Glimpse of Us

170 4 0
                                    

Glimpse of Us (Haesoo)
TOTGA 2 - continuation (read TOTGA Ang Wakas)
-----
What ifs.
Punong-puno niyon ang buhay ni Jisoo. Ilang taon na ang nakalipas pero muling bumalik lahat ng pakiramdam na matagal na niyang ibinaon sa limot.
Isang tama lang ng mga mata nila...para na siyang hinigop pabalik sa nakaraan na bumago sa kung sino siya ngayon.
Pero kahit anong kumbinse niya sa sarili, kahit anong klase ng kalma ang gawin niya, kahit saan siya tumingin ngayon...para siyang basang sisiw na ibinalik sa nakaraan.
Isang malaking pagkakamali pero nandoon ang what ifs sa sana ay kanila ngayon.
She decided to settle for what she thinks was best. And Jinyoung is the best choice for her.
Ngunit bakit sa dinami-rami ng mga araw, ngayon pa niya ito nakita. Ngayon pa sumulpot sa harapan niya si Haein Jung? Ang lalaking lubos niyang minahal, ang nag-iisang taong nagbigay sa kanya ng matinding pasakit, at ang alam niyang tanging makapagbibigay rin sa kanya ng matagal na niyang hinahanap na kasiyahan.
Napailing siya. Mali, Jisoo.
Kahit anong dami ng what ifs. Mali na itapon niya ang isang Jinyong na green flag sa walking red flag na tulad ni Haein.
---
"I'm Jisoo. Ikaw?"
Napasimangot siya nang hindi man lang tinapunan ng tingin ng guwapong nilalang sa harapan niya. Pero sino ba siya? Siya si Jisoo Kim? Ang anak ng kanyang inay na walang inuurungan.
"Pwede ba maupo sa tabi mo..." tanong niya rito. Tumingin ito sa kanya.
"Okay--"
"Forever?" Humalikhik siya. Siya ang kinilig sa sariling pick up line.
Bumuntong-hininga ito. "Bahala ka."
Naupo naman siya sa tabi nito. "I'm Jisoo. You are...?"
Hindi ito nagsalita. Tuloy lang sa pagbabasa ng textbook. Yong iba siguro mahihiya na kausapin ito kasi suplado. Pero lalo lang siyang dumikit dito.
"Alam mo bang pamilyar ka sa akin. Iniisip ko kung saan kita nakita noon." Tumingin ito sa kanya. She grinned again. "Ah! Alam ko na kung saan, ikaw yong future tatay ng mga anak ko!"
Kumunot-noo nito. "Wala ka bang magawa? Magbasa ka na lang kaya."
"Inaantok ako, eh. Kausapin mo na lang ako, kuya na napakapogi."
"Nakakaistorbo ka sa pag-aaral ka."
Napanguso siya. "Ang sungit. May lahi ka ba?"
"What? Wala."
"Meron. You're half fine and half mine. Ayieeeh."
He snorted. Nagulat naman siya saka tumawa habang ito ay pigil na ngumiti na umiiling. Binuksan ang isang libro at inilapit sa kanya.
"Let's review this together."
Para sa kanya. Iyon ang first date nilang dalawa ni Haein. At iyon ang araw na pumasa siya sa on the spot quiz nila dahil nag-review siya kasama ito, she knew he's the one

---
"What happened to us, Haein...?"
A lone tear fell down on her eyes. Agad niya iyong pinalis saka tumingin sa bintana ng kuwarto niya.
He used to be her forever. Pero iniwanan siya nito at mas pinili ang career.
Kanina noong nagtama ang mata nila... bakit mukha itong malungkot? Hindi ba dapata masaya ito? He succeeded. He got everything he wanted.
Napatigil siya. Tumingin sa kamay niya. Hinaplos niya ang daliri kung saan tinalian nito iyon ng dental floss. Ilang taon na pero parang nandoon pa rin iyon sa daliri niya.
Hindi na dental floss ang nakalagay ngayon sa daliri niya. Isa nang kumikinang na singsing mula kay Jinyoung.
Napakagat-labi siya bago hinila ang singsing paalis sa daliri niya. Agad iyong natanggal.
Nakahinga siya nang maluwag. Inabot ang bag at kinuha ang dental floss packet niya. Agad niyang tinalian ang daliri. Napatitig siya.
Saka mabilis na tumayo at lumabas ng kuwarto.
Alam na niya ang kailangan nilang dalawa ni Haein.
-----

