Sun and Moon

329 6 0
                                    

Sun and Moon (HAESOO)

Kindergarten - 5 year olds
Haein saw her first. Tuwing recess, nakaupo lang siya sa isang bench sa ilalim ng puno ng manggahan, doon tahimik na kinakain ang kanyang baon. Nakita niya ang pangalan nito sa malaking name tag. Siya si Jisoo Kim.
Jisoo knew him first. Unang araw pa lang sa school, at nang magpakilala ito sa unahan, siya si Haein Jung. Ang batang lalaki na paborito ng teacher nila at palaging may kasamang mga kaibigan.
Haein wanted to approach her but she's aloof with their other classmates. But when he saw that one of the bullies from grade school pushed her out of the bench one day, he did not hesitate to punched the bigger boy.
He got punched too, and a painful pinch on his back from his mother. But he got to see her smile. And he got to ask her if he can be her friend.
Nakangiti, tinanggap ni Jisoo ang pakikipagkaibigan ng batang lalaki na maraming kaibigan. Akala niya ay Daddy niya lang si Superman. Si Haein Jung ang batang Superman.
Grade 4 - 9 years old
"Sino'ng crush mo?"
Itinigil ni Jisoo ang pagdo-doodle sa likod ng kanyang libro at tumingin sa kanyang mga kaibigan na kasama sa vacant period na 'yon.
"Crush?"
Excited na nagsitanguan sina Yiseo, Shinhye, at Heejin.
"Ewan... wala siguro?" Paano niya iisipin ang crush-crush na 'yan eh, mas gusto pa niyang maglaro ng doll house kaysa makipaghagikhikan na tulad ng mga ito.
"Ako, may crush ako," sabi ni Heejin.
"Ay, kilala ko na," wika ni Shinhye. "'Yong best friend ni Jisoo, 'no?"
Ibinaba niya ang lapis at nakipahalumbaba na rin sa tatlo. Her antennae perking up at the mention of her best friend.
"Crush mo si Haein?" tanong niya rito. Namula si Heejin.
"Ano, 'wag mo sasabihin sa kanya, Jisoo, ah!" nabubulol na sabi pa nito.
Umiling na lang siya. "Pangit ng type mo, Heejin."
Nang gabi na 'yon, katabi niya sa ibaba ng kama niya si Haein. Pinagpapatong nito ang mga legos nito samantalang siya ay inaayos ang kanyang doll house.
"Haein," tawag niya rito. "Sino'ng crush mo?"
Namutla si Haein at nabitiwa ang ginagawa. "May sinabi sa 'yo sina Namjun?"
"Namjun?" Her nose wrinkled at the boy. The stinky boy that he's friends with. "Wala, bakit?"
"Ha? Wala din, bakit?"
Sumimangot siya. "Ang pangit mong kausap."
"At ang ganda mong kausap," sagot nito. Nakatingin pa rin sa kanya kahit nang damputin ang mga legos.
Iniabot niya rito ang maliit na tauhan sa kanyang doll house. "Ikaw ang alagang baby ngayon, okay?"
Haein dropped on his knees and groaned. Malakas na tumawa siya.

