PROLOGUE

7.5K 153 23
                                    

Prologue

             TERRENZ was busy packing the important things inside his bag when he heard the sounds of his phone ringing. He immediately grab it, he answer the call.

"All sets?" He asked.

"Yes, Terrenz. How 'bout you? Are you ready?" Tanong naman nito.

He blew a loud breath. "I'm always ready," he answered.

Mabilis niyang isinukbit ang bag sa kaniyang likuran matapos niyang patayin ang tawag. Humarap siya sa human size mirror at sinipat ang kaniyang itsura. Black jeans, black shirt, black cap, black gloves, combat shoes, and black mask down on his neck. Matapos masiguradong ayos ang kaniyang suot ay mabilis ang kaniyang mga kilos na lumabas ng apartment.

Nang tuluyang makalabas ay agad niyang namataan ang sasakyan nasa gilid ng kalsada. Nakasandal doon ang lalaking naka-pulang sumbrelo. Maangas ang pormahan.

Sumilay ang mapag-larong ngiti sa kaniyang mga labi. Matapos makalapit ay agad niyang kinamayan ang binata.

"Nice outfit." Puri niya ngunit may halong sarkasmo ang lumabas sa bibig niya.

"You too." Balik puri nito, katulad din ng sa kaniya, ay may sarkasmo din iyon. Natawa na lang ang huli.

"I'll drive the car. Prepare your hacking machine," aniya.

Mabilis siyang pumasok sa driver seat, habang ang kaniyang kaibigang si X ay doon naman sumakay sa backseat.

He drive the Chiron car in a fast pace. Walang pakialam sa mga sasakyang dumaraan. He's good at driving, cars isn't a problem to him.

"I already get the blueprint, T," pukaw nito sa atensyon niya.

Umangat ang tingin niya sa rearview mirror at doon ay nakita niya ang binatang abala sa pagtipa ng computer nito.

"They have a lot of CCTV," X muttered, "don't worry, i'll hack them for you."

Ipinarada niya ang sasakyan hindi kalayuan sa bahay na pagnanakawan nila. It's his mission recieved from his boss. He can't just ignore him. Ito ang nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. Malaki ang utang na loob niya dito, kaya nangako siyang susundin ano man ang ipag-utos nito.

Kahit pa masama ay pinatos na niya. Ang pagnanakaw ay hindi na bago sa kaniya. He was just 9 years old back then, young and innocent, wala pa siyang kamuang-muang sa mundo. Isa sila sa maharlikang pamilya noong panahong iyon. Marangya at maganda ang buhay, ngunit sa isang iglap. Nang mamatay ang kaniyang magulang, sa isang car accident. Nagbago ang lahat. Nawala ang kanilang karangyaan, at naging isa silang palaboy sa daan.

Tanging ang boss lang niya ang nag-kusang loob na kupkopin siya. Tinuruan ng martial arts, hanggang sa maging bihasa. Simple lang dati ang pinagagawa sa kaniya ng boss. Hanggang sa magka-edad at magka-isip tinuruan na siya nitong magnakaw sa malalaking bahay.

Ilang taon na ba siya sa ganitong sitwasyon? God! Now he was 28 years old.

"I'm going inside, X. Don't forget the CCTV." paalala niya sa kaibigan.

"Don't worry, i wont forget about that, T." X said with a smirked.

Nairapan lang niya ang kaibigan bago siya lumabas ng sasakyan. Magaan ang bawat pagbagsak ng kaniyang paa sa sementadong daan, kahit pa nga mabigat ang kaniyang suot na sapatos.

"The guards roaming around, careful, T." bulalas ni X doon sa naka-kabit sa kaniyang tainga na konektado sa binata.

"Don't mind them. I can kill them all, if they stand in my way." pabiro pa niyang turan.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now