CHAPTER 17

1.7K 82 7
                                    

Chapter 17

           PAIN! ang sakit na dinadala ni Terrenz sa loob ng kaniyang dibdib. But he couldn't do anything to lessen the pain. Hangga't nakikita niya si, Carlosz, na may dinadala itong iba't ibang dalaga sa loob ng bahay nito, hindi mawawala ang sakit dito sa loob ng kaniyang dibdib.

Bakit siya nasasaktan? Because his heart chose to fall inlove with lunatic who only know how to strike his heart, painfully.

God! Napasambunot siya sa sariling buhok. He was so frustrated every passing minutes. Tinabunan niya ng unan ang kaniyang mukha at doon ay malakas na sumigaw.

Pa'no ba naman kasi niya magagawang makatulog? Kung alam niyang narito siya sa iisang bubong kung saan naroon din ang taong walang ibang ginawa kundi ang saktan ang kaniyang damdamin!

Fuck!

Ilang oras lang siyang narito sa kaniyang silid, habang naka-higa. Bumangon siya dahil hindi niya magawang maka-tulog. Maybe he need to drink. He needed to get drunk. Iyon lang ang paraan para kahit sa konting saglit malimutan niya ang dahilan.

Tinungo niya ang kusina matapos niyang makalabas ng silid. Kumuha siya doon ng alak bago siya pumihit paharap upang mag-tungo naman sa garden.

Napapitlag pa siya sa gulat ng makita niya ang binata na nakatayo sa kaniyang harapan. Mukhang tapos na nitong pagparaos sa babae nito.

Kusang napatungo ang kaniyang ulo at nilampasan ito. Hindi pa siya nakaka-alis ng hawakan nito ang kaniyang kamay, humarap at hinapit siya nito.

Ang mga titig ay matiim, mabilis din ang pag-hinga. Seryoso ang mukha.

Napalunok siya dahil hindi niya maalis ang titig niya sa binata. Parang nahihipnotismo ang kaniyang mga mata na mas pakatitigan pa ito.

Salita? Iyon ang hindi niya nabanggit. Ni isang salita ay walang lumabas sa kaniyang bibig.

Nakita niya ang pagbaba ng mga mata ni, Carlosz, sa kaniyang mga labi. Tila nanunuyot ang kaniyang lalamunan sa paanong paraan ng pagtitig nito sa kaniyang mga labi. Napapalunok siya, gusto niyang umatras ngunit yakap siya nito.

Fuck!

Nakita niyang unti-unting bumababa ang mukha nito hanggang sa malapit na nitong mahalikan ang kaniyang mga labi.

Isinisigaw ng kaniyang puso na matuloy ang halik, ngunit pigil naman ito ng kaniyang sarili. Pagod na siyang maging marupok, pagod na siyang lagi na lang mahina.

Tinulak niya ang binata palayo sa kaniya dahilan para magkaroon ng distansya ang pagitan nilang dalawa.

"Stay away from me, Carlosz." Matatag niyang sagot.

Muli na siyang pumihit patalikod ngunit mabilis din naman nitong nahagilap ang kaniyang kamay at hinapit siya nito palapit dito.

Sinapo nito ang kaniyang magkabilang pisngi at doon ay dumukwang at inilapat ang kaniyang mga labi sa labi nito.

Pilit niyang itinutulak palayo ang binata ngunit sa bawat pag-tulak niya ay ang mas lalong pag-higpit ng hawak nito sa kaniya.

Naging desperado ang halik ng binata sa kaniyang mga labi. Puno ng pagnanasang halik ang binabato nito sa kaniya.

Muli niyang tinulak ito palayo, dahil kung kaniyang muling pahihintulutan siya na naman ang talo. Siya na naman ang masasaktan.

Ngunit sa bawat pagtulak niya, ay siyang pagdiin naman ng mga halik nito sa kaniya. Hanggang sa ang kaniyang mga tulak ay nagmistulang hinamas sa dibdib nito. At ang naka-tiklop niyang bibig ay kusang gumalaw at tinugon ang mga halik nito.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang