CHAPTER 41

1.3K 74 13
                                    

Chapter 41

            HIRAP NA HIRAP si Carlosz sa kaniyang posisyon. Naka-luhod siya habang naka-dipa ang kaniyang dalawang kamay na naka-tali ng kadena. Hindi niya ginagalaw ang kaniyang sarili, mas pinili na lang niyang 'wag sayangin ang natitirang lakas sa kaniyang katawan.

Nangingirot at sumasakit ang kaniyang katawan dulot ng mga pasa natamo niya. Nangangalay na rin ang kaniyang mga braso sa magdamag nitong naka-dipa.

Nakapikit ang kaniyang mga mata kahit sa loob-loob niya ay sobra-sobrang galit ang kaniyang nararamdaman. Kinalma niya ang kaniyang sarili kahit kagabi pa niya gustong mag-wala. Dahil kagabi parin niya napapakinggan ang speaker na iniwan ng mga iyon, na ang paulit-ulit lang tumututog ay ang sigaw ni Terrenz sa sakit na nararamdaman nito.

Hanggang ngayon na umaga na ay hindi parin pinapatay ng mga iyon ang speaker. They keep on torturing him with Terrenz shouting and pleading in pain voice.

Narinig niyang nagbukas ang pinto. Pinanatili niyang naka-sarado ang kaniyang mga mata, dahil alam naman niyang ang pumasok ay walang iba kundi ang dimonyo. Lalo't malayo pala amoy na amoy na niya ang masansang nitong amoy.

Marami ang yabag na naririnig niya. It could be, the demon and the little demon.

"Time to wake, Morgan." Ani Rex.

Naramdaman na lang niya ang malamig na tubig na bumuhos sa kaniyang katawan. Nanginig ang kaniyang katawan sa lamig na dulot niyon.

Masama ang kaniyang mga titig na iminulat niya ang kaniyang mga mata. Matapos mamulat, sa isang tao lang tumuon ang kaniyang pansin.

"Terrenz...?" mahina at animo'y bulong na sambit ng kaniyang bibig.

Gulat si Terrenz na naka-baling sa kaniya. Makikita ang awa sa mga mata nito, ang samu't saring emosyon na namumutawi sa kaibuturan at hangganan ng mga mata nito. Namamaga at makikita ang itim sa ilalim ng mata nito.

Tumuon ang kaniyang mga mata sa pasa sa gilid ng labi nito. Animo'y lahat ng kaniyang dugo ay umakyat sa kaniyang ulo.

Tumayo siya sa pagkakaluhod. "What did you do him? Why do you hurt, Terrenz! Fuck you, Rex. Fuck you." He cursed. Animo'y isang mabangis na lobong nagwala siya sa pagkakatali. Sinusugod ang mga taong kinagagalitan ngunit hindi niya magawa. Mahigpit ang pagkakatali ng kaniyang kamay at mga paa. Tanging ilang pulgada lang ang nagagawa niyang marating.

Isang mapang-asar at mala-dimonyong halakhak ang pumuno sa silid. Nagmula iyon sa lider ng mga dimonyo.

Nakita niyang inakbayan ni Rex si Terrenz habang humahagalpak ito ng tawa. "See your lover? He look like a stupid."

Walang nagawa si Terrenz kundi ang ikuyom ang kaniyang kamao at balutin ng galit ang kaniyang buong pagkatao. Wala siyang posas o tali sa kamay. Ito na ang magandang paraan upang mapatay niya si Rex at mapalaya si Carlosz pero batid niya ang magiging kapalit kapag ginawa niya ang mga bagay na iyon. His sister's life. Kung palalayain niya si Carlosz ang kapatid naman niya ang mabibingit sa kamatayan.

Kaya kahit gustong-gusto niyang pumatay kahit isa lang sa mga dimonyo, ay mas pinili niyang mag-walang kibo. Manahimik at kimkimin ang galit dito sa kaniyang dibdib. Ikuyom ang kamao ng ubod higpit na anomang oras ay handang manuntok hanggang malagutan ng hininga.

"You know what Carlosz? Para kang nanay ko, talakera. Why don't you just enjoy the moment. Umagang-umaga, baka gusto mo munang mag-almusal?" bawat bitaw na salita ni Rex ay mapang-asar.

"Fuck you, Rex." nag-tagis ang bagang ng binata sa galit na nararamdaman nito.

Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan si Carlosz. Ang lagay nito ngayon, bawat parte ng katawan nito ay sinusuri niya.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganOù les histoires vivent. Découvrez maintenant