SPECIAL CHAPTER

1.8K 84 15
                                    

Special Chapter: Carlosz's fight!

          PANSIN NI Carlosz na parami ng parami ang kaniyang mga nakakalaban. He keeps on cursing every fucking minutes. Kailan ba mauubos ang kampon ni Satanas?

Pinuno niya ng bala ang kaniyang baril.

Baril doon at iwas dito. Iyon ang kaniyang mga ginagawa sa buong laban. Medyo nakakapagod na rin ngunit kailangan niyang tapusin ang lahat.

He keeps on shooting and shooting.

Napapatago siya sa tuwing may magpapa-putok sa gawi niya. Ganting pagpa-putok naman ang kaniyang ginagawa. At sinisiguro niyang lahat ng bala ng baril niya ay hindi nasasayang. Tumatama iyon sa mga kampon ng dimonyo.

Ganun lang ang kaniyang mga ginawa habang hinahanap niya si Hitler.

He cursed when he is about to run out of bullet. Ibinaril niya sa mga susugod sa kaniya ang natitirang bala. At ng maubos ay mabilis niya itong tinapon.

"'Wag kang kikilos ng masama. Sasabog sa ulo mo itong baril." anang boses matanda sa kaniyang likuran. At batid niyang iyon ay walang iba kundi si Hitler.

"Men!" malakas na sigaw ni Hitler.

Mabilis na naglabasan ang mga kampon ng dimonyo. Pinalibutan siya ng mga iyon at ang mga baril ay naka-tutok sa kaniya.

"Wala kanang kawala ngayon, Mr. Morgan!" anang matanda. Narinig niya ang malakas na putok ng baril at tumama iyon sa ibaba ng kaniyang tuhod. Napa-luhod ang isang ang isa niyang paa na tinamaan ng baril.

He grunted in so much pain. But he didn't show, kahit katiting na takot. Walang takot na lumulukob sa kaniyang pagkatao kahit alam niyang napalilibutan na siya ng mga iyon. At batid niyang anumang oras ay maari siyang patayin ng mga iyon.

Humarap sa kaniya ang matanda.

"Dapat una palang pinatay na kita, pero sa kagustuhan ni Rex na gantihan at paglaruan kayo, hinayaan ko siya. But now, i don't think kaya pa kitang panatilihing buhay." anang matanda na malaki ang pagkaka-ngisi ng mga labi. Ang mala-dimonyo nitong ngiti.

"You can kill me now. 'Wag mo'kong hayaang mabuhay muli. Dahil kahit saan kang impyerno tumira," naging mapanglisik ang kaniyang mga tingin. "Susundan kita upang patayin."

Sarkastiko ang malakas na pag-tawa ng matanda. Tinutok nito ang baril sa kaniyang harapan. Nanatili siyang naka-tingin dito at hinintay na kalabitin nito ang bala.

He felt sorry for Terrenz. Mukhang hindi na niya matutupad ang pangako niya dito.

"Boom." anang matanda pagkatapos ay malakas na humalakhak. "You look scared, Morgan. Nakakatawa ang ekspresyon ng mukha mo."

He smirked. "You're face is much more funny, Hitler. You fucking old man."

Umere ang baril nito at tumama sa kaniyang mukha ng malakas dahilan para mapabaling ang mukha niya sa kabilang direksyon. Ramdam niya ang malansang likido sa gilid ng kaniyang labi na mabilis niyang pinunasan.

"That's all you've got, old guy?" he said then softly chuckled.

"Matapang ka parin kahit nasa bingit kana ng iyong kamatayan. I admire you, Morgan. May tapang ka, sayang nga lang kung madadala mo lang sa kamatayan." anang matanda. "Anyways, i don't want you to end like this. Gusto kitang bigyan ng pantay na laban. Kapag napatay mo si, X. Papalayain na kita, but if not, you will be killed by his own hand."

Lumapit sa kanila ang nakatayong si X. "That's what i like it. Matagal ko ng balak i-hand to hand combat, si Mr. Morgan." anito na nilalaro ang kutsilyo sa kamay nito. "Magaling daw siya sa mga bagay na iyon, gusto ko lang subukan."

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now