CHAPTER 5

2.2K 95 2
                                    

Chapter 5

            BUSANGOT ang mukha kuno't ang noo. Ito ngayon ang ang makikita sa mukha ni Terrenz, narito siya sa labas ng gate ng bahay ng pulis habang hinihintay ang pagdating ng in-order itong pagkain.

Mas lalo tuloy siyang naiinis habang naiisip ang mga nangyare kanina.

Siya na nga itong bumili ng pagkain base sa gusto nito, at talagang nagmadali pa siya kahit kumokontra ang kabilang panig ng isip niya. Matapos maka-bili, ay magandang isinalansan niya ang mga biniling pagkain sa lamesa dito sa dining room upang makakain na ang kaniyang mahanging manyak na boss.

Matapos iyon ay inalalayan pa nga niya ito hanggang sa makarating sa dining room, pero ng mapagmasdan nito ang pagkain ay blangkong tumingin sa kaniya.

They even quarrel about the food he bought. Bakit daw siya bumili ng pagkaing mahalang ay hindi naman daw nito gusto ang pagkaing iyon.

Napatulala na lang siya at sinabing; hindi naman nito sinabi kung anong pagkain ang hilig nito. Nasabi niya rin na nalaman niyang paborito nitong pagkain ay mahanghang.

Hindi lang niya alam, na iyong pagkaing iyon pala ang pinaka-ayaw nito. Ayaw nito sa pagkaing mahalang pero bakit iyon ang nakalagay sa impormasyon nito? Did he just lied to the media? Na iba naman pala talaga ang pagkaing gusto nito.

Isang malakas na busena ng kotse ang gumising sa natutulog niyang diwa. Nakapara na pala ang isang magang kotse sa kaniyang harapan, hindi pa niya nalalaman sa lalim ng kaniyang iniisip.

Mc Laren, ang kotseng nakaparada, base sa kaniyang kalkulasyon ay mamahalin din ang sasakyang ito. $300,000+, he bet.

Grabe, hindi niya magawang maiwas ang tingin sa mga magagarang sasakyan, parang gusto tuloy niya itong holdap-in upang maimaneho lang niya kahit konting saglit.

Naputol ang kaniyang pag-iisip ng lumabas ang may-ari ng sasakyan. Tall, maybe 7 ft. Masculine body, handsome, just like a woman worth to die for.

May bitbit itong pagkain, tumuon ang titig nito sa kaniya bago nag-tanggal ng shade na suot. Talagang pati pag-tanggal ng shade ay siniguradong perpekto. Maangas na maangas ang dating nito, pero hindi maikakaila na mas guwapo parin sa kaniyang paningin si Carlosz, kahit pa nga puno ng benda ang buong katawan nito.

"Are you, Traven? Carlosz servant?"

Naningkit ang kaniyang mata sa tanong nito. Servant? Sa guwapo niyang ito servant? Fuck! Wala din nga siyang balak maging driver lang, kung wala lang sana siyang misyon.

"I'm not his servant, i'm his driver," he corrected him.

"Driver, i see." Napatango-tango pa ito. "Pass this to your boss, sabihin mo marami na siyang utang sa'kin! Bayaran na niya kung hindi kukunin ko ang Buggati Chiron niya as a payment." Ngumiti ito bago umalis.

Nagpakawala na lang siya ng buntong hininga. Alam naman niyang nagbibiro lang ito. Ang mahal-mahal kaya ng buggati chiron, hindi naman siguro ganoon kalaki ang magiging utang ng boss niya kung saka-sakali.

Pumasok na siya sa loob hanggang sa marating niya ang dining room kung saan doon niya iniwan ang binata. Pabagsak niyang inilapag ang pagkain sa lamesa.

"Here's the food you ordered." Akmang aalis na siya upang iwan, pero nagsalita ang binata.

"How can i eat that? Alam mong hindi ko kayang igalaw ang kamay ko, pa'no ko makakain 'yan?"

"Then use your left hand." Aniya.

"I don't know how to use left hand, kaliwa ang nakasanayan kong gamitin. Tsaka medyo nabalian na rin ito kanina." anito, "are you helping me or not?!" angas pa nitong dugsong.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon