Pagsamo

236 5 0
                                    

Pagsamo (Haesoo)
"AYOKO na..."
Nagulat si Jisoo, kahit maging si Haein. Napatingin sila sa isa't isa. Walang tigil ang mga luhang umaagos mula sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na nasabi niya iyon. At kahit si Haein ay hindi makapaniwala na narinig iyon mula sa kanya.
"Nakakapagod ang paulit-ulit nating pag-aaway. Naiisip ko na, tama pa ba ang ginagawa natin?"
She looked at the messed around them. Ang dating malinis at maayos na apartment nila ay basag-basag na ang mga gamit, magulo ang sofa, at nagkalat ang mga damit nilang dalawa. Ang dating masaya at puno ng pagmamahal nilang buhay ay naging malungkot at puno ng sisihan.
"Hindi mo na ako naiintindihan..." hinagpis niya rito.
"Hindi mo na rin ako naiintindihan..." balik nito sa kanya.
"Hindi na tayo na tayo nagkakaintindihan...?" her voice broke. "Ganoon ba... Haein?"
Pain lashed on his face as he turned around and shout in anger. Ayaw na ayaw nito na tatawagin niya ito sa pangalan nito. It was always has been 'Babe'.
"Is this it?" she asked him.
"I'm s-sorry...Jisoo..." his voice broke too, his back on hers.
She felt the pain, too. So, this is it.
She watched as he pick up his jacket from the messed up floor, took his car keys, and slammed the door behind him. While she stared at where he was standing a few minutes ago. Hanggang sa ang ilang minuto ay naging oras, hanggang sa hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig lang do'n.
Ang alam lang niya, kung anuman 'yong pinaglalaban at iningatan nila ng ilang taon...lahat ay nauwi sa wala.
***
Flashbacks
***
"Do you wanna live with me?"
Tumigil si Jisoo sa paglalakad kaya napatigil din ito nang hilahin niya ang kamay na hawak ni Haein. Manghang tinitigan niya ito. She's half-smiling in wonder if she heard him right. Did he just say...?
"Ayaw mo?" His eyes twinkle, his thumb caressing her inner wrist. When she did not answer, he brought her hand to his lips and kiss her knuckles. "Ayaw mo ba, babe?"
Tumawa siya, 'yong saya niya na nagpadala ng luha sa mga mata niya. Tears ran dow her cheeks as she stepped forward and on her tip toes, she kissed his lips.
"What took you so long to ask?" she whispered in between kisses. "I love you, of course, I want to live with you."
"Great, coz my dream is to wake up next to you for the rest of my life," he said.
Same, babe. Same.
***
"What if they won't like me, babe?" Jisoo's fingers curled on her pink dress as she eyed the well-lit mansion of Haein's family. Nasa kotse pa sila ni Haein at hindi bumababa.
"Mapapatunayan ko na talagang walang taste sina Mommy kapag inayawan ka nila, babe," biro ni Haein.
"Babe..." sabi niya sa nagrereklamong boses. "'Yong totoo?"
"I'm just kidding, of course, they will like you." Kinuha ni Haein ang kamay niyang hindi mapakali sa kanyang kandungan. "Parang may kulang..."
"What? Ano'ng kulang?" panic niya.
"This..."
Haein took out a small box and opened it. A bright diamond ring settled on the middle of the box. It glistened even at the dark.
"B-Babe..." Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya rito.
"I love you, Babe." His smile, his eyes, his entire being made her fall in love all over again. "I love you, Babe, will you marry me?"
"Goodness, ngayong gabi talaga?" she asked him as tears pooled her eyes. "Of course, babe. Of course, a million yes. Always a yes..."
He slid the ring on her finger and she cried more before hugging him tightly.
Having him in her life certainly is the best gift she ever received.
***
"Happy Birthday, Babe..."
Iniharap niya kay Haein ang cake na siya mismo ang nag-bake. Kahit pagod, ngumiti si Haein. Saka hinipan ang kandila.
"I love you--" sabi niya at akmang hahalikan ito sa labi ngunit umiwas ito.
Nagtaka siya noong una, pero nang umiwas ito palayo ay saka niya naamoy ang pambabaeng amoy na iyon. That is not her perfume.