Hindi siya lasing ngunit susuray-suray na pumasok si Haein sa loob ng kanyang unit.
Naupo siya sa sofa at tumitig sa kisame. Ang mga mata ay hilam na ng mga luha dahil sa emosyonal na sakit na nararamdaman ng kanyang puso ngayon.
Pagod ang kanyang katawan. Ilang oras din siyang nagpaikot-ikot lang hanggang sa nakita niyang paubos na ang gasolina ng sasakyan niya saka siya umuwi.
Gusto na niyang matulog para pansamantalang mawala ang nararamdaman niya pero kahit pagod ang katawan, gising na gising ng diwa niya.
Kumakapit na lang siya sa kakaunting piraso ng pag-asa pero tuluyan na iyong naglaho kanina.
Napahawak siya sa sintido nang kumirot iyon dahil sa sobrang pagluha.
Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang biglang may nag-doorbell. Napatayo siya. Isip ay ang kapatid na nakita na rin ang engagement announcement ni Jisoo o isa sa mga kaibigan.
Ngunit hindi niya inaasahan ang mabubuksan niya.

----
Jisoo bit her lip and her chest heaved as she stared back at Haein's shocked and full of tears eyes. Para itong nakakita ng aparisyon na hindi makapaniwala.
"You saw me earlier," paos ang boses na sabi niya.
"How did you know where I--" paos din na sabi nito. He cleared his throat. "Y-Yes, I saw you with him."
Lalong dumiin ang diin ng ngipin niya sa labi. "Heejin gave me your address."
"Ah."
"Yes."
And they stood there staring at each other. Searching for something they both are clueless what. Bumuntong-hininga ito.
"Hindi kita iko-congratulate sa engagement mo," puno ng pagdaramdam at sakit na sabi nito.
He's hurting. Good. He fucking deserves it.
"Masakit? Dapat lang sayo," wika niya.
"Jisoo, please," he sobbed as he leaned on the door frame.
"Iniwanan mo ako kahit sabi ko wag mo akong iiwanan."
"At pinagsisihan ko iyon, Jisoo. Habang-buhay kong dadalhin iyon na hinayaan kong mawala ka sa akin."
Tumulo na rin ang luha mula sa mga mata niya. "What do you want from me? Bakit ka pa nagpakita sa akin kanina?"
He chuckled. "Ewan nga ba. Hiniling ko lang naman kanina na sana hindi pa ako huli pero huli na. Siguro pasakit na lang na makita kitang masaya sa iba."
"Am I happy with him?" wala sa sariling tanong niya.
"Are you?"
"What do you want, Haein?" naiyak na rin na tanong niya.
"You." Hindi na siya kumibo nang lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya. "You. I want you, Jisoo..."
"I want closure, Haein."
He sobbed harder. His shoulder sagged and shook. Napaupo siya sa harap nito. Napailing saka sinapo ang mukha nito. Ang mukha ng lalaking nag-iisang minahal niya. Ang taong nagbigay sa kanya ng tunay na kaligayahan. At ang tanging makapagbibigay sagot sa lahat ng mga bakit at paano niya.
"Ang tanga ko," bulong niya rito. "I cancelled my engagement with Jinyoung." Tumawa siya ng bahagya saka iniharap dito ang kamay. "At ang sabi ko pa sa kanya kasi mas gusto ko pa ang dental floss kaysa sa diamond niya."
Tumatawa na umiiyak siya. Haein's face contorted with disbelief and relief.
"W-What?"
"I'll make sure you'll suffer for the rest of your life for leaving me, Haein Jung."
Alam naman ni Jisoo. Maaaring saktan siya ulit ni Haein. Iwanan para sa career nito. Ipinagpalit niya ang isang taong green flag sa walking red flag.
Ngunit kung sa red flag siya sasaya, bakit hindi? Bakit hindi siya susugal?
This is what they need.
Second chance.

-The End-

HaeSoo PlaybookWhere stories live. Discover now