sa contract," sabi ng isa sa mga ka-teammates siguro ni Soobin.
"Ano ba kayo...'wag n'yo pilitin si Haein kung ayaw niya..." sabi naman ni Soobin. Humawak ito sa braso ng binata. "Don't mind them, Haen. Kaso nakakahiya kung hindi pa natin itutuloy... Ang dami ng tao, o..."
Tang ina. Why is she here witnessing this scene?At alam naman niya ang sagot.
Tigas ang iling ni Haein. "Sinabi ko na sa inyo na may girlfriend ako. Ayoko ma-misunderstand niya ito. Wala kaming relasyon ni Soobin, okay? May girlfriend ako at sa kanya lang ako magpapakasal, fake o totoo. Okay?"
"Sus, jowa reveal nga?" sigawan ng mga nagkakagulong tao.
Haein tried to reason out. She's just looking at him, can't move from her spot. Nang humarap ito sa harap ng booth, natigilan ito nang makita siya. Tumingin din ang mga tao sa kanya, but dismissed her when they saw it's nobody.
Ito na yata ang pinaka-frustrated na nakita niya ito. He looked so torn between punching or begging everyone to believe him. The pain look on his eyes break her heart.
Bago pa siya makahakbang ay iniladlad dito ni Jennie ang papel. "Pipirmahan mo o hindi?"
"No," he said, his eyes at her.
"KJ ka, Haein. Nasaan kasi 'yang jowa na 'yan."
"Naku, baka hindi ka mahal no'n. Bakit ayaw magpakilala?"
More words came from people around them. Mas lalo siyang natakot. Napahakbang siya palikod.
"Ibig sabihin walang kasalan na puwedeg maganap." Jennie tore the paper. "Marriage booth is close for the rest of the day."
Natahimik ang mga tao. Haein shook his head at her then walk away. Agad na humabol dito si Soobin.
"Boring pala dito sa marriage booth. Du'n tayo sa jail booth ilagay 'yong dalawa."
Natahimik na rin sa wakas ang booth nang makaalis ang mga tao. Nakapamaywang na hinarap siya ni Jennie
"Hindi ko alam kung ano ang problema mo, pero maawa ka sa boyfriend mo, Jisoo," asar na sabi nito. "Grabe ka."
"H-Hindi mo ba narinig ang mga si-sinabi nila?" tanong niya rito. "They're judging me without knowing who I am!"
"So? Bakit mo pakikinggan? Du'n ka lang makinig sa mga taong mahal mo. Huwag mo hayaang sirain ng sasabihin ng ibang tao ang relasyon n'yong dalawa. Kaya mo bang wala siya sa buhay mo? Imagine mo wala siya sa buhay mo, kaya mo ba? Dapat kayanin mo kasi mukhang bibitaw na rin yon--"
Napatakbo siya palabas ng booth pero agad na bumalik sa booth para kunin ang bag at ang papel na sinulatan ni Haein noong isang araw.
***
Kita ni Jisoo na muling kinakaladkad si Haein nang basketball team sa jail booth. Nasa loob na si Soobin.
"Mga gago kayo! Tigilan n'yo ako!"
"Pare, 'wag ka na mahiya. Type mo rin si Soobin, 'di ba?"
Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. Malalakas na ang mura ni Haein nang makalapit siya.
"Stop," she said in he loudest, possibly in her entire life, voice.
Napatigil ang mga ito. Tumingin sa kanya. Haein looked at her, gulat at pagkalito ang nakalarawan sa mukha niya.
"Haein Jung, may summon ka sa marriage booth," sabi niya.
"Anong summon? Naku, isa sa fan girls mo?" One of the boys smiled at her cheekily. "Sorry, Ms. Nerd pero nauna na itong jail booth."
"H-He..." Hindi niya inalis ang mga mata kay Haein na tahimik na. Hinihintay kung ano ang gagawin niya. "He already signed the contract. No backsies."
Iniladlad niya ang contract. Pirmado iyon pareho ng groom at bride.
Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ng mga kasamahan nito sa basketball ang nakasulat doon. Haein shrugged them off and fix his shirt.
Malapad ang ngiti na lumapit ito sa kanya at kinuha ang papel. "Oo, pirma ko nga ito."
"D-Do you want to proceed on this m-marriage, Haein Jung."
"Yes, Jisoo Kim. As long as, ikaw ang bride ko."
Napakagat-labi siya. Ang lakas ng boses nito. Rinig ng lahat ng nakikiusyoso. "K-Kung ganoon, sumama ka sa akin--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil inakbayan na siya nito at saka sila naglakad palayo sa mga kasamahan nito.
He kissed her temple. "Kinikilig ako. Grabe ang jowa reveal na ito, giliw"
"Argh..." She covered her face sa people gathered around them, all are shouting with glee and giddiness. 'Yong iba ay tumitili pa talaga.
And Haein is right, she did not hear anything, aside from his I do.
-THE END-

HaeSoo PlaybookNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