Kumunot ang noo niya. "May...may problema ba?"
"Pagod lang sa trabaho, babe." Ngumiti ito ng pagod. "Gusto ko na lang muna magpahinga."
"Hindi pa natin nacecelebrate ng maayos ang birthday mo..."
"Puwedeng sa weekends na lang? Let's have a date? It's been a while na rin, babe."
Ah, okay. Tumango siya, pilit na ngumiti. She watched as he proceeded to put the polo shirt he wore on the washing machine and not in the laundry basket he usually does.
Napapikit siya. Ilang beses na niyang naamoy ang pabangong iyon. It haunts her like crazy who owned that perfume.
***
"Hello, babe!"
Haein tried to listen at Jisoo's slurred voice from the other line, but all he can hear are loud music and gibberish from his wife's drunk voice.
"Babe? Babe, naririnig mo ako?" Napasabunot siya sa ulo. "Nasaan ka? I'll pick you up..."
"Babeee!" Jisoo's voice shouted from the other line. "Don't worry I'm with the girls!"
Tapos busy tone na lang ang narinig niya.
Napalunok si Haein. Tiningnan ang phone na disconnected na sa number ng kanyang asawa. Tapos sa tatlong babae na awkward na nakatingin sa kanya. He smiled at the three before he dropped the act eventually. Inabala niya pa ang tatlo sa pagbabakasakali na ang mga ito ang kasama ni Jisoo.
"I guess, she have other 'girl' friends other than you, three?" sabi na lang niya kina Lisa, Roseanne, at Jennie.
They gave her pitying look. Sinapo niya ang noo. This is his fault.
***
"Ako may lalaki? Sino'ng may sabi? Ang mama mo? Ang mama mo na ayaw sa akin! Or 'yong iba mo pang kamag-anak na mababa ang tingin sa akin?" Jisoo shouted at Haein. "Why would you believe them, eh ako ang asawa mo!"
Napapikit si Haein nang tumama ang sampal niya sa pisngi nito. Sa halip na tumigil ay lalo siyang nainis dahil sa pagtanggap lang nito.
"How dare you accused me of adultery!" gigil na sigaw niya. "Eh sa ating dalawa ikaw nga itong--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin. They have been fighting about this for weeks now. At gaya ng dati, nakalarawan sa mukha ni Haein ang pagsuko. Hindi na naman ito magsasalita tungkol sa tinatanong niyang babae nito.
Oh, he have one. She knew. She saw them together. Sigurado siyang ang babaeng iyon ang dahilan ng naging panlalamig ng asawa niya sa kanya.
Lumabas lang siya ng isang beses para mag-unwind pero heto at inaakusahan siyang may iba.
"Tell me who the fuck is that woman, babe," wika niya sa mahinang boses, pero galit na tono. "Huwag mo akong gawing tanga."
"Kahit naman sabihin ko sa 'yo, hindi ka naman na maniniwala. Ano pang saysay?"
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. "This is bullshit. You are bullshit. This marriage is bullshit."
She snapped at him once again before storming to their bedroom. Malakas na isinara niya iyon.
Umupo siya sa gilid ng kama at saka umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang sa panibagong bukas na hindi niya alam kung kailan matatapos ang sakit sa kanyang puso.
***
"Did your wife slapped you again?"
Tumingin si Haein sa mga kaibigan na nakatingin na rin sa nangingitim niyang pisngi. Tumama sa cheek bone niya ng singsing ni Jisoo kagabi nang sinampal siya nito.
"Wala ito."
"Pare, ano'ng wala? Mukha kang panda na naman," sabi ni David.
"Bakit ba hindi kayo mag-usap ng maayos? Palagi kayo nagkakasakitan nitong mga nakaraan."
Mapait siyang ngumiti. "Palagi nga kami nag-uusap eh, kaya ganito na ang itsura ko."
"Pre, di naman sa nangingialam ako pero kung hindi n'yo maaayos ni Jisoo ang hindi n'yo pagkakaintindihan..."
Nagkatinginan ang mga ito. "Mahal mo pa ba, Haein?"