Grade 6 - 11 years old
"Congratulations, Haein!" Iniabot ni Jisoo kay Haein ang hawak na bulaklak. "Pinabibigay ni Goeun."
"Congratulations, Jisoo!" Iniabot din nito ang isang pink na bouquet. Tinanggap niya iyon, nakangiti kasi ang ganda ng pagkakaayos niyon.
"Kanino galing?" tanong niya nang wala na itong sinabi.
Nagkibit-balikat ito. "Sa akin."
Ngumiti siya saka sinundot ito sa tagiliran. "Sweet, ah! Alam mong wala akong matatanggap?"
"Wala ka talagang matatanggap kasi binantaan ko lahat ng nagbalak."
"Ano?"
"Wala."
Duda niya itong pinagmasdan. He just looked at her too. Itinuro niya na lang ang bulaklak.
"Ano pa tinutunganga mo? Puntahan mo na si Goeun." Ngumiti siya ng pabiro. "Naks, magkaka-girlfriend na ang totoy namin."
"Shut up." Umiwas ito ng tingin. "Mamaya handaan mo 'di ba?"
"Oo." Itinulak na niya ito palayo. "Isama mo ang girlfriend mo mamaya, ah!"
"Tanga..."
"Ano?"
"Wala, sabi ko wala!"
First Year High School - 12 years old
"Stop pouting," sabi ni Haein. Kinurot nito ang pisngi ni Jisoo nang sa halip na ayusin ang bibig ay mas lalo siyang nag-pout.
"Bakit kasi do'n ka pa sa all boys magha-high school? Akala ko ba hindi mo ako iiwanan, ah?" tanong niya rito.
"Magkatabi naman school natin, eh."
"Eh, bakit nga ayaw mo do'n sa magkasama tayo sa school?"
"Eh kasi po, mas cool school uniform sa all boys--aray! Jisoo Kim, tangina masakit!"
Kinurot niya ito ng mahigpit sa likod. "Ang dami mo nang alaman, ah. Anong cool? Ano ibig sabihin no'n, ah? Mahangin? Malamig?"
"Araayyy!"
Hinuli nito ang kamay niyang hindi nakahawak sa likod nito saka siya hinila. Napatangay siya at tatawa-tawa na inakbayan ito.
"Sabay tayo pagpasok araw-araw, ah," sabi niya.
Siguro masakit ang kurit niya, kasi hindi na ito umimik at iniyakap lang ang braso sa baywang niya saka tumango.
Fourth Year High School - 15 years old
"Sino'ng crush mo, Jisoo?"
Nakatirik ang mga mata ni Jisoo na hinarap sina Jennie, Lisa, at Roseanne. Nasa terrace sila ng bahay nila at nagre-review para sa college exam.
"Uso pa rin 'yang crush na 'yan?"
"Oo, sino nga crush mo?" kulit ni Lisa.
"Si ano, ano? Si Minkyu?" Humagikhik si Roseanne. "Balita namin type ka no'n, eh."
"Sinong Minkyu?"
"Member ng badminton varsity club," sagot ni Jennie.
"Ah! 'Yong nilampaso ni Haein no'ng last game." Tumawa siya ng malakas. "Nakakatawa 'yong loser face niya, ano?"
"Luh." Ngumiti ng kakaiba si Jennie. "Kapag may kinalaman kay Haein, tanda mo agad?"
"'Yong totoo? Alam ko na crush mo," biro ni Lisa.
"Alam ko na rin." Nag-high five ang dalawa.
"Speaking of," sabi ni Jennie at may inginuso sa labas.
Pagtingin niya ay si Haein na nasa may gate na. Lumapad ang ngiti niya, kinawayan ang kaibigan, saka tumayo at sinalubong ito.
"Ano 'yan?" tanong niya sa dala nitong plastic.
"Halo-halo. Baka lang gusto n'yong magmeryenda," sagot nito.
"Ah, oo. Gutom na nga ako." Kinuha niya ang plastic at napansin na bukod sa halo-halo ay may camote cue na kasama. Sinamaan niya ng tingin ito. "May nililigawan ka ba sa mga kaibigan ko?"
"Ha?" gulat na bulalas nito.
"Kanino itong kamote?"
Pinitik nito ang noo niya. Hindi naman masakit pero lalo niyang sinamaan ito ng tingin.
"Para kang sira. Sa 'yo rin 'yan." Tumikhim ito. "Alam kong paborito mo 'yan."
Kinagat niya ang ibabang labi. Mood lifting up. "Okay."
Haein smiled back at her. His hand reached out and brushed away some of her bangs that are poking her in the eyes.
"Thank you."

HaeSoo PlaybookNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