CHAPTER 8

2K 87 1
                                    

Chapter 8

         "ANONG sabi ng Doctor?" Agad na tanong ng driver niya.

And he need to use his lying skills. "The doctor said, my knees got severly injured. Kailangan pa ng test sa susunod na linggo, at hindi pa ito pwedeng tanggalin. Masakit parin ang paa at kamay ko. So you need to take care of me for just a li'l longer," he said in a serious voice and looks.

Terrenz just heaved a deep sighed, then he continue driving.

Just a couple of minutes, they finally arrived. Thanks to his amazing driver. Talagang nilipad ang kahabaan ng daan.

"Help me," utos niya dito ng akmang lalabas ito. Hindi ito nagsalita, alam niyang susundin nito ang ipinag-uutos.

Umikot ito sa kabila. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat at inalalayan nito siya sa paglabas hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay.

Masyado yata siyang dikit sa binata. Amoy niya ang pabango nitong nanuot sa kaniyang ilong... Good smell, like before. He thought...

Naiilang si Terrenz sa ginagawa ng binata sa kaniya. Batid niyang sinasadya nitong idikit pang lalo ang katawan sa kaniya, maging ang mukha nito na malapit na lang ay mahahalikan na ang pisngi niya.

Ramdam niya ang pagtaas ng balahibo sa kaniyang batok dahil sa mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang leeg, he also heard the sniffing sounds.

Kanina pa niya napapansin na sinisinghot siya nito, at gusto niyang manliit sa ginagawa nito. Like he knows, na mabango siya, pero pa'no kung hindi nito gusto ang amoy niya?

Fuck! Ano kung hindi gusto? Pake ko sa kaniya! Argh!

Idiniposito niya ang binata sa mahabang sofa, aalis na sana siya ngunit hindi nito binibitawan ang kamay niya.

Kunot noong bumaling siya dito. Nagtatanong ang ibinigay niyang mga titig.

"You smelled good, as ever." he said.

Pwersahan niyang tinanggal ang kamay sa pagkakahawak nito. And luckily he succeed.

"I'm going to get some water for you."

Mabilis siyang naglakad patungo sa kusina. Kumuha ng baso at kinuha ang tubig sa ref. Nagsalin siya doon matapos ay mabilis niyang ininom.

Did he said that he'll get some water for his boss? But why did he drunk the water?

Pakiramdam kasi niya ay nanunuyot ang lalamunan niya. Hindi na talaga niya makuha ang nararamdaman. Sa mga simpleng hindi niya alam kung papuri ba iyon o ano? Ay grabe na agad ang apekto sa kaniya. Pakiramdam niya ay tinatakasan siya ng lakas sa tuwing malapit ito.

Ang walang silbi niyang puso, na walang ibang ginaws kundi ang tumibok ng kay bilis. Ni wala man lang ambag sa buhay niya. Hindi man lang nito masunod ang gusto niya. Gusto niyang matahimik naman ang kaniyang pag-hinga, gusto niyang panatag kahit pa katabi ang amo.

Pero hindi e, para siyang tumakbo ng ilang kilometro para maging ganoon na lang kabilis ang pag-tibok nito.

"Traven..?" Rinig niyang pag-tawag ng boss niya dahilan para mapapitlag siya sa kinatatayuan. Mabilis siyang nagsalin muli ng tubig sa baso at dali-daling nag-tungo sa gawi nito.

"Tubig mo."

Naningkit ang mata niya sa hiya, pumiyok lang naman siya kahit kaka-inom lang niya ng tubig.

Saka lang niya napag-tanto na ang basong sinalinan niya ng tubig na ibinigay niya sa binata ay ang basong kanina lang ay pinag-inuman niya.

God!

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganWhere stories live. Discover now