CHAPTER 14

1.8K 84 5
                                    

Chapter 14

           "YUKO!" MALAKAS niyang sigaw na sinabayan na rin niya ng pag-yuko ng makitang maglabasan sa itim na SUV ang mga kalalakihan armado matapos silang pagpuputukan.

"Fuck!" Rinig niyang sigaw ni Carlosz, ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa putukan.

Mabilis ang bawat putukan ng mga baril na nagaganap. Tumatama ang iba sa salamin ng sasakyan dahilan para mabasag ang salamin niyon. Ang iba naman ay tumatama sa sasakyan.

Nanatili sila sa loob ng sasakyan hanggang sa matapos ang putukan at marinig nila ang pag-andar ng papalayong SUV.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng backseat at lumabas doon si Carlosz. Nagpaputok ng mga ilang sunod sa papalayong SUV hanggang sa tuluyan na iyong makalayo.

Binuksan niya ang pinto at lumabas din, bumaling agad ang tingin niya sa binata direto sa kanang braso nito. Umaagos ang dugo doon.

Mabilis siyang nag-panic, hindi malaman ang labis niyang pag-aalala. "Carlosz, may tama ka."

Lumapit siya dito at ng akmang hahawakan niya ang sugat nito ay tinabig nito ang kamay niya. "Daplis lang." Malamig nitong sagot. "Let's go, home. Ako na lang ang mag-rereport ng nangyareng ito, tomorrow."

Kahit basag-basag na ang sasakyan ay iyon parin ang kanilang ginamit hanggang sa makarating sila ng bahay nito. Dire-diretso sa pag-labas ng sasakyan ang boss niya, malalaki ang hakbang hanggang sa makapasok sa bahay nito. Diretso sa loob ng kwarto.

Naiwan naman siya dito sa loob ng sasakyan, iniisip kung sino ang umatake sa kanila kanina.

Alam niyang hindi aatake ang boss niya, alam niyang hindi ito mag-uutos na ipapatay si Carlosz lalo't may misyon pa siya. Alam din niyang hindi siya ipapapatay ng boss niya, lalo't siya ang isa sa paborito nito.

Carlosz was a policeman, alam niyang maraming galit sa binata. At natitiyak siyang isa ang mga sumugod sa kanila kanina. Hindi na siya magtataka kung bakit sila sinugod.

Parang ngayon palang ayaw na niyang umalis sa tabi nito, upang kahit pa'no ay magawa niyang tulungan ang binata sa pagpatay sa mga balak pumatay dito.

'Yun nga lang, pa'no kung ang boss na niya ang magpapatay sa binata tulad ng huling misyon niya. Handa kaya niyang patayin ito? O kumampi dito at labanan ang sariling boss?

He can't do that! Totally can't. Hindi niya magagawang talikuran ang nagpalaki sa kaniya, kaya kung dumating na ang araw na iyon. He has no choice but to kill than to be killed.

Siguro ngayon, susulitin na lang niya ang araw na ito, hangga't hindi pa natatapos ang misyon niya.

Lumabas siya ng sasakyan hanggang sa makapasok sa loob. Hindi siya mapakali, alam niyang sa loob ng isa sa mga kwartong ito, naroon ang binata. Na umaagos ang dugo sa braso.

Damn!

Mabilis niyang kinuha ang emergency kit dito sa loob ng bahay bago niya pinuntahan ang kwarto nito.

Pinihit niya pabukas ang pinto. Luckily the door opened.

Pumasok siya sa kwarto, isang pares ng mata ang malamlam na tumitig sa kaniya. "Why are you here?" He asked coldy.

Naka-hubad ng damit ang binata, naka-kalat ang damit nito sa sahig. Tumuon ang kaniyang mata sa braso nito. Umaagos parin at hindi naampat ang dugo niyon.

"Let me clean your wounds." Lumapit siya dito at umupo sa gilid ng kama tulad ng upo nito.

"I don't need your help, i can handle myself."

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now