"Gago, oo." Si Jisoo lang ang babaeng ipinangako niyang mamahalin habang buhay.
"Pero hindi sapat ang mahal mo lang. Hindi ka magiging masaya kahit kailan, Haein. Kaya magdesisyon ka. Ayusin mo hangga't kaya pa."
Hindi niya masabi, iyon ang ang problema. Ang nangyari sa kanila ni Jisoo, ay hindi na kayang ayusin lang. Pareho silang galit na sa isa't isa. He did not cheat. She did not cheat.
Pero ang mga masasakit na salitang lumabas na sa mga labi nila ay hindi na kayang hilumin ng pagmamahal.
***
"Pareho kayong mali..."
Nanatiling nakatitig lang si Jisoo sa wedding picture nila ni Haein sa salas ng bahay nila. Kasama niya sina Jennie, Roseanne, at Lisa. They are having intervention about her marriage.
Kinagat-kagat niya ang kuko sa daliri. "I hate him," wika niya.
"Hate? That's a strong word for your husband, Jisoo," wika ni Jennie.
"Matagal na niyang alam na nasasaktan ako ng pamilya niya pero wala siyang ginagawa." Tumingin siya sa tatlo. "Tama ba na dumating kami sa punto na pinapapili ko na siya kung ako o sila?"
"Jisoo..."
"Jisoo, ano ka ba? Family niya iyon."
Umismid siya. "But I am his wife."
"And he is your husband. Isipin mo 'yon, mag-asawa kayo tapos ganito kayong dalawa," wika ni Lisa.
"Tigilan mo ang pag-na-nag sa kanya. Baka naririndi na siya sa 'yo," sabi ni Roseanne.
"Or he just doesn't want me anymore."
Humalukipkip si Jennie. "Wala, hindi ka na makikinig sa amin. No matter what we say, nakatanim na sa utak mong mali si Haein sa lahat ng bagay."
Hindi siya sumagot. Tumingin ulit siya sa picture frame na pareho silang nakangiti. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig niya pero hindi alam ng mga ito ang pagsisising nararamdaman niya.
Dahil hindi niya maalala ang memory na iyon ng kasal nila. All she can remember is how her in laws doesn't like her, the bad food, and the indifference she felt from his guests.
Hindi niya maalala kung kailan siya ngumiti dahil sa asawang ipinangako niyang mamahalin habang buhay.
***
"You want me to what?"
"Bakasyon lang, Babe. 'Di ba stress ka na rin naman sa work? Maybe you need a break--"
"No!" sigaw ni Jisoo. Naiiyak sa harapan ni Haein. "Bakit mo ako gustong umalis? Para mas malaya kayong makapaglandian ng kabit mo?"
"Heto na naman tayo," asar na sagot ni Haein. "Sabi sa 'yo na wala nga akong iba!"
"Hindi ako maniniwala sa 'yo!" sigaw niya pabalik. "Sinira mo na ang tiwala ko!"
And the fight continues. They kept shouting and breaking all the things inside their apartment.
Ang dating mga bulungan ng pagmamahal ay naging sigawan ng away.
Ang dating kanta ng pagmamahal ay napalitan ng mga tugtuging sumira sa pangako nilang dalawa.
Ang dating masayang bahay ay naging puno ng pagdududa at galit para sa isa't isa.
Kakasimula pa lang nila, pero puno na ng pagsisisi ang lahat.
***
Three years later
"Dito na nga ako sa mall, naglalakad na," nakangiting sagot ni Jisoo sa kausap niya sa kabilang linya.
The voice replied in a very cute voice, it made her laugh. Her heart lifting up at the sound of her laugh, her feet felt like she's floating, and her peace of mind is in place.
"Oo, malapit na. See you soon," sabi niya saka nagpaalam na.
Isinilid niya sa bulsa ang cellphone at mas binilisan ang paglalakad.
Her smile froze when she saw the tall figure from walking towards her. She saw him first, but before she can turn around, his eyes settled on her.
Gaya niya ay natigilan din ito. But they did not stop walking. Heart on her throat, they passed by each other.
No hello's, no goodbyes.
They're strangers again.
-The END-

HaeSoo PlaybookWhere stories live. Discover now