Asan Ka Na Ba

247 3 0
                                    

Asan Ka Na Ba? (HaeSoo)
"Ang landi... Ang landi-landi!"
Napatingin kay Jisoo ang tatlo niyang roommates na sina Jennie, Roseanne, at Lalisa. Nakataas ang mga kilay ng mga ito, naghihintay ng chika niya.
Bumuntong-hininga siya saka inihagis sa kama ang phone niya at humilata rin doon.
"Nag-chat ang ex ko. Happy anniversary daw sa amin ngayong darating na Valentines day," asar na wika niya.
Nagsigawan ang tatlo.
"Who? Sino? Sino? Bakit 'di mo sinasabi na may jowa ka?" sunod-sunod na tanong ni Lalisa.
"Gaga! Ex nga raw, eh." Hinila siya paupo ni Roseanne. "Kuwento mo, bakit bumati ng happy anniversary?"
"At sino sa mga ex mo?" dagdag ni Jennie.
"Wow, ah. Parang ang daming naging ex. Eh, mula nang makilala ko 'yang si Jisoo, never nagkaroon ng boyfriend 'yan."
Pinatirik ni Jisoo ang mga mata. "Single ako by choice, mga gaga kayo. Akala naman ng mga ito, ano walang nanliligaw sa akin?"
"Mayroon nga ba?" tanong ng mga ito. "Sa taray mong 'yan."
"O kaya naman friendzoned mo palagi."
"Ang worst ay deadma. Nakuuu..."
She just glared at them. Saka nagtalukbong ng kumot. Nagtawanan lang ang mga ito.
"'Di ba nasabi ko sa 'yo before, Ji na may feeling ako na ang sunod mong magiging boyfriend or makakatuluyan mo ay galing din sa past mo." Alam niyang nakangisi si Jennie. "Ayan na, o. May nagpaparamdam na."

***
Kakatapos lang ng lunch break ni Jisoo at pabalik na siya sa office nila nang tumunog ang phone niya. Nagtaka pa siya dahil sa messenger na tawag iyon.
But her smiled disappeared when she saw who it is. But nevertheless, she answered his call.
"Bakit?" bungad niya agad.
She heard him chuckled on the other line. "Wala man lang hi? Isang taon tayong 'di nakakapag-usap sa tawag. Puro chat lang tayo."
"Hello, ex. So, bakit nga?"
"Ouch, nakalimutan mo kahit pinaalala ko noong isang araw?"
"Haein," gigil na bigkas niya sa pangalan nito. "'Wag kang mang-asar ngayon, marami akong ie-edit na manuscript mamaya baka puro pula malagay ko do'n."
"Harsh." He cleared his throat. "Babati lang ako ng Happy Valentine's Day."
"Gago," she said under her breath.
"Yeah, gago nga ako."
"'Buti alam mo," she huffed. "Ano, 'yon lang ba?"
"De, ano...uuwi ako next month diyan sa Pilipinas..."
Natigilan si Jisoo. Tumingin siya sa paligid kasi baka biglang sumulpot ito sa kung saan. But Haein doesn't know where she works.
"Did the boys told you where I work?" dudang tanong niya.
"Ha? Hindi... bakit sa kanila ko itatanong? Sa 'yo na siyempre..."
"Asa ka naman na sabihin ko sa 'yo," pasaring ulit niya. "So, bakit mo sinasabi sa akin na uuwi ka? Wala kang balak na i-prank call ako this time?"
Tumawa ito. Obviously, he remembered when he last went home here. Nagpanggap itong taga-bangko eh, kakasimula pa lang niya sa work  noon. Akala niya talaga may problema ang payroll account niya. 'Yong kaba at iyak niya, matindi. Samantalang ang gunggong niyang ex ay tawa ng tawa pa nang magkita-kita silang barkada.
Haein was her high school boyfriend. They broke up when his family moved to Korea after their high school graduation. Katwiran niya, hindi siya naniniwala sa LDR. Si Haein naman, walang maipangako sa kanya. Kaya sa halip na magkasakitan lang, naghiwalay sila at bumalik sa pagiging barkada.
Sampung taon na ang lumipas mula noon pero palagi pa rin siya nitong tinatawagan tuwing Valentine's Day. Ang dahilan? Wala raw itong ka-date dahil palaging naaalala nito noong naging sila. Ang gago lang, eh. Pero patola din siya kasi wala rin naman siyang date.
"Nakakausap mo pa sina Insub?" tanong nito.
"Minsan. Kapag nauwi ako ng probinsya. Last na kita pa namin ay no'ng fiesta na nagpunta sila sa bahay."
"Ah, oo. Nakapunta na ako sa inyo, 'di ba? Pinakilala mo ako sa mama mo noon."
"Loko nito. Ipaalala ba naman 'yon."
"Paano nga pumunta sa inyo? 'Di ba ilang sakay pa 'yon mula sa bayan?"
Naupo si Jisoo sa harap ng table niya, nasa tainga pa rin ang cellphone. Hindi niya namalayan na napapahaba na ang usapan nila ni Haein nang mapatingin siya sa orasan. Lampas 1 p.m. na.
"Hoy, inaaliw mo ako loko ka. Pati pagpunta sa bahay namin nakuwento ko na sa 'yo, wala ka namang gagawin sa barangay namin," wika niya.
"Eh, di ka sure, Jisoo."
Nagulat siya. "Bakit, ano'ng gagawin mo sa amin?"
"Wala...dadalaw kay Tita." Tumawa ito nang umangil siya.
"Gago ka, ah," reklamo niya.
Tumikhim ang nasa kabilang linya. "Bakit, may magagalit ba?"
Napatigil siya saglit. Napaisip sa klase ng tanong nitong alam niyang may double meaning. Shit, nakikipaglandian na naman ito. "Wala naman..."
"Oh, 'yon naman pala, eh. Wala naman pala magagalit, eh."
"Para kang gago talaga, Haein." Hindi siya si Jisoo Kim kung papatalo siya sa kalandian ng ex niang ito. "Ikaw ba, wala kang girlfriend ngayon?"
"Break na kami."
"Inamoka, wala na tumagal sa 'yo."
"Eh, ikaw nga, until now wala pa rin mula no'ng ako. Siguro iniintay mo ako, 'no?"
"Ang kayabangan mo sagad hanggang dulo," gigil na sabi niya. "Hindi ako papakita sa 'yo pag-uwi mo next month! Manigas ka!"
"Jisoo."
"Ano?!"
"Happy 10th Anniversary."
"Gago! Anniversary mo mukha mo!"
Kulang na lang ay ihagis na ulit niya ang phone palayo sa kanya. Bakit ba hindi niya mapigilan ang sarili na huwag sagutin ang tawag nito? Eh alam naman niyang magugulo lang ang sistema niya dahil sa ex niyang loko-loko.

HaeSoo PlaybookWhere stories live. Discover now