CHAPTER 1

4.2K 120 54
                                    

Chapter 1

             "FUCK!" panay ang ginawa ni Carlosz na pagmumura ng makita ang labi ng mga tauhan ng, Romualdez. Marami ang namatay, at iilan lang ang nakaligtas. Narito sila upang imbestigahan ang kaso. At malaman kung sino ay may sala sa mga nangyareng ito.

Habang binabalot ang mga labi, ay hindi niya mapigilan ang mapatingin sa tama ng bala ng mga namatay. Lahat ng iyon ay sa ulo ang tama, doon palang ay batid niyang mahusay sa larangan ng pagkalabit ng gatilyo ang kung sinomang pumatay sa mga ito.

"Sir, Romualdez house, all clear, wala kaming nakitang ni isang bangkay na maaring pumatay sa mga tauhan ng, Romualdez, maaring magaling ang mga nagnakaw sa Black diamond, na pag-aari ng pamilya." Ani ng pulis na kasamahan din niya.

Napatango-tango lang siya.

Nilapitan niya ang mag-asawang Romualdez na grabe ang pag-tangis sa nanakaw na dyamanteng alam niyang nagkakahalaga ng malaking pera. Bukod doon ay ito rin ang treasure na pinaka-iingatan ng dalawa.

Nag-usap sila ng mag-asawa bago niya napag-pasiyang tapusin ang pag-i-imbestiga.

Matapos ang imbestiga ay napag-pasiyahan na nilang umuwi dala ang mga bangkay ng mga namayapa. Kailangan pa itong ipaalam sa mga pamilya ng mga gwardyang namatay...

Nahilot niya ang sariling sentido ng bahagyang manakit iyon. Kanina pa laman ng kaniyang isip kung sino ang may sala sa pagnanakaw. Bukod sa mga memorya niya ng mga namatay, talagang ulo ang tama ng mga iyon. Animo'y tinantiya pang mabuti bago kalabitin ang gatilyo upang masigurong sa ulo tatama.

Ngunit sa isip niya ay hindi ganun ang pangyayare. Batid niyang talagang mahusay ang kalaban pag-dating sa paghawak ng baril. Mas lalo tuloy siyang nagiging interesado sa kalabang iyon.

Magiging mas magaling kaya ito sa kaniya, kung saka-sakali? He just smirked at that moment. Not even in his dreams.

Siya ang pinaka-magaling sa larangan ng paghawak ng baril. Hindi man siya naka-tingin ay alam niyang lahat ng bawat kalabit niya ng gatilyo ay paniguradong may tatamaan ng balang lalabas doon. Asintado kung tawagin.

Namulat siya sa realidad ng marinig niya ang ilang katok na nanggagaling sa labas ng pinto ng opisina niya.

"Come in." he said.

Pumasok naman ang pulis niya. "Sir, here's today's report, sa nangyare sa Romualdez house at sa mga gwardyang nagbantay doon." Matapos maiabot sa kaniya ay agad din naman itong lumabas.

Base sa report, iisa lang daw ang nanghimasok sa lugar. Mga 6 ft, ang height, tama lang ang katawan, makapal ang kilay at may nakakatakot ng mga titig. Isa rin itong lalaki. Iyon ay ayon sa mga gwardyang nabuhay.

Nailapag niya ang report bago niya isinandal ang kaniyang likod sa swevil chair. Pinaikot niya ito pabalik-balik. Malayo ang tumatakbo sa kaniyang isipan.

So there's only person behind the guard's death? Who is he?

Muling pumasok sa kaniyang isip 'yung mga tama ng bala sa ulo ng mga gwardya. Hindi niya maiwasang mapa-iling sa galing ng lalaking iyon umasentado ng papatamaan. Talagang sineguradong sa isang putok ay patay agad.

Seems so interesting. Kung sino man siya, i will not spare his life. I'll kill him...

Kina-umagahan ay maagang nakapag-bihis si Terrenz, wala pa siyang gaanong pahinga ng muli siyang ipatawag. And he bet that, it maybe some mission for him. God! He's tired of being like this. But no other choice.

Hindi naman siya pwedeng sumuway, kapit siya sa leeg ng kaniyang amo, gagalaw siya hangga't kung kelan nito gusto. Susunod siya at hindi siya pwrdeng tumanggi.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon