CHAPTER 59

1.7K 86 3
                                    

Chapter 59

          NAGHATI SA DALAWA ang mga pulis. At sa dulo niyon ang lalaking hindi niya inaasahanang naroon habang may hawak na bugkos ng bulaklak. May tangan itong isang piraso ng pulang bulaklak na kagat-kagat nito.

Tinanggal nito ang sunglass nitong suot at doon nag-tama ang tingin nilang dalawa.

"General police, Carlosz Morgan!" sigawan ng mga pulis na nag-hawi upang makita niya ang binata. Sabay-sabay pang sumaludo ang mga iyon.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. What the hell is happening?

Ganun pa man ay malakas ang tibok ng kaniyang puso. Malakas ang kalabog nito sa kaniyang loob.

Maangas at guwapong-guwapo siya dito ng magsimula itong humakbang palapit sa kaniya. Nagbababa ng kamay ang mga pulis na nalalampasan ng fiancee niya.

Nablangko na yata ang kaniyang isip. Up until now, he don't what is really happening. Like the fuck!

Mas lalong lumakas ang kalabog ng kaniyang dibdib ng makalapit ito sa kaniya. "may i." inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan.

Kunot man ang kaniyang noo at wala sa kaniyang sarili. Inilapat niya ang kamay sa palad nito. Inalalayan siyang makatayo ng binata.

Binigay nito sa kaniya ang tangan na bulaklak sa bibig.

"I'm so happy to meet you, be with you, together and forever with you. As a policeman, you're lover. I will always do my best to keep you safe. Kahit batas handa kong kalabanin mailigtas ka lang. Ngayong araw na ito. Gusto kong klaruhin ang lahat at gawing totoo ang ating relasyong bilang ikakasal."

Naguguluhang kusang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Ang mga samu't saring emosyon na lumukob sa kaniyang pagkatao. Natutop niya ang kaniyang bibig sa mga salitang binibigkas nito. Ang galak sa kaniyang puso ay walang mapag-sidlan. Inabot naman nito sa kaniya ang bugkos ng bulaklak na malugod naman niyang tinanggap.

"Alam kong natatandaan mo parin 'yung mga panahong nag-proposed ako sa'yo, using cheap and fake ring. Nangako din ako sa'yo na kapag naka-alis tayo sa lugar na iyon. Gagawin kong totoo ang singsing. At iyon ay masusuot mo lang, kapag sumagot kana ng oo sa itatanong ko sa'yo. Sila ang magsisilbing witness ng pagmamahal ko sa'yo."

Lumuhod ito sa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang mga kamay. Namimilog ang kaniyang mga matang pinagmasdan lang ito. Muling pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. But this time, it's not a tears of fear, sadness or betrayal. It's a fear of happiness and joy.

"Terrenz, T, darling. Alam kong sinagot mo na ako noong minsang tanungin kita. Pero gusto kong marinig muli mula sa bibig mo ang sagot sa tanong ko."

Carlosz paused for a minute and loudly let out a hard breathe.

"Will you marry Carlosz Morgan and be with him forever? Until earth collapse?" binuksan nito ang maliit na box at doon sumilay ang magandang singsing sa tuktok niyon ay may dyamanteng hugis dahon.

He just sobbed and continue sobbing. Speechless. Hindi niya magawang makapag-salita. Nilukuban siya ng samu't saring emosyon. He felt so fucking glad. So fucking happy. Napatango-tango na lang siya.

"Say it, darling. I want to hear it."

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Yes, Carlosz. I do. I want to marry you. I want to stay by your side, forever. I want to be your last, yeah. Until earth collapse."

Nakita niya ang saya sa ningning ng mga mata ni Carlosz. "Fuck! Fuck! Ang sarap sa pakiramdam!" halatang sayang-saya ito sa kaniyang sinagot.

Kinuha nito ang singsing at isinuot sa kaniyang daliri. Well fitted ang singsing sa kaniya. Tama lang ang pagkakasukat.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now