CHAPTER 20

1.7K 93 2
                                    

Chapter 20

          "ANO?" tanong niya na medyo kinakabahan.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya na animo'y napaso siya.

"Uhmm...join me, inom tayo." anito.

"I'm sorry, boss, hindi ako umiinom eh." Pagdadahilan niya. Huli na ng malaman niyang alam nga pala nitong umiinom siya.

Last time kasing mag-iinom siya. Hinarangan siya nito at doon naganap ang mainit na pagtatagpo.

"Don't lie, Traven, i know you're drinking." anito na ikinahiya naman niya. "gusto mo bang isa-isahin ko pa sa'yo kung pa'no ko nalaman?"

Napalunok siya sa tinuran ng binata. Bahagyang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Parang gusto nitong mag-wala sa pader na kinababakuran nito.

"Uhmmm...sige, magbibihis lang ako." Pag-payag niya kahit medyo nakakahiya dito. Magsisinungaling lang siya, e 'yung mabubuko pa.

"Sa salas tayo, inom. I'll wait for you there. After i take a bath."  malamyos nitong tinig na animo'y may pakahulugan sa sinasabi nitong maliligo lang ito!

As long as he remember, sa bathroom nito, sa loob ng shower room, doon naganap ang kanilang unang paggawa ng kasalanan.

Nakakahiya mang balikan ang mga tagpong iyon. Sa loob ng shower room. Fuck!

Naaalala parin kaya nito ang nangyare sa'min sa loob ng shower room? Biglang tanong niya sa kaniyang sarili. Ipinilig na lang niya ang ulo sa mga iniisip.

Napatango-tango na lang siya bago sila nag-hiwalay ng landas na pupuntahan. Siya sa loob ng kwarto niya at ito naman sa loob ng kwarto nito.

Pagkapasok palang niya ay dibdib agad ang unang nasapo niya. Sobrang bilis kasi ng pag-tibok niyon, lalo na't kapag binabalik-balikan ang malamyos at nakaka-akit nitong tinig, na nagsisilbing musika sa kaniyang pandinig.

Fuck! Ano na naman ba ito? Stop it now, Terrenz! Hindi ikaw ang gusto niya! Isiksik mo 'yan sa makitid mong isip! Pagalit niya sa kaniyang sarili.

Ganun pa man, hindi na niya pinansin kung bakit naging mabilis ang kaniyang pagkilos.

Habang nasa loob ng shower room, hindi na niya alam kung ilang oras na siyang naroon. Maybe almost 2 or 1 hour? He didn't know.

"Fuck! This is the 8th time i scrubbed myself with soap!" Sa isip-isip niya.

Grabe! Hindi na niya namalayan na pangwalong beses na pala niyang sinabon ang sarili. Bakit nga ba? Anong dahilan?

Mabilis niyang binanlawan ang katawan habang napapa-iling. Kinuha niya ang shampoo, nagtaktak sa palad at nilagay sa kaniyang ulo.

Huli na ng kaniyang malaman na pang sampong beses na niyang kinuskos ng shampoo ang kaniyang ulo.

"Fuck!" Frustrated na sigaw niya. Tila aligaga ang kaniyang sarili sa pagliligo.

Baka bukas-bukas mapanot na ang kaniyang buhok, sa dami ng beses niyang nakapag-shampoo.

Mabilis niyang binanlawan ang ulo hanggang sa wala ng bulang makikita doon. At wala ng lagkit na mararamdaman.

Kinuha niya ang kaniyang toothbrush at akmang lalagyan niya iyon ng colgate ng kaniyang mapag-tanto na pa labindalawang beses na siyang nakapag-toothbrush. "Argh!"

Muli niyang ibinalik, napatitig sa mouth wash na akmang kukunin ngunit napag-tantong pa lima na niyang mouth wash ito!

Naiiling na kinuha niya ang tuwalya at tinuyo ang kaniyang sarili. Why did he felt tense? Na pati sa pagliligo ay dala niya? God!

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now